Nine: Star Goes.

1.8K 26 3
                                    

"4... 3... 2... 1... HAPPY NEW YEAR!" sabay sabay naming sigaw sa bahay. New Year, new experience. I hugged my family as we greeted each other. Nanuod kami ng fireworks na pinabili ni Daddy. Tradition na 'yun sa Monteroso family, ang magpaputok ng fireworks kapag New Year.

"'Di ko alam na masaya pala mag-New Year dito sa inyo," biglang sabi ni Raleigh na tumabi sa'kin habang nanunuod ng fireworks. Nilingon ko siya at nginitian. "The best New Year celebration is always celebrated by our family," sabi ko.

Dito nag-New Year ang family ni Raleigh, of course. Napagdesisyunan daw kasi nila 'yon. Naku, alam ko naman na pinagkakasundo kami ni Raleigh eh. Obvious na obvious naman na. Well, hindi naman na ako umangal kasi okay naman na kami ni Raleigh. Naroon na ulit kami sa "BF-GF" state namin.

"Happy New Year, Alistair," bati ni Raleigh. Hinarap ko naman siya at nginitian muli. "Happy New Year, Raleigh."

"Well, I'm not the sorry kind of guy... pero gusto kong magsorry. I dragged you into this," sabi niya, na nagdulot para magulat ako pero hindi muna ako sumagot. Hinayaan ko lang siya.

"And sorry too, dahil nahuli mo ako noon sa simbahan. That was disrespectful. Especially, 'yun ung time na sinabi ko na tayo," pagpapatuloy niya. Wow, I didn't think I'm gonna see Raleigh like this.

"I hope, magkakasundo tayo rito. We both know what we want, we both know what we're getting into," dugtong niya. "So, let's go have an awesome year together."

Mga ilang segundo, tumawa ako. Ewan ba, natatawa kasi ako sa speech ni Raleigh. Nagtaka naman si Raleigh kung bakit ako tumawa.

"Sino ka at anong ginawa mo kay Raleigh?" pabiro kong tanong. Raleigh can't help not to grin. "Grabe, 'di ko in-expect na ngayon pala ang araw na magpapakumbaba ang isang Raleigh Marasigan. Wow! Aren't I lucky?"

"I suppose you are," sagot ni Raleigh. Tumawa na naman ako. "Didn't think you can actually say sorry!"

Ngumiti naman si Raleigh. "People change," sabi niya. Napangiti naman ako. "Apology accepted. Wala rin naman na akong magagawa kung magagalit ako or what, so I accept your sorry."

Mas lumawak ang ngiti ni Raleigh. "So, tayo na ulit?" tanong niya. I looked at him and snorted. "What, you think ganun lang 'yon? Mr. Marasigan, I'm a woman. We deserve proper courting."

This time, si Raleigh naman ang tumawa. "Gusto mong ligawan pa kita?" Tumango naman ako. "Of course! I don't easily jump into relationships, Raleigh. I'm not an easy girl."

Raleigh playfully glared at me. "Really? Kaya pala marami kang lalaking tine-take out mula sa club!" sabi niya. Tumawa naman ako. "You know, hindi naman kasi totoo na marami. They're only a few. I don't go with anyone, you know. Kinikilala ko rin naman sila, and vice versa."

Tumango tango naman si Raleigh habang hinahagod ng kamay niya 'yung baba niya, para bang nag-iisip. "So liligawan nga kita. What do you even want?" tanong niya. Napaisip naman ako.

"Well, alam naman natin na magiging tayo pa rin naman sa huli..." sabi ko. "At alam naman natin na ia-arrange marriage tayo ng parents natin," dagdag ni Raleigh na tinanguan ko naman.

"Hindi ibig sabihin nun ay papalampasin na natin ang panliligaw. You asked me about what I want," sabi ko. "I want flowers. Chocolates, especially, adik ako sa chocolates. Gusto ko rin 'yung hinahatid sundo ako, bahala na kung sa bahay man or sa university lang, it's your choice. Regarding PDA, we can't do that inside the campus. Smack, hug and holding hands lang pwede. And of course, dahil nanliligaw ka pa lang, hindi ka aabot ng third base."

"Pero nakaabot na ako ng third base before, Alistair. Remember?" paalala ni Raleigh habang nakangiti ng pilyo. "Oo! Pero iba 'yon!"

Tumawa si Raleigh sa sagot ko. "Anyway, yun lang naman. Any questions?"

"Any ideal man?" tanong niya. "Of course, there is!"

Napaisip ako saka sumagot. "My ideal man. 'Yung malambing, makulit, makwento, mabait, seloso, control freak... pero hindi 'yung aabot sa nakakasakal na. Tall, and 'yung magulo ang buhok in a good way. Bed hair, for short."

Tumango tango naman si Raleigh. "Ako ata 'yun ah. Crush mo ko noh?" pabiro niyang tanong. Hinampas ko naman siya sa braso. "Ilusyunado ka!"

Natawa si Raleigh. "Alright, alright. I'll do my best, Monteroso." I nodded. "That's good, Marasigan."

"I'm gonna show you how a Marasigan courts a girl," sabi pa ni Raleigh. "You're gonna love every single minute of it."

"Alistair, dear! Let's eat!" tawag ni Mommy mula sa loob ng bahay. "Yes, Ma!" sagot ko. Binalik ko ang atensyon ko kay Raleigh at ngumiti. "Let's eat." At sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay para kumain kasama ang family namin.

**

"Alistair, Raleigh's here," mahinang sabi ni Mommy sa tenga ko. Nagising ako at nagmulat ng mata at nakitang nakaupo si Mommy sa kama ko. Bumangon ako at nag-unat pati humikab.

"Good morning, Mommy," bati ko. "Good morning din, anak. Andito si Raleigh, sinusundo ka."

Nagulat naman ako. "Bakit daw po?" tanong ko. Nakakapagtaka naman. January 2 pa lang ngayon... sa 6 pa ung pasukan ulit. Bakit siya nandito?

"Hindi ko natanong, anak. Baka magde-date kayo!" sabi ni Mommy na parang naghi-hint pa. Well, I guess kailangan kong bumangon para malaman.

"Sige, Mom. Pakisabi na lang po na mag-aayos lang ako," sabi ko sabay ngiti. Bumangon na rin ako at pumasok ng banyo pagkalabas ni Mommy ng kwarto ko. Nag-tooth brush na rin ako at nagsuklay ng buhok saka lumabas para puntahan si Raleigh.

Pagdating ko aa sala, nakaupo lang doon si Raleigh sa couch at halatang naghihintay. Dumerecho naman ako sa kanya kaya tumayo siya at sinalubong ako ng halik. Nagulat naman ako. Buti pala nagtoothbrush ako!

I crossed my arms after Raleigh kissed me. "Bakit ka nandito?" tanong ko. Ngumiti naman siya. "Good morning din."

I sighed. Bakit ba kasi ang pilyo nito ni Marasigan?! "Good morning. So...?" sabi ko.

"I'm here to take you out on a date," deretso niyang sabi na ikinagulat ko. What?!

"Date?!" bulalas ko. Tumango naman si Raleigh. "Yep. Date."

"Why?" tanong ko. "Isn't it obvious? Since January 1, naging suitor mo na ako. And as your suitor, I am taking you out on a date as a sign of courtship," sagot ni Raleigh. I rolled my eyes.

"Ganito kaaga? Anong gagawin natin? Mag-eexercise?" sarkastiko kong sabi. Kasi naman ang aga! Ang sarap sarap ng tulog ko eh.

"No. It's a surprise, actually," sagot ni Raleigh. I looked at him dumbfounded. So pinlano talaga niya ito?

"Wow. You actually made a plan," I said, smiling. Raleigh shrugged then grinned boyishly. "That's how a Marasigan works, Monteroso."

I grinned. So it starts. "Alright."

**

TA-DA. As in nag-UD talaga ako sa lahat ng stories ko! Haha! :)) Basahin niyo pala ung story ko na Teen Fiction, Muntik Na ang title. Tungkol siya sa babaeng inlove sa childhood bestfriend niya na lalaki at nakatira sa friendzone. 110% sure ako, lahat kayo makaka-relate doon. Hehe. Check niyo na lang sa profile ko.

HAPPY NEW YEAR! A new year for us. Maraming mangyayari pa sa buhay natin. Haha. A new adventure and a new experience. At syempre, marami pa kong stories na ilalabas. Remember, series ung sa Muntik Na. First book na ung Muntik Na. Coming soon pa ung iba. Pero lahat, nakalatag na ung idea. Hihi. ABANGAN!



x, G.

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon