Chapter 16

648 16 0
                                    

"Oh my Goodness, you've grown so much! The last time I saw you, you were this small!" may pa hand gesture pa si Ma'am Madona habang pinapaliwanag kung gaano lang kaliit si Madelaine ng huli niyang makita. Siguro nga sobrang tagal din talaga ng huling kita nila dahil halos mangiyak ngiyak pa silang dalawa habang mahigpit ang yakapan.

"I have so many pasalubongs for you!"

"Really, Mamila?" lahat kami ay pinapanood lang sila habang sila naman ay parang nasa kanilang mundo. Medyo may kahawig pa ni Ma'am Madona si Madelaine sa kinis at puti ng balat nito. Kung hindi lang may ka-edaran na si Ma'am Madona, iisipin ko sigurong anak niya ito.

Halos tili at tawa ang maririnig sa sala habang nag-aayos ako ng hapag kainan. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil din sa tuwa na kahit papaano, nakikita kong masaya silang pamilya. Nakakapagtaka lang  kung nasaan ba ang Papa ni Eusef dahil wala akong naririnig na kahit anong tungkol sakanya.

Napuno ng kwento ang hapag dahil sa mga kwento ni Ma'am Madona na na-experience niya sa States. Matagal tagal narin pala siya doon simula ng ma-byuda siya sa Papa ni Eusef. Nag-asawa ulit kaya sa States na siya namamalagi. Kahit paman ganoon ang kalagayan niya, hindi niya daw maiwasang hindi malungkot dahil may mga pagkakataong hinahanap talaga niya ang pamilya niya.

"You know, it's a whole different experience when you're at home."

"Then you can stay here Mamila!" biglang sambit ni Madelaine. Ngumiti naman si Ma'am sakanya.

"Hmm...Christmas is coming, why won't you visit the States Eusef? I think it would be best if you'll bring everyone and spend the whole Christmas season there. What do you think?" ang kaninang maingay na hapag ay nabalot naman ng katahimikan. Bahagya akong napasulyap kay Eusef na ngayon ay hindi makapagsalita at tila ba natulala sa lalim ng iniisip.

Kung ako ang tatanungin, maganda ngang ideya. Sino bang aayaw sa ganung ideya? Ibang bansa na yon ano! Typical White Christmas that everyone wish to experience! Choosy pa ba ako?

Pero ayon nga lang, may naiwan akong pamilya dito na ni-isang kamusta o balita man lang ay walang alam tungkol sakin. Mahirap naman ang ganun. Mapaglayas man ako, hindi ko parin kayang iwan ang pamilya ko dito, nag-aalala habang ako ay nagsasaya.

Lahat nakatingin kay Eusef at nag-aabang kung ano ang magiging sagot niya sa tanong ng Mama niya. Hindi ko rin mabasa ang expression ng mukha niya dahil natulala lang siya. Tinapik naman siya ni Oliver ng mahina.

"Uh, I'm sorry. I think that would be great but you know about my work Mom. I can't," simpleng pag ayaw ni Eusef. Napakunot naman ang noo ni Ma'am.

"Everyone would be taking a leave. It's Christmas Eusef, we deserve some break." matigas at patuloy naman na pagkukumbinsi ni Ma'am Madona. Nagkatinginan kami ni Madelaine dahil mukhang hindi na maganda ang daloy ng usapang ito.

Tama din si Ma'am Madona dahil lahat nga naman ay uuwi sa kani-kanilang pamilya pero may point din naman si Eusef na dapat andun siya dahil siya ang namamahala pero
Ewan ko ba! Pati ako nalilito na sa kung sino ba talaga ang tama o hindi.

"I'll think of it," pagtatapos ni Eusef tsaka siya bumalik ng kain kahit na alam kong bothered siya sa sinabi ng Mama niya.

Natapos ang gabi na puro usapan, kwento, tawanan at medyo may ilangan din dahil sa mga tanungan ni Ma'am Madona na nakakabigla rin. Iba din fighting spirit ni Ma'am Madona eh, pumapalag talaga siya although may point at sense talaga ang mga sinasabi niya at hindi basta basta. Sa huli, gusto lang naman niya kung ano ang makakabuti sa pamilya lalo na kay Eusef. Teka...may kapatid ba siya?

Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon