Six: Star Agrees.

2.3K 41 8
                                    

I kissed him. I kissed Raleigh. I fucking kissed Raleigh Marasigan. In front of Rose Hill students. What the hell did just go into me?!

Instead of closing our eyes, pareho kaming nakadilat ni Raleigh dahil sa ginawa ko. Syempre, nagulat din ang loko! Halikan ko ba naman siya—sa harap pa ng maraming tao—tapos hindi pa niya ine-expect. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maa-amaze sa katapangan ko ngayon...

I immediately pulled back and still looked at Raleigh with wide eyes. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa, at sabay pang hinawakan ang labi. Then we both turned to the people as we heard them saying, "yiiiiiieeeeeee"! Shit, nakakahiya!

"President ha! Kaya pala walang nanliligaw sayo, kasi may boyfriend ka na! Yihee!" dinig kong asar ng isang estudyante sa'min. Hindi ko na alam ang gagawin ko—tatakbo ba ako o haharapin ko ang kalokohang ginawa ko?! GOD, HELP ME!!!!!

"Swerte naman ni president, si Raleigh Marasigan pa ang naging boyfriend!" sabi pa ng isa.

"President, paano mo siya napa-amo? Saludo ako sa'yo!" May dumagdag pa.

"Wala na, hindi na single si Raleigh! Girls, wag na kayong umasa!" At may dumagdag pang isa.

"At talagang nagpi-PDA sila! NAKAKAKILIG!" At may dumagdag pa nga.

"OMG LOOK! May regalo pa na bigay si Raleigh kay Ms. Alistair! Ano kayang laman niyan?!" At may dumagdag pa ulit.

"BAKA SINGSING! OMG! COUPLE RING!" At may dumagdag pa nga ulit.

"BAKA NECKLACE!" At may isa pa.

"Nako, baka susi ng kotse! Ayy, hindi pwede. Naka-Ferrari na si Madam President eh!" At may isa pa nga.

"Baka naman susi ng condo—"

"AND THAT'S ENOUGH!" dinig kong sabi ng isang boses na naka-megaphone mula sa likod ko. Lumingon naman ako at nakitang nakatayo doon si Janine na may hawak nga na megaphone at nakataas ang kilay sa mga estudyanteng uzi. UZI-sero.

"Tapos na ang palabas! Hayaan na natin ang lovers magkaroon ng quality time sa isa't isa!" sabi pa ulit ni Janine sa megaphone. Nakarinig naman kami ng, "ano ba yan", "kinikilig pa kami eh", at "nag-eenjoy pa ko". Mga halimaw 'tong mga 'to! Walang namamagitan sa'min ni Marasigan noh! Kapal!

Nang magsi-alisan na ang mga estudyante, lumapit sa'min si Raleigh pero 'di siya nagsasalita. Nakangiti lang ang hayup sa'kin. At nagawa pa talaga niyang ngumiti diba! The nerve of that guy!

Ibinaba naman ni Nin ang megaphone niya at tumingin at ngumiti sa'min ng pilyo. Wala na akong lusot!

"Hmm, Alistair ha. Hindi ka man lang nagsasabi, may BOYFRIEND ka na pala. Tapos si RALEIGH MARASIGAN pa," sarkastikong sabi ni Janine, at in-emphasize pa ng bruha ang boyfriend at Raleigh Marasigan sa sinabi niya!

"Ah... eh... Kasi ganito 'yun, Nin—"

"Well, yup. Actually, ngayon lang din niya ako sinagot," Biglang singit ni Raleigh sa usapan namin. Nilingon ko naman siya at pinandilatan ng mata. "NO I DID NOT! YOU WERE—"

"Baby naman eh, 'wag mo naman akong i-deny sa harap ng best friend mo. Nahu-hurt ako," ma-dramang sabi ni Raleigh sakin. Namula naman ako sa sinabi niya. BABY?!

"Onga naman, Alistair. Kawawa naman ang boyfriend mo," sabi ni Janine. Lumapit naman siya kay Raleigh at nakipag-shake hands. WTF, NIN! "Hi, I'm Janine Cruz, Alistair Monteroso's bestfriend and secretary... and also the girlfriend of the Japanese organization president, Denver," pakilala ni Janine.

"JANINE CRUZ! I THOUGHT YOU'RE ON MY SIDE!" bulyaw ko. Nagbitiw naman sila sa shake hands tapos humarap sakin si Janine.

"Girl, I'm not on your side right now. Ni hindi mo man lang sinabi na may boyfriend ka na pala! Tapos itong si Raleigh pa!" sabi ni Janine. "The last time I checked, you hated this guy."

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon