Chapter 26

3.1K 75 0
                                    


 Umaga na, at mamaya na ang pageant nightng Mr. and Ms.Intramurals ng Hakusen.Ngayong umaga,magpaptuloy parin sila sa paglalaro ng mga sports at habang kami namang mga kasali sa pageant ay magpapahinga lang muna para sa pageant. At hindi pa rin ako makakapaniwala na marunong na akong maglakad ng naka suot ng heels. *-* Salamat sa tulong ni Kate, parang hindi ako magkakamali sa pag lalakad ng maayos.

   "Cel! Nandito na ang sundo mo!" sigaw ni mama mula sa kusina. Dali-dali kong kinuha ang tinapay na nasa mesa at lumabas na mula sa loob ng bahay. Paglabas ko ng gate ay nakita ko si Cy na nakasandal sa kaniyang kotse.

  "Teka..Kotse? Meron ka na palang kotse Cy?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Bigay saakin ni tatay." sabi niya.

   "Okay na to kaysa sa motor mong malapit akong mahihimatay sa pagsakay doon. "Sumakay ka na baka mahuli pa tayo." Sumakay ako sa loob habang siya naman ang magda-drive ng kotse.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

  Nung nakarating na kami sa loob ng Hakusen High ay sumalubong saamin sina Shaun, Jacob, Kuya Ry, Kate at ni Ria. "Good morning!" pagbati ko sa kanila. "Galingan niyo sa paglalaro ng sport ah!" sigaw ko to cheer them up. "Yeah."sabi ni Ria at nakipag high-five saakin.

   Biglang lumapit sina Ullysses at Cromwell sa direksiyon namin at hinarap nila si Cy. "Cy, kailangan ka sa soccer. Kulang kasi tayo ng players para sa Faction natin." sabi ni Ullysses kay Cy.  Bigla siyang tumingin saakin. "Hindi muna----"bigla ko siyang siniko para manahimik.

   "Maglalaro siya. Para sa Faction niyo." sabi ko. Napabuntong hininga si Cy. "Count me in "sabi niya. Kaya ngumiti ako dahil ngumiti din ang ka-faction niya.

   Bago siya lumakad papalayo saakin ay hinawakan niya muna ang isa kong kamay. "Napaka stupid mo talaga Prez. Tinutulungan mo ang kalaban mo" sabi niya sabay lakad na papalayo. "Galingan niyo ah!" sigaw ko at sumenyas naman siya ng thumbs up.

---------------------------------------------------------------------------------

 Pumunta ako sa soccer field dahil feel ko na manood ng laro nila Cy at ng Faction Bacchus. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon at laking gulat ko nang nakita ko sa tabi ko si Edward, ang pageant partner ko at isang soccer player. Mukhang hindi siya naglalaro ngayon dahil binabawalan siya ni maam.

   Tumingin siya sa laro habang iniinom niya ang kaniyangi juice. Pagkatapos ay bigla nalang siyang tumingin saakin at tsaka ngumiti. Ang masasabi ko lang kay Edward ay HABULIN. Ang dami-dami kasing humahabol sa kaniya na mga babae dahil sporty siya,matalino at higit sa lahat na kinagu-gustuhan ng mga babae ay GWAPO.

    Bigla nalang akong napalapit sa kaniya nang namalayan ko na inaakbayan niya pala ako. Tumingin ako sa kaniya nang nakatingin siya sa harap.

   Tumingin ako sa harap nang nakita ko Si Cy na parang galit na galit saakin. ' Bakit siya galit?'

"TIME OUT!" sigaw ng announcer.   

    Pagkatapos ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya ini-excuse ko ang sarili ko mula kay Edward. Pagkatapos ay lumayo na ako doun at sinagot ang tawag ni Cy.

   "Cy, bakit ka napatawag?" tanong ko. "Wag kang lalapit sa kaniya" sabi niya sa  kabilang linya. "Bakit naman hindi?Bawal ba akong mkipag0usap kay Edward?" tanong ko

"  Basta, wag kang lalapit sa kaniya."pagkatapos ay bigla nalang niya itong binaba. "Teka--Hoy!" tssk. Napaka-mysteryoso talaga ng lalaking ito!

   Pumunta ako sa badminton court kung saan nandoon naglalaro ng doubles sina Ria at Jacob. dahil hindi ko na gustong panuorin ang laro ng soccer nang may tumitingin saakin at nagagalit.

   Papasok na sana ako nang may nakasalubong akong isang magandang babae. Mas mataas siya kaysa sakin at may brunett siyang buhok.

   "Hi. I'm Maria"sabi niya.


The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon