Chapter 31

2.9K 61 2
                                    

      Sa huli, ang Demeter pa rin ang nanalo at pang second place lang kami. -_- Gusto ko nanag magpahinga.. Palagi nalang kasi sila ang nanalo. Palibhasa, nandyan kasi sa kanila si Cy.

Speaking of him..AYOKO SIYANG PAG-USAPAN!!! "Hoy!" may narinig akong sumabog kaya natauhan ako bigla. "Nakikinig ka ba talaga saakin Cel?" tanong niya. "Hehe.. Sorry." Nag peace sign pa ako sa kaniya. Pagkatapos ay pinapatuloy ko na ang mga paperworks na nasa mesa.

*BELL RINGS*

"Pasok muna ako sa next subject ko. Mamaya ko nalang to tatapusin. Tumayo ako at papalakad patungong pintuan ng student council room nang sumigaw si Apoll. "EH?!!" napatingin kaming lahat sa kaniya. "Bakit ka sumigaw?" tanong ko. "Hey." Napatingin kami sa bintana at nakita namin si kuya Ry.

Lumakad papalapit si Kate sa kanila. Habang ako ay unti-unti nang lumalabas mula doon at naglalakad ako patungo sa next subject ko nang nakita ko si Cy na naglalakad kasama ang isang babae. Parang pamilyar saakin yung babae. At nakakapit pa siya sakaniya na parang isang koala!

Nung napansin nung babae na nandito ako sa kanilang likuran ay tumingin siya saakin. 'Teka, si Maria to ah! Ang bilis naman niyang makipaglandian kay Cy!'

Bigla naman siyang lumapit sa tenga ni Cy at parang may ibinulong. Bigla namang tumaas ang dugo ko. Pero bakit nga ba ako nagagalit?

Biglang lumingon si Cy kaya nataranta ako at naglakad papalayo sa kanila. "Cel." Tawag niya saakin. Napahinto ako. Pagkatapos ay lumingon ako sa kanila. "Saan ka ba pupunta? Nandito ang computer lab." Pagkatapos ay tinuro niya ang room kung saan kami papasok para sa next subject.

"Ah...Wala, gusto ko lang kasing...Ano..Magpahinga sa bahay." Sabi ko. "Uuwi ka sainyo?" tanong ni Maria.

'Tumango ako. Hindi ko dapat to gagawin! Gusto ko pang mag-aral!' Tumingin saakin si Cy nang lumapit siya saakin. Pagkatapos ay hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Tara. Pasok na tayo sa loob" masiglang sabi niya. "Punta ka muna kay mama Maria." Seryosong sabi niya kay Maria.

Pagkatapos ay lumayo na siya mula sa pagkakapit kay Cy at lumakad na siya papalayo saamin.

Pagkatapos ay naglalakad na kami papasok nang pinag-titingnan kami ng aming mga kaklase. Tumingin ako sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

Dali-dali kong hinawalay ang kamay ko mula sa kamay niya. Pagkatapos ay umupo na ako sa tabi ni Edward kung saan talaga ako naka upo.

"Hi." Bati niya saakin. "Hello. Congratulations sa paging isang first runner up sa pageant" sabi ko sa kaniya. "Thanks. May gagawin ka ba sa Sabado?" tanong niya. "Wala naman, bakit?" tanong ko. "Pwede ba kitang ipasyal sa isang lugar kung saan na diskubre ko mula pagkabata ko?" tanong niya.

Tumango ako sa kaniya. "Oo naman. Pero bakit ba ako? Bakit hindi si Min-min?" si Min-min kasi ang babaeng sunod-sunod sa kaniya at patay na patay sa kaniya.

"Busy kasi siya. Kaya ikaw ang last option ko." Sabi naman niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

        Pagkatapos ng ilang minuto ng pagdiscuss ng prof namin ay lumabas na rin kami para mag lunch. At paglabas ko ay bigla nalang akong hinila ni Cy papalapit sakanya.

"Let's eat together?" sabi niya. Kinakabahan ako sa tono ng boses niya....


The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon