Prologue

2.6K 53 0
                                    

Ayejay

Naglalakad ako sa subdivision ng mapansin kong may sumusunod sa'kin na Black Van. Palingon lingon ako habang naglalakad at panay parin ang sunod nito sakin.

"Jusko, sana naman walang mangyayari sa'king masama." Pagdadasal ko, lakad takbo na ang ginawa ko at ng lumingon ako sa kung naasan ang itim na sasakya at wala na. Hindi na ata ako nakita dahil lumiko ako sa kanto. Bale-apat na daan ang kalsada kaya baka naligaw ko siya.

Nagtago ako sa may mga halamanan na malalaki sa isang bahay at naupo upang mag tago, tsaka naman tumawag sa driver namin.

"Hello? Manong? Paki sundo naman ako oh, naiwan ko kotse ko kila ate Tiny eh.. oo, sige salamat ho," Tinago ko ang cellphone ko at dahan dahang tumayo habang napapatingin sa kalsada at naglakad.

Palingon lingon ako sa likod ko at 'di ko namalayan na nasa harapan ko na ang mga naka itim na damit at ang huli kong naalala at tinakpan nila ng panyo ang ilong ko.

☆☆☆

"Boss, tulog ho,"

"Sige, wag niyo ng talian,"

Naramdaman ko naman na tinanggal ang tali sa kamay ko.

Nakatulog din ako ng ilang sandali pero nagising din, ng malaman kong kinidnap ako at kasama ko tong mga panget nato, nag tulog-tulugan ako.

Medyo nagulat pa ako pero kumalma rin para di mahalat ng biglang may bumuhat sakin pasako style. Ano 'ko? Baboy?!

Naramdaman kong binaba nila ako sa isang malambot na higaan at pinagpatuloy ang pagiging best actress ko.

"'Yung ibang walang ginagawa, ayusin niyo yung kwartong tutulugan niya. Yung iba magbantay sakanya,"

So hindi pa pala ito ang kwartong tutulugan ko? Hindi pa pala siya legit?

Yan lang ang narinig ko sa lalaking napaka pamilyar ng boses, di ko lang matandaan kung saan eh pero alam kong maaalala ko rin siya.

Binuka ko ng konti ang mga mata ko at nakitang wala namang tao sa paligid. Nakahiga ako sa sofa na napakalambot at sa tingin ko, ito ang entertaintment room nila dahil sa isang malaking TV, sofa at...de-aircon pa!

Tingnan mo tong magnanakaw na to. Ang yaman na, mangingidnap pa! Di nalang makuntento eh!

Tumayo ako at tumingin tingin sa paligid. Nakatali ang kamay ko pero ang paa ko hindi kaya nakakalakad ako. Nasa harapan ko ang tali sa kamay imbes na sa likod dapat.

Ang tanga lang ng pagkakatali ano, di ba nila naisip na pwede ko tong tanggalin?! Jusko! Ayusin nga nila trabaho nila, napaka palpak!

Walang gamit na kung ano anong pwede kong hagilapin at pagnakawan sila, wala talaga akong balak mag nakaw pero kung meron mang maibebenta sa pawnshop eh hala, sige. Bakit naman hindi?

Hinawi ko ang blinds na humaharang sa napaka laking bintana at nalibang ng makita kong puro damo at malalayo ang pagitan ng mga bahay.

Teka, nasa probinsya na ba'ko?

Bigla akong dinapuan ng kaba at halos mapatalon sa gulat ng marinig ang pag sarado ng pinto sa likod ko.

"So, you're awake..."

Napaubo ako ng makita ko kung sino ang kaharap ko. Putangina lang, sana pala tinuluyan nalang nila 'ko.

edited version (09-30-20)

Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon