Chapter 13

697 20 0
                                    

"Love..."

"What are you saying ate?"

"Love..."

"Ate? Hello? Are you saying something?"

"H-ha?" napabaling ang tingin ko kay Madelaine na may dino-drawing sa sketch-book na sinabay ng bili sa mga art materials for scrapbook niya pagkagaling ng skwelahan kanina. 

Kailangan na ata agad simulan ang scrapbook dahil mabilis lang lumipas ang mga araw.

"You're murmuring something but I can't clearly hear it, is there something wrong?" she asked softly.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Napapadalas narin ang pagsisinungaling ko at hindi ko kayang sabihing nag dedelusyon na naman ako sa nangyari kagabi. Bakit naman kasi kailangan payong mangyari?!

Hindi parin kami nagkikita ni Eusef at mabuti narin siguro yon dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sakanya o kakayaning ko bang pigilan sarili kong hindi siya kalbuhin.

Inilapag ni Madelaine ang notebook niya at tumitig sakin.

"I think we should head inside now, your face is turning red. It's hot in here," tumayo siya habang napa-hawak ako sa pisngi ko at medyo nag pa-panic na.

"Uh-o-oo Maddy, tara na sa loob," tinulungan ko siyang iligpit ang mga gamit niya at pumasok sa loob. Sakto naman ang pagbaba ni Eusef. Agad akong lumiko at hindi siya pinansin.

"Hi, Dad! Did you sleep well? Ate said you're not feeling well that's why you might woke up late. The food and medicine is in the table already," napalunok ako sa nabanggit ni Madelaine. Ano na? Ano ng gagawin ko?! Pano kung maalala niya tapos...tapos ako pa sisisihin niya sa nangyari?!

Teka, bakit ba kasi hindi kami dumiretso sa kwarto ni Madelaine? Bakit dito pa talaga sa kusina kung saan siya tutungo?!

"I'm fine now baby, I'm just a bit stress from work," hindi ko sila pinanood gaya madalas kong ginagawa. Hindi, hindi ko talaga kayang harapin si Eusef. Bwiset siya! Kasalanan niya to!

"You should eat now," at ayon na nga, patungo na siya dito at nararamdaman ko na ang mga titig niya. Sarap dukutin ng mata!

"Maddy? Can we continue this to your room?" tanong ko ng makita kong papunta siyang labas.

"Sure, ate," tumango siya at dali dali kong niligpit ang mga gamit niya para maiakyat sa taas.

"You look flustered," napahinto ako sa paglalakad ng marinig siya. Hindi ako lumingon.

"Your ears are red, are you turning into a tomato?" napahinga ako ng malalim sa pinaka walang kwentang tanong niya. Hindi ako kumibo at dire-diretsyong umakyat.

Pagdating sa kwarto ni Madelaine, agad kong binuksan ang aircon at tumapat doon habang inaantay na lumamig. Masyadong mainit.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako kumalma sa tapat ng aircon at hindi pa bumabalik si Madelaine. Naisipan kong ayusin nalang muna ang mga gamit niyang kakailanganin sa scrapbook niya.

Paglingon ko, halos bumigay ang tuhod ko ng makitang nakatayo si Eusef sa hamba ng pintuan.

"You're avoiding me," it wasn't a question. Alam kong alam niya dahil alam kong hindi siya bobo para hindi mahalata ang mga kilos ko. Madalas kaming magtalo kaya hindi ito ang normal occurence para sakanya. Napalunok ako.

Parang awa, ayoko ng alalahanin pa ang nangyari kagabi! Gusto ko ng kalimutan lahat ng yon!

"Tell me what happened last night," at doon na talaga kumabog ng husto ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"B-bakit, anong meron kagabi?" nag kibit-balikat siya na tila ba hindi niya talaga naaalala ang mga pangyayari kagabi. Mga pangyayaring hindi ka-aya-aya sa memorya ko.

"I don't know, that's why I'm asking," umiwas ako ng tingin at naisipang hindi nalang siya kibuin at sinimulang ayusin ang mga gamit ni Madelaine. Saktong magulo ang buong kwarto dahil kaka-akyat ko lang dito at chance nato para iwasan ang mga tanong nitong gunggong nato.

"Something really happened last night that made you act like this, I'm not stupid Ayejay," napapikit nalang ako at napadasal. Bakit mukhang kasalanan ko pa?!

"Walang nangyari, hindi ka nag wala o ano. Walang nangyari, may iniisip lang ako," pagdadahilan ko at laking gulat ko na nasabi ko yun ng tuloy tuloy. Wala ng kumibo at akala ko umalis na siya.

"Ma-putangina Eusef ano ba!" bigla biglang sumusulpot sa likod ko akala nakakatuwa eh!

"Pag ako inatake sa puso, mapapatay talaga kita!"

"How are you going to do that when you're already lying on a hospital bed?" napatigil ako. Oo nga no...

"Hindi na importante yon! Umalis kana nga Eusef, naaalibadbaran nako sa pagmumukha mo!" tinulak tulak ko pa siya paalis ng kwarto ni Madelaine dahil wala talagang matatahimik na kaluluwa saming dalawa kapag nandito siya at pinipilit ang gusto niya.

Hinawakan niya ko at tinitigan ng maigi.

"Did we kiss?" napanganga ako sa tanong niya. Anong...

"Is that why you're acting weird 'cause we kis—"

"Excuse me and FYI mister! WE didn't kiss at ikaw ang humalik sakin in the first place at hindi ako kaya don't say na parang ginusto ko! Bitiwan mo nga ko!" pagdedepensa ko. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero sadyang malakas talaga siya. Matatadyakan ko talaga to!

"Then why didn't you tell me ng hindi na kita iniisturbo?"

"Ano? Anong gusto mong gawin ko, magtapat sayo na 'Eusef panugatan mo ko, hinalikan mo ko!' Ganon ba?" hindi siya nakapag salita at pinabayaan niya naman akong  kumawala sa hawak niya.

Narinig kong ngumisi siya. Pero bago pa ako makapag salita, tumunog na ang phone niya.

"Shh! One second," tinaas niya ang hintuturo niyang daliri bago niya sinagot ang tawag habang ako pinapatay ko na siya sa tingin.

"Yes...when? Are you in Manila?...okay, we'll prepare for your arrival. Okay, stay safe," pinatay niya ang tawag at bumaling kaagad ang atensyon niya sakin.

"Don't tell me, you didn't like it," naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko at nandidilim ang paningin sa taong nakatayo sa harap ko.

"Ano kamo?"

"You like it, don't you?" pang-aasar niya pa. Masasampal ko na sana siya pero nasagip niya ang kamay ko at yon ang ginamit niya para hilain ako. Mag kasing level na ang mukha namin.

"Don't talk as if you didn't enjoy it, but still, I apologize, I can really make ladies go wild with just a single touch, what more to a kiss?" kumindat pa siya bago siya umalis sa harapan ko. Aba! Ang kapal talaga ng mukha!

"Ikaw—urgh!" halos tumambling nako sa sobrang inis sa ginawa niya. Akala ba talaga niya na-enjoy ko yung ginawa niya?! Gago siya!

Nahinto ako ng bigla na naman siyang bumalik.

"Also, someone's visiting tomorrow so prepare yourself," hindi nako nakagalaw sa sinabi niya.

Ano kamo? Sino naman ang bibisita dito?

edited version (10-19-20)

Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon