Chapter 45

2.2K 37 1
                                    

 6:30 pm.

Kate's POV

     Umuwi ako sa bahay na may malaking ngiti sa mukha ko. Magkaka mukha talaga sila ni mama, baka nga may kakambal siya? Pero hindi naman isang Spring si mama. Baka ka doopleganger lang niya si tita Katherine.

     Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si kuya na may dalang isang bouquet ng bulaklak. "Saan ka pala pupunta kuya?" tanong ko. "Kina Cel. Gusto ko lang kasi siyang yayain ng dinner." sabi niya. 

Wow. Hindi ko alam pero may nakita akong mali. Napa buntong hininga ako. ' Nalulungkot lang ako para kay  Cy, mukhang may matindi siyang karibal mula kay Cel.' -_-

"Way to go kuya!" mahina ko siyang tinaboy para makaalis na at pupunta kay Cel. At agad naman akong lumapit kay mama na nagluluto sa kusina.

"Hmm..Ang bango naman po mama." habang sininghot-singhot ko parin ang bango ng niluto niya. "Ako pa? Master chief kaya tong mama mo sa highschool" sabi niya sabay tawa. Napatawa naman ako ng mahina. 

 Inilagay ko muna ang bag ko sa kwarto at tsaka bumalik sa kusina. Hinahanda ko na ang mga plato at utensils para makakain na kami. Pagkatapos ay lumapit na si mama dala ang ulam namin. Pagkatapos ay umupo na kaming dalawa.

Pagkatapos ay bigla kong naalala ang tungkol kay tita Katherine. Noong five years old ako, may nasabi kasi si mama saakin tungkol sa doopleganger niya. Kaya alam kong matutuwa siya sa sasabihin ko.

"Ma, may sasabihin lang akong importante." tinititigan ko siya at ine-imagine ang mukha nilang dalawa ni tita. At bigla nalang akong napangiti.

Chloe's POV

 Nagtataka ako sa mga kinikilos ni Kate ngayon. Susubo na sana ako ng pagkain ko nang narinig ko ang pangalan ni Katherine. It's  just coincidence right? O kaya, pinaglalaruan ako ng tadhana? 

"Ma are you okay? Bigla ka kasing naging tulala diyan. May masama ba sa sinabi ko mama?" tanong niya.

Hindi ako makagalaw... Parang bumabalik ako sa nakaraan ko. Alam kong dadaring ang araw na mapapahamak nanaman si Katherine nang  dahil saakin. Gusto ko man sabihin sa kaniya lahat pero hindi ko magawa.

Flashback~

 Nakaupo ako sa harapan ng nakahandusay kong kapatid. Marami itong pasa at dugo sa katawan. Kanina pa akong umiiyak dahil sa sinasaktan nila ang kapatid ko. 

Biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Zelf. At nakita kong may dala-dala itong baril. 'Hayop siya.' palagi ko itong sinasabi sa isipan ko. Umiyak parin ako ng umiyak. Lumapit ako sa kaniya at nagmamakaawa. 

"Please...Take me and not my sister." pagmamakaawa ko sa kaniya. "Ang kapatid mo lang ang may atraso saakin. But I can use you perhaps." He smirked. At tsaka umupo siya sa harapan ko, leveling himself to mine.

"Make me your husband. At walang mangyayari sa kapatid mo." he blockmailed me. Pero wala akong nagawa kundi ang tumupad sa gusto niya.

Pumunta kami ng New York para magpakasal sa kaniya. Since then, hindi ko na alam ang gagawin ko at ang tanging magagawa ko lang ay ang pag-iiyak sa loob ng kwarto ko.

-------------------------------------------------------------------------------

Natauhan ako nang  niyug-yog ni Kate ang braso ko. "Ma." tawag niya saakin. May halo itong pag-aalala pero ngumiti lang ako ng mapait. "Don't mind me anak. May iniisip lang ako." sabi ko at sinimulan ko nang isubo ulit ang pagkain.

     'Sana kung magkita man kami ay wala nang gulo pa.'

--------------------------------------------------------------------------------------

Edward's POV

Pagdating ko sa bahay nila Cel ay kumatok ako sa gate nila at pagkatapos ng ilang minuto ay nakita kong bumukas na ang gate at nakit ko sa harapan ko si Cel na nagsusuot pari ng school uniform.

I smiled. "Bakit ka pala naparito?" tanong niya. Binigay ko sa kaniya ang bulaklak. "Wow. Thank you sa flowers Edward ah.." sabay tanggap ng bulaklak mula saakin.

"Come in." sabi niya at  pagkatapos ay pinapasok niya ako sa loob.

Nakita kong may isang babaeng nasa mid-30s na nagbabasa ng isang novel. Nung napansin niya ang pagdating ko, 

"Good evening Mrs. Spring." Pagbabati ko sa kaniya. "You must be the other suitor of my daughter?"tanong niya saakin. "Parang ganon na nga po." sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya.

"Ano pala ang dahilan kung bakit ka naparito iho?" pormal na pagtatanong niya saakin. "Kung pwede lang po sana na pagbigyan niyo po ako ng pagkakataong yayain si Cel ng dinner ngayong gabi." 

I can see that she's observing me.

Ria's POV

 Alam ko na from the start kung sino ang dadating sa loob at kung sino ang lalabas mula sa loob ng bahay. Dahil may inemplanta akong mga cctv sa loob at labas ng bahay.  Incase na may mangyayaring masama ay may makukuha kaaagad ako ng  impormasyon. Nandito ako sa basement kung saan nandito ang mga gadgets na gagamitin namin.

Nakakatutok parin ako sa monitor at nagobserve sa maaring gawin nilang dalawa.


The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon