Isang lugar na nagpapasaya sa akin at napakadaming alaala na naiwan doon. Pero simula ng iniwan niya ako ang lugar na ito ay naging tahimik na. Halos limang taon akong tumatambay dito. Tanging mga ibon lang ang mga nag-iingay dito, noon kaming dalawa pa ang nag-iingay dito pero ngayon ay wala na, Alam niyo ba na pakiramdam ko ay may nagbabantay sa akin dito. At ngayon nandito na naman ako nagbabasa ng librong hiniram ko sa library. Ilang sandali ang lumipas ay di ko na namalayang napatigil na pala ako sa pagbabasa at na alala ko na naman ang nang-iwan kung bestfriend.
FLASHBACK
"Hahaha, siyempre friends tayo forever" ako
"Walang iwanan ha?"
"Oo naman"
At sinel namin ito gamit ang pinky fingers.
END OF FLASHBACK
Hindi ko na lang na malayan na tumutulo na pala ang luha ko at naramdaman kung may pumahid dito at dinilat ko ang aking mga mata.
"Jeff??"
"(smile) claire"
At niyakap niya ako at di ko napigilang umiyak habang yakap ko siya.
"Oyy ba't ka umiiyak?"
"Ikaw *sobs* kasi"
"Sshh di kita iniwan ha. Nandito lang ako sa paligid, minamasdan ka habang natutulog at umiiyak dito"
Biglang may dumating na Men in Black at may dalang baril, tinutok ito sa akin, ng ipinutok na ito wala na akong ibang ginawa kundi ang pumikit nalang. Pero wala akong naramdamang kahit anong sakit, pero naramdaman ko nalang ang bigat ng taong nakayakap sa akin.
"Jeff!!!!" ako
"C-claire masaya a-ako
n-na nakita k-kita muli"
At may binigay siyang isang sulat sa akin
"B-basahin m-mo ang
n-nakasulat dito"
"J-jeff *sobs* wag mo akong iwan *sobs*
i-iniwan mo na nga ako noon, iiwan mo na man ako *sobs*"
"P-paalam n-na c-claire"
Tulayan ng nawalan ng buhay ang aking bestfriend na c Jeff. Binasa ko nalang ang sulat na ibinigay niya sa akin.
Hiiii Claire! I'm sure na pagnabasa mo ito ay wala na ako. May dapat kang malaman at may karapatan kang malaman ito. Kaya kita nilayuan kasi ayokong madamay ka pa sa gulo ng ating mga magulang. Binantaan kasi ako ng parents ko na kapag hindi kita lalayuan ay papatayin ka nila. Nagkakaalitan kasi ang ating mga magulang ng hindi natin na mamalayan, kaya lumayo nalang ako para hindi ka na mapapahamak, pero hindi naman talaga ako lumayo ng tuluyan sa ehh, nandyan lang ako sa paligid nagmamasid sayo habang umiiyak at sabik na sabik akong makausap ka muli.
Matapos kung basahin ang sulat ni Jeff ay nanatili lang ako sa lugar na ito habang umiiyak lng ng umiiyak. tumingin ako sa kalangitan. at sinabi kong "Jeff magkikita rin tayo dyan sa langit balang araw at magiging masaya tayo ulit. :)"
The End
Author's note: Salamat po ng marami sa nagbasa ^_^. Pasensya na po kung hindi masyadong maganda ang story, ito po pa kasi ang ka una-unahang story na nagawa ko :)