Chapter 25

594 14 4
                                    

Pagkatapos na pagkatapos namin kumain ay agad akong nag tungo sa CR para mag hugas ng kamay-okay fine! Nag CR ako para umiwas kay Eusef!

But! Of course it's not just about him. Kanina pa kasi may tumatawag sakin pero dahil nga sa gutom ko, hindi ko na nasagot at naisip kong ang CR ang pinaka safe space para sagutin ang unknown number nato.

Nagdadalawang isip pako dahil shempre no, malalagot ako kay Eusef kung may makaka alam pa ng number ko maliban sakanya at iba narin ang panahon ngayon, pwede akong ma-block mail through tawag lang kaya ingat talaga kundi sa kamay ako mismo ni Eusef mamamatay. Wag naman sana!

Nag ring ng ilang beses bago may sumagot.

"Hello?"

Parang napreno ang bibig ko sa pamilya na boses na sumagot.

"Hello? Who's this?"

Hindi ko nagawang sumagot at agad na pinutol ang tawag. Sa taranta ko, nahulog pa ang kawawa kong cellphone sa lababo ng CR na agad ko rin namang kinuha ng maka recover sa gulat. Tinago ko yun sa bulsa at lumabas sa CR na parang nanlalamig.

Bakit siya ang sumagot ng tawag?

May nakabangga pako habang naglalakad dahil sa sobrang lutang ng isip ko sa nangyari.

"S-sorry," mahina kong sabi at hindi na tiningnan kung sino ang nakabangga ko. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero hinugot ako ng taong yon pabalik.

"S-sorry-"

"Are you okay?" para akong nabunutan ng tinik ng makita ko si Eusef. Inalog alog niya ang dalawa kong balikat para gisingin ako pero masyadong naka focus ang pag iisip ko sa taong nakausap ko.

"O-okay lang ako." Napalunok ako. Alam kong hindi niya yon paniniwalaan pero mabuti nalang at hindi na niya ko pinilit pa magsalita.

"Umuwi na tayo." Nauna akong lumabas ng resto at alam ko namang nakasunod siya sa likod ko at ramdam ko ang paninitig niya sa likod ko.

☆☆☆

Nakarating kami ng bahay na tahimik na. Buong araw nga pala kaming wala at hindi man lang ako nakapagpaalam kay Madelaine na aalis ako.

Dumiretsyo nako sa taas para silipin kung gising pa si Madelaine at laking gulat ko na naglalaro parin siya hanggang ngayong oras. Isinantabi ko na muna ang mga iniisip ko at pumasok sa kwarto niya. Hindi mapigilan ang saya ng makita uli ang alaga ko.

"Maddy?" lumingon agad siya sa tawag ko at malaki ang ngiti na tumakbo sakin.

"Ate!" mahigpit ang yakap niya sakin at hindi agad ako binitawan.

"Why didn't you tell me you're going somewhere?" kabaliktaran ng tuwa ang tanong niya. Lumayo siya at tinitigan ako na tila ba nag aantay ng sagot.

"I'm sorry Maddy, hindi rin kasi sinabi ng Daddy mo na aalis kami. Can you still forgive me?" unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya at niyakap ulit ako.

"Of course!" walang ano anong sabi niya. Napangiti ako at niyakap muli siya pabalik.

"How about me? Can I get a hug?" sumulpot na naman si Eusef at hinayaan ko naman siyang tumakbo sa Daddy niya.

"Daddy!" masigla niyang sabi. Kinarga naman siya ni Eusef at nagkayakapan ng mahigpit ang dalawa na tila ba ilang taong hindi nag kita.

Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon