Chapter 12

4.9K 111 0
                                    

Third Person's POV

   Sa dinami-dami ng tina-trabaho ni Cel ay nakatulog siya sa kaniyang mesa at pagkatapos ay pumasok si Cy nang sinabihan siya ni Kate na nakatulog si Cel, at hindi dapat siya disturbuhin.

   "Naging mabuting presidente Cel. She has the leadership and she also a quick thinker. Buti nalang at tama ang naging boto ng mga estudyante sa kaniya." biglang sinabi ni Kate kay Cy.

   Pero hindi parin sumagot si Cy at nagpatuloy lang sa pagtitig kay Cel. "Kaya I think this time when the examinations over, siya ang mananalo sa inyong dalawa." sabi niya. "Well maybe it is time for a change." sabi ni Cy at lumapit siya kay Cel at hinubad niya ang kaniyang outer jacket ng uniform niya at ipinalapag ito sa likod ni Cel.

  Pagkatapos ay lumabas na si Cy mula doon.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Cel's POV

     Pagmulat ko sa mga mata ko, laking gulat ko na may parang tela na nasa likod ko. Kinuha ko yun at nakita ko ang isang damit. 'Kanino to?' Nung sinusuri ko ang damit, biglang bumukas ang pinto at nakita ko agad si Cy.

   "So your awake now." sabi niya at kinuha niya ang damit mula sa kamay ko. "Sa yo tong damit?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya at sinusuo niya yun at bigla niya akong pinatayo. "Follow me" sabi niya. Pagkatapos ay kinaladkad niya ako papalabas ng campus at pinasakay niya ako sa kaniyang kotse. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko.

   " It's a secret. Diba may ipapagawa ako sayo ngayon?" tanong niya. Teka.. Mukhang naalala ko na. 

    Tumango ako. "Fine.  Ano ang ipapagawa mo saakin Master?" tanong ko. " I like it when you call me 'Master' "sabi niya ng pangsarkastiko.

   Biglang uminit ang mga pisngi ko kaya napatingin ako sa kabilang direksiyon. Pagkatapos ay isinara na niya ang pintuan ng kotse at sumakay na siya sa driver's seat.

   Pagkatapos ay pinaandar na niya ang kotse.

------------------------------------------------------------------------------------------

"What is this? Ano ba  tong binabalak mo?" maraming tanong ang nasa isip ko ngayon dahil nandito kami sa mall at binibihis ko ngayon ang iba't- ibang uri ng damit. At higit sa lahat, siya daw ang pipili kung bagay ba saakin! Ano siya mama ko?

   "Cy, tama na, ayoko na ng ganito. Marami na akong nasukat na damit eh, hindi ka ba na maawa saakin?" tanong ko. Pero hindi parin siya sumagot at nag papakuha pa ng high heels sa isang babae doon na parang tindera ng shop. 

   Alam na alam niya na ayoko talaga sa mga high heels. Kahit ano man ang susuotin ko na sapatos, basta wag lang ang high heels.. .>.<

     "Try using this 7 inches height high heels maam. " sabi nung babae. 'Hah? 7 inches? Ang taas naman nun.'

     Sinubukan kong suotin yun pero palagi akong mahuhulog. Tsk! Ayoko na! "Kailangan mong matututo. Dahil mag heels kana kapag susuot ka ng maid uniform." sarkastiko niyang sabi.  Tiningnan ko siya ng bakit-ganyan- ka look.

   " Hindi mangyayari yang binabalak mo." sabi ko. Pagkatapos ay kinuha na niya ang lahat ng napili niya pati yung high heels sa counter. "Libre mo to hah?" sabi ko at pagkatapos ay tumango siya kaya laking gulat ko na nagpapalibre siya saakin at malaking halaga pa! ^O^

      Pagkatapos niyang mabayaran ang lahat ng damit ay ipinahawak niya sa akin ang shopping bags. Huhu.. Hindi man lang na awa tong lalaking to. Hindi siya gentle dog!--ay este man! pala.

    "Here." sabi niya at kinaladkad nanaman ako papasok ng isang bookstore. "This time, ikaw na ang pipili ng libro na gusto mo." sabi niya.. "Teka, libre nanaman? Ano ba ang nakain mo at panay libre ka ngayon?" tanong ko. " I told you, it's a secret." sabi niya.

   "Secret??? Wahh bahala na basta libre mo lahat ng to." sabi ko. Pagkatapos ay ipina hawak ko sa kaniya ang mga shopping bags at lumapit agad ako sa mga wattpad novels. 

------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatpos ng ilang pag-pili at pagkuha ng mga bibilhin kong novels, ay pumunta na ako sa counter at pagkatapos ay binayaran nanaman yun lahat ni Cy.

     Pag uwi namin na bahay ay biglang pumasok din si Cy at binuksan niya ang pintuan ng bahay namin.

   "Happy birthday!!" sigaw nila Kate, mama, tita Rachel, tito at ang mga magulang ni Jacob at ni Ryker at pati din silang dalawa. Maraming decorations at marami ring handa sa mesa.  "Birthday ko ngayon?" tanong ko. "Oo anak August 1 ngayon." sabi ni mama.  August 1 papala ngayon? akala ko July 30 pa eh..XD" sabi ko at napa tawa silang lahat sa sinabi ko. " Kaya pala nag papalibre saakin ngayon si Cy, dahil birthday ko ngayon." sabi ko.

    " Actually you really forget your birthday dahil mas fino-focus mo ang exam.." sarkastikong sabi ni kuya Ryker. "Shut up! >.<"

The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon