Chapter 56

2.1K 40 0
                                    

Cel's POV

      "You better guard her and protect her at all cost boys." I commanded these comrades of mine and they gladly approved to my command. "Good. You know what to do." pagkatapos ay lumabas na rin sila mula sa hide out. 

"You're really back huh?"tanong ni Ria na hawak-hawak ang kaniyang tablet. "So what's the update?"tanong ko. 

Pagtingin ko sa mukha ni Ria ay nakakunot ang noo nito kaya nagtataka ako at tinatanong ulit ang tungkol sa update ng kaniyang mga nakuhang impormasyon. 

Ipinakita niya ang tablet saakin. Then I read it thoroughly.

"There's something strange. But I should deepen my investigation about this matter Cel." sagot niya.  "You should." I seriously said. 

Lumapit ako kina Cyber na busy naman sa pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa kapatid nito na si Caleigh.

Pagtingin ko sa screen laking gulat ko kung ano ang nandoon. 'Sh*t'

-------------------------------------------------------------------------------------------

"Okay ka na ba ngayon?"tanong ni Ry habang binabasa nito ang mga nakasulat sa menu. "Oo. Salamat sa kahapon ah." sabi ko.

Sobrang kaba ang natamo ko kahapon nung nakita ko ang nakasulat sa salamin. 'Magpapakamatay ka' presko parin sa isipan ko yung threat na yun. Pero bakit? Bakit yun nangyari saakin? Sa isang sulok ng kwartong iyon ay may tao na may hawak na kutsilyo buti nalang at biglang dumating si Ryker at pinoprotektahan niya ako. Pero nakatakas yung taong nakatakip ang bibig kaya hindi ko ito nakilala.

Pagkatapos nun ay tumawag si mama na alalng-alala at kinamusta ang kalagayan ko. "Ma dadating ka na ba dito?"tanong ko.

"Hindi pa sa ngayon anak. May ginagawa pa kasi ang mommy para sa trabaho."sabi niya mula sa kabilang linya.  "Naiintindihan ko po."sabi ko. 

"Ingatan mo ang  sarili mo diyan anak ha?"tanong niya.


Nagulat ako nung biglang may tubig na bumuhos sa aking ulo. Pagtingin ko sa taong yun ay nakita ko ang isang babae na may dalang pitsel na puno ng tubig at nag bow saakin. "Sorry po miss. Sorry po talaga. Bigla lang po kasi akong nagka out of balance at natapunan pa ang ulo niyo ng malamig na tubig."May kinuha siyang isang towel at ipinahid niya iyon sa ulo ko para matuyo. 

"Pasensiya na po talaga."Tiningnan niya ako sa aking mga mata. "Okay lang Miss...Tara na Ry magpalit muna ako ng damit." sabi ko at tumayo na.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maven's POV

   Pagpasok ko sa hideout namin ay nakita ko ang kakambal ko na nakaupo sa isang silya at nakagapos ang kaniyang mga kamay at paa ng mga kadena. I smirked.

"My dear sister, hindi ko alam kung kapatid pa ba kita sa mga pinanggagawa mong kalokohan." I seriously said. "Ang dami mo nang nagawang kasalanan. Hindi ko na mabilang eh" lumapit ako sa  kaniya. Pagkatapos ay yumuko ako para makita ko ang kaniyang mukha sa malapitan. 

"Kahit ka dugo pa kita, papatayin kita walang hiya ka!" pagkatapos ay aaktong sasampalin ko siya pero hindi ko magawa.

"Tsk. Bakit ka pa ba kita naging kapatid Chloe?"Tanong ko. "Katherine."sabi niya. "Don't call me by that name!"sigaw ko. "You don't understand. Wala kang naiintindihan sa mga nangyari."sabi niya.

Tumayo ako. "Ano ba ang hindi ko alam?"tanong ko. "Si Zelf...kino-kontrol niya ang bawat galaw ko. Gagawin ko ang bawat sasabihin niya para hindi niya ako papatayin. Maniwala ka saakin Ka--Maven. At ang batang papatayin sana ni Zelf noon ay nasaakin at itinago ko siya sa ibang pangalan para hindi niya ito pagduduhan."

"Ano ang pangalan ng bata?"tanong ko. 

"Kate."sagot niya.

'Sabi ko na nga ba eh. Nasa kaniya ang nawawalang anak ni Rachel.'

"Hindi ka muna makakatakas dito Chloe sapagkat may mga sala ka pang dapat mong harapin."sabi ko pagkatapos ay tumalikod na. "Alam ko naman yun eh." napahinto ako pero hinid ko siya hinarap. " Ang dami ko talagang naging pagkakasala ko saiyo Maven. Sana  ay mapapatawad mo ako." Pagkatapos ay lumakad na ako papalabas.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cel's POV

     Pagkatapos ang ilang araw ay nalaman ko na rin ang lahat ng pagkatao ni Kate. Kung sino talaga siya, pero hindi ko parin nakikita ang kakambal ni mama na siya rin ang nag-alaga ni Kate mula sa pagkabata.

Pero hindi ko parin sinasabi sa kanila ang tungkol doon lalong-lalo na kay Cyber,except kay Ria dahil gusto kong ipagpatuloy ang mga pangyayari para makuha namin ang babaeng yun sa aming mga kamay.

Pinapupunta kami sa bahay ni tita Rachel dahil may event daw na dapat i-celebrate. Hindi ko alam kung ano yun pero parang may mali sa event na yun. 

Pagpasok namin ni Ria sa loob ng sala ay nakita ko si Cy na may kasamang babaeng nakatalikod. Lumapit ako sa kanila at hinarap ko si tita. "Good evening po tita."lumingon ako para makita koang babeng nakatalikod kanina. "Siya si Caleigh"napalingon ako kay Cy.

Napataas ang isang kilay ko. "Siya ang nawawala mong kapatid?"tanong ko. "Oo siya nga Cel."sabi naman ni tita. 

"Cel nandito ka lang pala."lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Kate."tawag ko sa kaniya. "Ang dami naman ng guard na pinapapadala mo."then she pouted.  At dahil mas maliit siya saakin kahit na kaklase sila ni kuya Ry ay nahawakan ko ang kaniyang ulo at ginulo ito.

"That's for your safety" pagkatapos ay tumingin ako sa babae. "Diba ikaw yung babe sa resto? Yung waitress?"tanong ni Kate. "Ah.. Oo"she said with her sweet voice. 

'Shes's quite familliar lalong lalo na ang kaniyang boses..'

"Tita.. Can I talk to you for a moment?" tanong ko. "Sure."pagkatapos ay lumakad na kami patungo sa lugar kung saan walang tao.

"Tita I have someting that troubles me about that girl."pagpapanimula ko. "You mean Caleigh?"tanong niya. Tumango naman ako. "Does that girl.."tinanaw ko ang nagkwe-kwentuhang Cy, Kate at ang babae. "Is she really your daughter?"tanong ko. 

"Kilala mo ba siya? Does she had something bad to you to the point na ikinagagalit mo siya?"tanong niya.

"Tita you don't understand.." kumunot ang noo niya. 

"Then you're telling me that the DNA results were just lies?"tanong niya na ikinagugulat ko. 

"What the--?" I'm really sure that hindi  yun ang gusto kong mangyari. I should have to make tita know about Kate. Pero mukhang I really have to change my plans.

"Excuse me Cel, I just have to confront the other visitors." sabi niya at tumungo sa loob. 




The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon