Eight: Star Greets.

2K 33 1
                                    

Two months. Two months na akong hindi kinukulit ni Raleigh Marasigan. Ha! Can you even believe it? Ang dating habol nang habol, tumigil na rin sa wakas. Nakakagulat nga eh. Wala nang nangungulit sa'kin na maging girlfriend niya. It just happened na after nung nahuli ko sila nung ka-MOMOL niya sa simbahan, at chinallenge ko siya, wala ng Raleigh na umaaligid. Feeling ko nakawala ako sa hawla dahil doon.

After that incident, I continued my life like it has always been the same. Well, it has always been the same... umeksena lang talaga si Raleigh. My girls and I still celebrate Lady Time. We still party like it is the end of the world. We still make ourselves drunk like it is our last day being one. But even though stuff happened, I've never engaged in any sexual acts after what happened to me and Raleigh. I don't know why. I've thought about some reasons—na baka naghahanap ako ng someone like Raleigh—but I immediately shoo those away. Charot lang siguro ng isip ko 'yun.

It is already a weekend. Actually, Christmas break na. Yeah, time flies so fast especially when you are having fun. My girls and I, we'll be going to Candy Shop later. Hindi naman Lady Time ngayon pero dahil bakasyon na, we're doing it almost every day. Though it's different now, kasi pati si Kuya Xander sumasama na samin. Oo, sila na ni Florence. Hindi na rin naman na nagpakipot ang bestfriend ko. Matagal niya ng crush si Kuya eh.

"Alistair, dear, may bisita ka!" dinig kong tawag ni Mommy mula sa baba. Hmm, maaga pa para pumunta sila Cheka rito sa bahay ah. Sino naman kaya itong bisita ko?

Sinave ko muna ang document na tina-type ko sa MS Word bago bumangon. Inayos ko muna ang tank top ko pati shorts saka nagsuot ng tsinelas at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ng hagdan, napatigil ako. Lintik talaga. Kakasabi ko lang kanina na hindi na nagpaparamdam si Raleigh, biglang andito na siya ngayon! At ito pa, kasama pa niya ata 'yung mga magulang niya eh!

Magkakatabi silang lahat sa sofa set sa sala. Naglakad ako papunta sa kanila at umupo sa nag-iisang couch na katabi ng upuan ni Raleigh. Gosh, sana wala siyang sinabi kila Mommy! Mamamatay talaga siya pag meron siyang ginawa na hindi kaaya-aya.

"Good afternoon," bati ko sa parents ni Raleigh na sinuklian naman nila ng ngiti. Binalingan ko ng pansin si Raleigh at tinitigan lang siya saka humarap kila Mommy. "Sinong bisita ko, Mom?"

Ngumiti naman sila Mommy at Daddy sa'kin saka tumingin sa parents ni Raleigh, tapos lahat sila tumingin sa'kin at ngumiti ng pagkalaki-laki. Shit. I knew it. Raleigh Marasigan, better prepare your last words. "Uhm... what's with the look?" tanong ko.

"Dear, you never told us na ang tagapagmana pala ng Marasigan Group of Companies ang boyfriend mo. May pa-secret secret ka pa. 'Yan tuloy, sila na ang nagkusang pumunta rito para makilala ka!" sabi ni Mommy. My mouth gaped open. WTF?! I looked at Raleigh, and I saw him playfully smiling at me.

"Mom, h-he's not—"

"Anak, wag mo na itago. Kahit itanggi mo, may ebidensya naman," sabi ni Daddy. Saka ko napansin ang mga litrato na nasa ibabaw ng coffee table. Pictures namin ni Raleigh mula nung org fair at 'yung huling araw na magkasama kami, 'yung nasa elevator kami. Grabe, pati ba naman 'yon?!

"D-Dad, hindi porket may ganyan, may meaning na!" depensa ko. Humarap ako kay Raleigh at niyugyog siya. "Marasigan, don't just sit there! Tell them the truth! Hindi kita boyfriend! Hindi mo ako girlfriend! Walang namamagitan sa'tin!"

Nagulat naman ako nang biglang hinawakan ni Raleigh ang kanang pisngi ko at marahang pinisil 'yon saka ngumiti ng pilyo. "Liars go to hell. I'm not a liar. We're in a relationship, right, baby?" sabi ni Raleigh. At binigyang diin pa ung baby! Loko!

Namumula akong humarap kila Mommy. "Mom!" pagmamaktol ko.

"It's okay, I know you are still shy... naiintindihan namin," sabi ni Mommy. "Anyway, dito sila magdi-dinner."

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon