Chapter 3

1.3K 33 0
                                    

Sa inis ko, lumabas nalang ako ng bahay niya at tumambad sa akin ang malaking damuhan.

Narinig ko na hahabulin niya ako dahil sa mabigat na tunong ng paa niya. Kahoy pa pala 'tong veranda niya kaya feeling ko tuloy may humahabol sa'kin na kabayo.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko ang dulo. Jusme, ilang kilometro ba 'tong lupa na 'to at ang laki laki? Wala namang forever ah? Ba't parang sa tingin ko wala ng katapusan 'tong lupang tinatakbuhan ko. Bwiset!

Nagulat pa'ko na ang laki laki ng gate ng marating ko ang dulo. May malaki siyang gate na parang akala mo eh nasa loob ka ng kulungan. Ano to, bilibid?!

"Ma'am, sa'n ho kayo pupunta?" Napatingin ako sa taong nagsalita. At wow! May guard pa ha?

"T-teka, nasaan ba'ko? Ba't ang laki ng lupa dito?" Tanong ko habang tinitignan ang paligid ko.

"Ma'am, nasa hacienda po kayo." Nanlaki ang mata ko.

"HACIENDA?!" jusme, 'di ko alam na nasa hacienda na'ko. ANG KAPAL NGA NAMAN TALAGA NG MUKHA EH DITO PA AKO SA HACIENDA IPUPUNTA MYGHAD! LAKING MANILA AKO NO!

Pero para namang hindi rin ako naaliw dahil anlalayo ng bahay ng nakikita ko. Pero ba't diko napansin na may malaking gate?!

Nakarinig ako sa likuran ko ng tunog ng kotse at lumingon ako. Niluwa naman ang lalaking walang hiya at makapal ang mukha na nagdala sakin dito.

No hindi ko pa nga siya kilala eh! Ni-pangalan niya wala siyang binaggit tapos kung makapag sabi siyang magiging babysitter ako—nako! Wag niyo na ngang ipaalala sakin!

"Grabe na talaga 'yang kakapalan ng mukha mo eh! Kinidnap mo na nga ako, gagawin mo pakong katulong! Tapos ngayon malalaman kong dinala-dala mo na ako sa hacienda mo! May isasagad pa ba 'yang kakapalan ng mukha mo?!" Sigaw ko sakanya kahit na may mga tao.

Inirapan ko siya at naglakad palayo. Huminto ako at nilingon ulit siya.

"Tsaka ang yaman yaman mo na nga kinuha mo pa cellphone ko! Walang hiya ka talaga!" Tumakbo na'ko pabalik ng bahay at dumiretsyo kung saan niya ko iniwan.

Jusme nagsayang pa'ko ng effort na tumakbo palabas sana, eh babalik din pala ako dito. Ano ba! Pinaglihi bako sa katangahan?

Ni-lock ko ang pinto at napaupo nalang ako sa likuran ng pintuan at nagtabon ng palad ko. Wala naman akong kasalanan maliban nalang dun sa sinigawan ko siya. Napahiya ba siya nun para gantihan ako ng ganto? Siguro nga.

Sobrang babaw naman ng dahilan niya kung 'yon lang! Isa pa, napaka feelingero nga naman kasi niya. 'Di porket gwa—mahitsura eh, mansusumbat na agad siya ng kung anong ginawa ko. Hindi tama yon!

Sa inis ko, naghanap nalang ako ng matatambayan kong lugar. Tutal malaki naman tong hacienda niya o edi bigyan natin ng purpose at gumala gala tayo.

Habang naglalakad ako sa damuhan, naalala kong baka nag-aalala na nga si Mama. Pero paano? Paano ko siya matatawagan kung na sa lalaking yon yung cellphone ko? Napakamot ako ng ulo.

Nakahanap ako ng matatambayan at yon ay sa ilalim ng puno. Naupo ako at napatulala lang sa malawak na damuhan.

First time kong makakaupo sa ilalim ng puno ng walang katao-tao dahil nga hindi naman ako laking probinsya. Nasa probinsya nga ba talaga ako? Mukhang obvious naman, di ka naman makakakita ng malalayong pagitan ng bahay sa Maynila eh.

Nag mu-muni muni muna ako kung anong magandang pambawi sakanya, yung matinding parusa.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, napangiti ako ng biglang may pumasok na ideya. Ideyang sana maging effective.

Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon