Three: Star Parties.

3K 50 5
                                    

I woke up feeling lazy to get up. Pero kailangan kong bumangon at sunduin si Kuya Xander , ang pinsan ko. He's been in New York since forever. Ang tagal niya kasing namamalagi doon dahil na rin sa demands ng trabaho niya which is being a model. Ngayon na lang siya ulit makakauwi, tapos nagdemand pa na sunduin ko siya. Ang arte! Si Kuya Xander na ang nagsilbing real life brother ko dahil only child ako. Ever since, siya na ang nagtatanggol sa akin every time may kaaway ako. Siya rin pala ang bumugbog kay Chad after niya malaman na pinaglaruan lang ako ng hinayupak na 'yon.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Mga isang oras din akong nasa loob ng banyo saka lumabas at nagbihis. Kinuha ko ang black lace underwear ko at nagsuot ng acid washed denim shorts and loose tank top na may nakalagay na "NEW YORKER". I went out of my room and went straight to the dining room to eat my breakfast. Pagdating ko roon, andun na kaagad sila Mom at Dad. Naupo na ako at nakisabay kumain.

"Anak, which car are you going to bring?" tanong ni Mommy.

"Yung Rover, Mommy," sagot ko. "Pupunta na ako ng airport after ko mag-breakfast. It's better to be early than late."

Tumango naman si Mommy. Mga ilang minuto lang din ang lumipas nang matapos akong kumain. Nagpaalam na ako sa kanila, pero bumalik muna ako ng kwarto saka kinuha ang iba kong gamit. Wallet, iPhone, at chocolates. I can't go on a day without my chocolate.

Lumabas na ako ng bahay at saka tumungo sa Rover. I super love this vehicle. Ang badass ng dating ko sa tuwing ginagamit ko 'to. Minsan ko lang 'to ilabas, kaya laging nakakakuha ng pansin sa university. Sino ba naman kasing babae ang magdadala ng Rover sa university? 'Yung nerd pa?

Ini-start ko na ang kotse, pero nagtext muna ako sa mga kaibigan ko. Maybe they want to know that Kuya Xander is back. Malapit rin kasi sila kay Kuya, siya nga kasi ang naging guardian angel namin.

Girls, Kuya Xander is comin' back to MNL. Will fetch him now in NAIA. You guys wanna hang out or something? Hit reply. x

Bumusina na ako at binuksan ng mga guard ang gate, saka ako nagpaharurot na papuntang NAIA. Syempre para hindi ako ma-bored sa byahe, nagpatugtog ako ng CD sa Rover. Ginawa kong full volume saka nagpatugtog.

Bigla kong naisip si Raleigh at ang kanyang gwapong mukha. Huh, di ko naman itatanggi na nagwapuhan talaga ako. What I don't understand is, bakit niya ako sinama pauwi? I mean, pwede naman niya akong iwan kila Nin, at sila na ang bahalang mag-uwi sakin, pero hindi. Inuwi talaga niya ako. At syempre, halata namang hinubaran rin niya ako para makatulog ako ng maayos. Buti hindi siya na-tempt na makipag£sex sa'kin... or did he get a hard-on? God, what the hell am I thinking?!

Saktong 10AM akong dumating sa NAIA. Nag-park muna ako syempre, saka pumunta sa arrival area. Matatagalan din 'yon si Kuya na lumabas pa, kasi syempre may mga papeles pang inaasikaso dahil naka-working visa lang siya sa New York. I've been with him there before, inaya niya akong pumunta kasama siya noong 19 years old ako. Of course, I went with him! Ipinakilala pa niya ako sa mga fellow models niya, pati na rin sa manager. Biniro pa ako roon na pwede raw akong maging model. Tumawa na lang ako sa offer nila.

Thirty minutes after waiting for a very long time, natanaw ko na si Kuya Xander. I waved my arms above my head, at buti na lang nakita niya ako. He's wearing dark pants, brown shirt with a white scarf around his neck, tapos naka-espadrilles siya. Goodness, hanggang dito sa Manila umaabot ang fashion ni Kuya Xander. Dumerecho siya kaagad sa akin, binitawan ang cart na tinutulak niya na may laman ng tatlong maleta niya, tapos niyakap ako nang mahigpit na sinuklian ko rin naman kaagad. I missed him so much!

"Kuya Xanderrrrrrrr! I missed you!" I squealed. Pumiglas naman si Kuya at tiningnan ako.

"Alistair, I missed you too. Ang laki mo na!" sabi ni Kuya tapos tinapik ung ibabaw ng ulo ko. Hinawi ko naman 'yung kamay niya.

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon