Chapter 37

2.5K 57 0
                                    

  'Namatay ang mga magulang ni Edward nung bata pa siya. Pero bakit ganon? Parang may mali.'

  "Ria. Matulog ka na." sabi ni Cel habang nakasuot na siya ng kaniyang pajamas. Pinatay ko na ang laptop ko pagkatapos ay humiga na sa kama. Dalawa ang kama na separated  sa kwarto ni Cel kaya dito ako pinapatulog ni tita.

  "Ria, bakit ba palagi kang nakasimangot, baka may iniisip ka noh? Si Jacob ba yan?" tanong niya.

   "Hindi yan mangyayari."sabi ko. "Matulog ka na Cel. May marami ka pang gagawin bukas. Malapit pa naman ang December." sabi ko pa sa kaniya.

  "Oo na. Okay Matulog na nga ang tao eh." sabi niya sabay higa sa kaniyang kama. "Ria. Parang kapatid na kita."bigla niyang sabi. 

  "Wala kasi akong kapatid.Gusto ko nga magkaroon ng kapatid kahit isang ate  or kuya na magtatanggol saakin." sabi niya.

Cel's POV

    Hindi sumagot si Ria saakin dahil naka tulog na siya. 'Wow ang bilis nun ah. Nakatulog na siya. Mukhang napagod talaga siya.'

  Pagkatapos ay unti-unti ko nang sinara ang mga mata ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Papunta nanaman ako sa student council room nang hinarangan ako ni Maria.   Kahit labag sa kalooban ko na makita siya ay gagawin ko parin to para sa kabutihan ng lahat. 'Haayy'. "What can I do for you?" tanong ko. "Nasaan si Cy?" tanong niya. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ayy-- este, hindi ko siya nakita. Bakit pa ba hahanapin ang hindi magpapakita?" tanong ko sa kaniya. "HUGOT. Pero di bale. Mahahanap ko rin naman siya eh.. Bye." sabi niya. Pagkatapos ay lumakad na siya papalayo.

Naku! SENYALAN! Padabog akong pumasok sa loob ng student council room. "Anong nangyari sayo ngayon prez?" tanong ni Howard. "Wala!" sigaw ko. Pagkatapos ay bumakas ang pintuan at nakita namin si Kara na parang kagagaling lang sa pagtakbo.

 "Prez.  May nagsuntukan sa labas!" sigaw ni Kara kaya tumakbo kami papalabas. "Nasaan ang gulo?" tanong ko . "Nasa basketball court." sagot naman niya. "Sige." tumakbo kami patungo sa basketball court nang nasa labas pa kami ay kita na ang mga taong nasa paligid at tumingin lang sa nagsuntukan. "Hoy! Tigilan niyo yan!" sigaw ko sa kanila. Nakita ko si Jacob na sinuntok ang isa sa mga players ng basketball team. 

 Pagkatapos ay hindi nila ako pinakinggan kaya lumapit ako sa kanila at binabatukan ko silang dalawa. 

"Aray prez." sabi ni Jacob habang hinihimas niya ang ulo niyang binatukan ko kanina lang. "Bakit ba kayo nagsuntukan?" tanong ko sa kanila. "Siya kasi ang umunang sumuntok saakin Prez eh." sabi ng player at tinuro pa niya si Jacob. 

   " Kinunan niya kasi ng mga edited nude pictures si Cel." sabi naman ni Jacob.

"Totoo ba yun?" biglang may narinig kaming nagtatanong sa likod namin kaya pagtingin namin ay nakita namin si Ria naka Evil smile at may dalang baseball bat.

"Perverts are meant to be killed." nakakatakot si Ria.

The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon