Seven: Star Witnesses.

2.2K 36 5
                                    

Day 3. It has been 3 days since I agreed out of orgasm, to Raleigh's girlfriend thing. Nagsisisi pa rin ako at nagpadala ako sa kaseksihan niya. What? Sexy? Well, kahit ayoko mang aminin, totoo naman. Pero no, hindi ko talaga bet maging girlfriend niya o ng kahit kanino! I wanna be single until I decide to be ready in love.

Well, I admit naman na Raleigh's definitely good when it comes to sex... pero 'di pa naman namin ginagawa 'yon. Binase ko lang 'yon mula sa booth scene na nagawa namin nang 'di sinasadya. Buti nga hindi kami narinig ng kahit na sino... o buti na lang walang nakarinig sa mga ungol at sigaw ko. Letcheng Raleigh 'yan, kung anu-ano ang dinudulot niya sa'kin. Puro kapahamakan ang binibigay niya!

Ayoko na nga sanang pumasok dahil sa kahihiyang nangyari nung first day ng org fair kung saan hinalikan ko in public si Raleigh. Ewan ko ba kasi kung bakit sa dinami-dami ng paraan para matahimik 'yun, HALIK PA 'YUNG NAISIP NA PARAAN NG UTAK KO. Pero 'di naman ako pwedeng mag-absent kasi nga, ako 'yung president. Parang nagsisi tuloy ako na naging president ako ng student council. My gosh!

Eh nasaan na nga ba si Raleigh Marasigan? Ayun, tinataguan ko. Ilang beses kong sinabi sa kanya after nung booth scene na makikipag-break na ako, kasi nga diba sabi niya GF niya ako. Eh 'di syempre, sabi ko break na nga. Aba, umayaw! I sealed it daw with the kiss I initiated. Lintek na labi 'to, kung saan saan kasi humahalik! Ayan tuloy!

Wala nga akong permanenteng lugar na pinagtatambayan ngayon dito sa Rose Hill U. Hindi ako pwedeng magtagal sa council booth kasi paniguradong guguluhin lang ako roon ni Raleigh. Hindi naman ako pwedeng magstay sa council office kasi pareho lang din ng dahilan sa una. Hindi naman ako pwedeng magliwaliw sa campus kasi baka makita ako ni Raleigh o ng mga kakilala niya. Oo, pinapahanap ako ng loko na 'yon. Anong akala niya sakin, NAWAWALANG TUTA?!

Hay, nakaka-tumor si Raleigh. Oo nga, gwapo siya... actually, dream boy siya ng mga babae—but not me. He's too good to be true, at saka alam kong playboy siya. Marami akong nasagap na chismis after malaman ng lahat na "girlfriend" ako ni Raleigh, na siguro isang buwan lang daw ako. Pwede rin daw tumagal kasi magiging mabait daw sa'kin si Raleigh kasi ako 'yung president. Pwede rin daw na isang linggo para mala-isang linggong pag-ibig ang drama. Sarap nilang pag-uuntugin lahat! Sarap ding isako niyang si Raleigh eh! Hindi sana 'to mangyayari kung hindi niya ako inakit. Hindi rin 'to mangyayari kung hindi ako nagpaakit! Tanga ko rin eh. Walang mang-aakit kung walang magpapa-akit. Damn Raleigh Marasigan and his skillful fingers.

Alam kong nag-iisip kayo, WHERE ART THOU, ALISTAIR? Nasaan nga ba ako?! Eh 'di andito, nagtatago sa loob ng simbahan ng Rose Hill. Oo, may simbahan kami dito. Syempre, Catholic school din kasi ang Rose Hill kaya may ganito. Eh bakit ako rito nagtago? Walang pumapasok dito maliban sa mga Theology professors, priests, at ako. Oo, ako! 'Di ka naniniwala noh? Sa ugali ko ba namang 'to, hindi pa ako nasusunog pag pumapasok ako ng simbahan. Pero religious kasi talaga ako, pinalaki kasi akong ganoon nila Mommy. Kahit alam nila na may pagka-maldita ako, hindi nila hinayaan na malayo ako sa Diyos qnd I'm grateful for that. Si Lord kasi ang takbuhan ko kapag wala na akong ibang makausap... at ngayon, dito sa simbahan, I'm speaking with Him alone.

Ipinagpapasalamat ko na ako lang mag-isa rito sa simbahan. Hindi naman kasi ito pinapasok ng mga estudyante, not unless may college mass sila or class mass or magsu-shoot ng video para sa project, or magdadasal at hihingi ng enlightenment kapag may exams. Eh wala namang dahilan para magpunta rito ang mga estudyante kaya walang laman ang simbahan.

"Lord naman, bakit sa dinami-dami ng lalaki na ibibigay mo sa'kin, bakit si Raleigh pa?" tanong ko kay Lord. Siguro mga pang-sampung tanong ko na 'to sa kanya. Kung nagsasalita lang siguro si Lord, kanina pa Niya ako sinagot.

"Alam niyo naman po na ayoko sa kanya unang-una pa lang... oo nga po Lord, gwapo talaga siya. Inaamin ko 'yon. Sabi nga po ng kanta ni Daniel Padilla, nasa kanya na ang lahat. Pero 'di ko siya bet para sa'kin, Lord. Alam kong paglalaruan lang niya ung feelings ko," sabi ko pa na parang may kausap talaga ako. Mukha akong baliw pero hindi naman kasi kausap ko si Lord.

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon