Two: Star Runs.

3.4K 46 5
                                    

I woke up... and everything felt wrong. Especially my aching head. Ang sakit ng ulo ko, parang kada galaw ko, binibiyak 'yung ulo ko ng unti-unti! Pinilit kong iangat kahit kaunti ang ulo ko sa kabila ng pagkirot nun, saka tumingin sa paligid. The surrounding felt... different. Hindi ko ito kwarto, of course, at hindi rin kwarto ng mga kaibigan ko. Nin's room is color lilac, Cheka's room is color red, Florence's room is color pink, and CC's room is color gray. But this room is color... black and white. And I know, for sure, that this is a man's room because of the manly scent oozing around the room. Pati na rin ang mga gamit, halatang bachelor's pad lang 'to. Huh, I didn't even remember me going home with a guy. Anyway, I know I didn't have sex last night 'coz my vajayjay does not hurt nor it is sore. At saka I'm still wearing my undies... so wala namang nangyari.

I checked the time on the bedside clock. 8:15AM. Shit. I'm gonna be dead. Lagot ako kay Mommy! Babangon na sana ako ng makaramdam ako ng braso sa tiyan ko. Huh? Inalis ko yung braso at saka bumangon—at sobrang sakit pa rin ng ulo ko—saka tumingin sa nagmamay-ari ng braso at napanganga. He's the guy from last night! What was his name? Reindeer? Rush? Ramon? Raymond? Ra... Ra... Raleigh! Tulog mantika naman siya, so hindi na ako nag-abalang gisingin siya. Nagmadali akong tumayo kahit masakit ang ulo ko at hinanap 'yung damit ko from last night, pero it is nowhere in sight. Shit, asan na 'yung damit ko?! 'Di ako pwedeng umuwi, of course, ng naka-bra at panty lang noh! Nakuuuuu, saan kaya dinala ng kumag na 'to 'yung damit ko?! Hmmp, bahala siya! Luminga ako sa paligid at nakakita ng isang cabinet. Oh, baka ito 'yung closet niya. Makakuha na lang ng damit—remembrance, ganun.

Pagbukas ko ng closet, kumuha kaagad ako ng isang black boxer shorts na printed ni Bart Simpson at isang gray shirt na may nakalagay na "Captain Handsome since Forever" sa harap, printed in black. Sinuot ko 'yun kaagad in 5-seconds time. Walang dahilan para magbagal ako, kailangan kong umuwi! Sinara ko nang dahan-dahan ang closet saka hinagilap ang purse ko, at sakto, nasa baba pa 'yon ng kama. Pinulot ko 'yon kaagad, chineck kung kumpleto pa ang gamit saka sinukbit sa balikat ko. Pahapyaw din akong sumilip at naghilamos sa CR ng kwarto at saka hinanap yung sapatos ko, na nasa tabi lang din ng pintuan. Pinulot ko na lang muna 'yon, mamaya na ako magsusuot!

Lalabas na sana ako ng kwarto, kaso bigla akong nakunsensiya. Si Raleigh na ang naging mabait, tapos iiwanan ko lang bigla. Hmp! Naghanap ako ng papel at pen sa kwarto saka nagsulat. Ipinatong ko iyon sa bedside table saka nagmadaling lumabas ng kwarto. Kahit nagmamadali ako, napansin ko na maganda ang condo kaso lalaking lalaki ang dating. Naku, makauwi na nga!

Lumabas na ako ng kwarto at nagmadaling pumunta ng elevator kung saan ako nagsuot ng sapatos. Pagdating ko sa ground floor, nagmadali akong lumabas at pumunta ng parking lot. Then I realized... 'di ko alam kung nasaan ang kotse ko! Gosh, of all things, kotse ko pa ang wala! Sana nasa Candy Shop lang 'yon. Nag-taxi na lang ako papuntang Candy Shop at voila, naroon nga talaga siya. Nagmadali akong magmaneho at dumerecho na pauwi. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa sermon ni Mommy.

**

"Alistair, bakit inumaga ka na?" biglang sabi ni Mommy mula sa likod ko. Napa-shit pa ako ng mahina. Akala ko makakalusot na ako! Papasok na ako ng kwarto ko eh! Isang hakbang na lang eh! Bigla namang dumating si Mommy! Tumalikod ako at humarap sa kanya at ngumiti.

"Eh, Mommy... 'di na kasi ako makapagdrive kagabi... so nakitulog ako," pagsisinungaling ko. Napailing naman si Mommy saka naglakad papunta sa'kin. "Anak, sabi ko 'wag kang magpapakalasing, diba?"

Tumango naman ako. "Look, I'm really sorry. It's just that... I miss hanging out with my girlfriends," pagdadahilan ko. Tumango naman si Mommy—here's what I really like about her, napaka-understanding.

"I understand, Alistair. But please, drink moderately. It's not just for your safety but also for your health," sabi ni Mom. "Mabuti na lang at maasahan ang mga bestfriends mo. Saan ka nakitulog? How did you manage to get your car?"

Her Identity, His Pleasure (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon