Four: Star Disagrees.

2.4K 30 2
                                    

I went out of Raleigh's grasp on me and looked at him, confused. "What?!"

Raleigh rolled his eyes at me then smiled. "I said, go out with me. Kailangan ko pa bang ulitin uli?"

Napailing ako sa tanong niya. What the hell is he talking about? "Go out? As in, go out na BF-GF o malanding ugnayan lang?"

He smirked at me then pulled me back again by the waist, making me gasp in surprise. Ano bang trip nitong lalaking 'to sa'kin?! Alam ko namang maganda ako—not that I'm bragging—pero dios mio, go out daw? QUE HORROR! "Go out na BF-GF. I don't do the malanding ugnayan thing, Star," sabi ni Raleigh sa'kin.

I smiled nervously. "Look, Raleigh. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. We both look good in each other's arms, but when you finally see the real me, hindi itong nasa harapan mo, iiwan mo rin ako. Lalayo ka, hindi dahil sinabi ko. Lalayo ka dahil ikaw mismo ang aayaw sa makikita mo," sabi ko sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin, sa kabila ng ingay na naririnig sa paligid dahil nasa dance floor pa rin kami.

"Kung ano man 'tong paandar mo, tigilan mo na ako. I'm not gonna be a notch on your bedpost. I sleep with men, yes, but not with you offering me the commitment," dagdag ko. Hindi na siya nagsasalita dahil nakatingin lang siya sa'kin at nakakunot ang noo, kaya nagpasya ako na tumalikod na at maglakad palayo nang bigla kong marinig ang hindi ko inaasahan mula sa bibig niya mismo.

"Really, now? I thought you were a tough cookie, Alistair Monteroso," sabi ni Raleigh. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumigil sa paglakad. Ilang hakbang pa lang naman ang natatahak ko mula sa pwesto ko kanina. Sa kabila ng ingay sa paligid ko, feeling ko nagkaroon ng matinding katahimikan ang buhay ko dahil sa sinabi ni Raleigh. Ang boses lang ng isip ko ang naririnig ko, nagtatanong kung PAANO NALAMAN NI RALEIGH ANG TUNAY KONG PANGALAN! Ni hindi ko nga alam ung kanya, pero alam niya ung akin?!

"You can't lie to me, Star... or should I call you, Alistair? They are both beautiful names," biglang bulong ni Raleigh sa tenga ko. Hindi ko naramdaman na pumunta siya sa likod ko! God, I'm fucked. I took a deep breath and turned around to face him. Kaya ko 'to!

"Alistair who? Really, Raleigh, hindi pa nga tayo tinatawag mo na ako ng ibang pangalan!" pabiro kong sabi, pero sa totoo lang kinakabahan ako. Ramdam kong hindi siya naniniwala sa'kin.

Ngumisi si Raleigh sa sinabi ko. "Look, Star... or Alistair, hindi mo ako maloloko. I heard your bestfriends call you Alistair Monteroso the very first time we met. When you went home with me, I checked your purse and found your wallet na naglalaman ng mga IDs mo. And I was right, you are THE Alistair Monteroso," sabi niya sakin. Napabuntong hininga ako. Nai-stress ako! Ang ingay na nga ng paligid, dumagdag pa 'tong Raleigh na 'to, naloloka na ako!

"Can... can we talk about this, outside? 'Yung walang ingay. 'Yung private. Nai-stress ako sa mga nangyayari," mahina kong suggest. Kahit maingay, naintindihan naman ako ni Raleigh kaya hinapit niya ako sa beywang at sabay kaming lumabas. I'm not even drunk or tipsy, but I feel dizzy about everything. Letcheng Raleigh 'to, panira!

Imbis na sa parking lot lang kami pumunta para mag-usap, sa kotse niya ako dinala. At infairness, maganda ang kotse na meron siya, Mercedes-Benz. Inalalayan niya ako sa passenger seat tapos sumakay naman siya sa driver's seat pagtapos. Nakatingin lang kami sa isa't isa, naghihintay kung sino ang magsasalita.

Halos 2 minutes na ang lumipas wala pa ring nagsasalita kaya ako na ang nauna. "Ano bang problema mo?" tanong ko. Bumuntong hininga siya.

"Look, my parents, or particularly my Mother only, is arranging me in a marriage with a woman I don't know. Kaso nagback out yung supposed to be bride ko, and I got happy because I really want out. But my Mom threatened me, na kapag wala akong naiharap na girlfriend na matino sa kanila, tatanggalan niya ako ng mana. And I don't want that to happen!" tuluy-tuloy na kwento ni Raleigh sakin. Halatang frustrated nga siya dahil ang lalim niyang bumuntong hininga.

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon