Chapter 39

597 8 0
                                    

"Are you sure about your decision?"
sasagot na sana ako sa tanong niya ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Excuse me," lumabas muna ako ng cafeteria at sinagot ang tawag ni ate Tiny.

"Jay, you really have to come..."

Sa mga nakalipas na linggo, ayan ang mga nare-receive kong messages sakanya na kailangan ko ng bumalik para makipag-ayos kay Papa. Pero hindi ko pa kaya.

"Ayoko pa, ate Tiny." pagmamatigas ko. Narinig ko ang mahaba niyang pag buntong hininga na tila sawang sawa na siyang marinig ang paulit-ulit kong rason.

"I know you're still hurting but, please? Set aside your emotions and let your Father explain everything to you. I know you've been dying to know his reason ever since he—"

"Hindi, walang makakaintindi sakin kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya." sakto na ang pauli-ulit na sinasabi niyang iniwan na niya kami. Pero, bakit after all this time, ngayon niya lang naisipang bumalik?

"Jay...Tito is already in critical condition. I know how much you hate him but he wants to see you before he...before he—"

"No, ate Tiny—"

"Ayejay!" halos manlaki ang mga mata ko na ibang boses na ang narinig ko.

"Ayejay, anak. Please, umuwi kana. Inaantay ka na namin dito. Alam ko kung gaano ka parin nasasaktan sa nakaraan pero... ayokong pagsisihan mo ang desisyon mo..." I swallowed the lump in my throat as I listen to my mother's plea.

"Nasaktan din ako, anak. Sobrang nasaktan. Pero lahat ng sugat ay naghihilom at alam kong kaya mong patawarin ang papa mo..."

Papa mo... Her last words echoed through my mind as I try to hold back my tears.

"Ma..." nanginig ang boses ko. Tinakpan ko ng braso ko ang nanginginig kong labi at napahagulgol nalang, wala ng paki sa kung anong iisipin ng ibang tao.

"Alam kong mahirap, Jay. Alam ko. Pero alam ko rin kung gaano mo parin kamahal ang papa mo. Kailangan mag hilom ang mga sugat, anak."

Hindi nako nakasagot at puro hagulgol nalang ang narinig nila mula sakin.

"Umuwi kana, nag-aantay kami dito. Nag-aantay ang Papa mo..."

♡♡♡

Bago ako bumalik kay Natalie ay naghilamos muna ako. Siniguro kong walang bahid ng luha ang makikita sa mukha ko. Pagkalabas ko ng CR ay nag-aantay na pala sakin si Natalie.

"Do you feel a little bit better now?" tanong niya. Inabutan niya ko ng panyo niya at hinayaang punasan ko ang basa kong mukha.

"You can do it, Jay. You can definitely do it. You didn't came this far for nothing and I know how much you still love your Father even though you kept on denying it, I can see through your eyes." nakayuko lang ako habang patuloy na pinupunasan ang mukha ko.

Inabot niya ang kamay ko.

"If there is a solution to a problem. Choose that solution, otherwise you'll regret everything once you lose that opportunity. Everything will never go the way we always wanted, but it's worth it." Hindi ako sumagot.

"You can do this, Jay. I'm rooting for you." niyakap niya ako ng mahigpit at kahit papaano ay na-comfort ako sa yakap at sa sinabi niya. Napabuga nalang ako ng hininga at pinigilang maluha na naman.

Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon