Chapter 58

2.1K 32 0
                                    


Kate's POV

    Napahiya talaga ako doon sa party ni Miss Caleigh. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko nung nabasag ang wine glass. Buti nalang at dumating si Cel at si Ry kundi kung ano pa ang nagawa kong ikakahiya ko ng masyado.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Ry na nakahawak sa kamay ko. "Don't worry about what happened, hindi mo yun sinasadya dahil aksidente lang yung nangyari." sabi niya at sinubukan pa akong pakalmahin. Siya lang talaga ang makakapagpakalma saakin kapag napasok ako sa ganitong sitwasyon. Buti nalang talaga na may bestfriend akong kagaya niya.

" Sana nga okay lang ang lahat." presko parin sa isipan ko ang nangyaring aksidente kanina sa party.

Flashback~

Nasa iisang table kami ni Ryker, Maria, Ria at ni Caleigh.  

May pinag-usapan sina Maria tungkol sa kaniyang fashion line sa States nang bigla namang nakisali si Caleigh sa kanilang usapan. "Your the designer of one of the world's famous dresses?" tanong niya. "Yung K.I.S.S. diba?"

"Uhh.. yeah, I am the owner and the designer of K.I.S.S." she said. Wow, hindi ko alam na isa pa palang famous designer si Maria, hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Siguro dahil sa pagbabasa ko ng mga novel at ng mga manga pati narin ang panonood ng mga anime, hindi ko na nabigyan ng pansin ang mga fashion issues sa paligid ko. 

"I really love your dresses, ang ganda kasi ng mga designs especially yung mga gothic dresses mo." she gladly praised Maria. 

"Thank you for the compliment." sagot niya. Pagkatapos ay tumayo siya. "Please excuse me everyone, I have to go to the toilet."pagmamaalam niya.  

Pagkatapos nun ay kami nalang ni Caleigh at ni Ry ang naiwan sa iisang table. Hinawakan bigla ni Ry ang aking kamay pagkatapos ay may ibinulong sa tenga ko.

"Wag kang gagawa ng mga ipinapapagawa ng ibang tao." Pagkatapos ay bigla nalang siyang tumayo. "Please excuse me ladies" Pagkatapos niyang sabihin yon saaming dalawa ni Caleigh ay lumisan na siya.

'Pero ano ba ang ibig sabihin niya?' 

"Kate."lumingon ako kay Caleigh na nakaupo sa harap ko. "Hmm?"

"Can you do me a favor?"tanong niya. Bigla tuloyng  nag echo sa isipan ko ang sinabi ni Ryker kanina.

'Pero hindi ibang tao si Caleigh.' 

"Ano ba yun?"tanong ko. "Can you tell the girl to pick up these plates? Hindi kasi ako komportable na makipag-usap ako sa yo kapag may mga plato pa sa ating mesa." pagpapaliwanag niya at tinuro pa ang babae na kasama sa catering services na hina-hire ni Mrs. Acher. Napatugon naman ako at tinawag kaagad ang babae .

Pero hindi niya ako narinig kaya tumayo ako nang bigla namang may nagbagsakang mga wine glass mula sa mesa. At nakita ko ang talbe cloth na nakasabit sa suot kong dress gamit ang isang pin.

'Sino ang may gawa nito?' Bigla namang nagsitinginan ang mga tao saakin kaya inalis ko kaagad ang tela sa dress ko at lumuhod para kunin ang mga nabasag na wine glass.

"Sorry po talaga Miss Caleigh." sabi ko. 

Nagsituluan na rin ang mga luha ko mula sa mga mata ko. Bigla nalang akong nakarinig ng mga boses na mas lalong ikinalulungkot ko. Pagkatapos ay nakita ko ang mag-asawang Acher na lumapit kaagad kay Caleigh. 

"Kate." paglingon ko ay nakita ko si Ryker na nakaluhod narin. "Wag mo na yang gawin. You don't have to do that." Biglang nakaramdam ko na may tumusok sa kamay ko. Pagtingin ko doon ay nakita ko ang sugat ko sa kamay na may nagsilabasang maliliit na dugo.

The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon