Chapter 53

2.2K 43 0
                                    

   Cel's POV

             Palaging nakatuon ang paningin ko sa mga paa ko habang nakaupo sa upuan malapit sa table ng headmistress. Nararamdaman ko namang ang lalim ng titig ng headmistress saaming tatlo lalong-lalo na sa kanila ni Cy at Edward. 

            "What will I do to you brats? Ang ku-kulit ng budhi niyo." she sighs "Inorder to solve this kind of fuss, I will make you suffer by punishments." then she smirks.

     ----------------------------------------------------------------------------------------

   "Ayysshh ang bigat naman nito!" hinihila-hila ko ang isang mabigat na kahon na may lamang mga ginagamit noong nakaraang Valentine's Day patungo sa loob ng warehouse ng campus na matatagpuan sa pinakatuktok na lugar sa academy. 

Baka tubuan na ako ng muscles nito. Nasa harap ko sina Cy at Edward na mas naunang lumakad saakin dahil para sa kanila ay madali lang ang magbuhat ng kahong punong-puno ng mga gamit.

Nakita kong naipasok na ni Cy at ni Edward ang kanilang dinadalang kahon kaya tiniis ko nalang ang bigat nito at pinapatuloy sa paglalakad. "Tigil."

"Hah?" tinitingnan ko ang nanggagaling ng boses nang naramdaman ko na lumalayo ang kahon saakin. 

Nakita ko ang mukha ni Edward at ni Cy sa harap ko. "Ibigay mo na saamin ang kahon." sabi ni Edward. 

Bago pa ako makapagsalita ay kinuha na niya agad ang kahon at lumakad na siya patungo sa loob ng warehouse.

Ilang segundo nang nakalabas si Edward mula sa loob at lumakad siya papalapit saakin. "Naipasok na natin lahat ng kahon sa loob." sine-stretch ko ang dalawang braso ko at tumingin sa kanila. "Kaya tapos na tayo sa punishment natin." then I smiled. 

Kinuha ko ang kanilang mga kamay at sumigaw. "Haayy.. At last tapos na rin tayo." 

I heared them laugh. Napatingin ako sa kanilang dalawa nang nakataas ang kabilang kilay ko. "May nakakatawa ba?"tanong ko.

Nakita kong pinipigilan ni Edward ang kaniyang tawa. "*chuckle* naka isang kahon ka lang eh, at ganyan ka na makapagsalita."

Bigla akong napatingin kay Cy dahil biglang nag-iba ang kaniyang mukha. Napaigtad ako nang bigla niyang hinawakan ang isan kamay ko at pina-palapit niya ako sa kaniya. "Mauna muna kami dahil may gagawin pa kami."Tumalikod siya at dahil nakahawak parin ang kamay ko sa kaniya, kaya ako napatalikod din. Sinubukan kong lumingon kay Edward at ngumiti sa kaniya. "Salamat pala sa pagtulong saakin!" sigaw ko. 

-----------------------------------------------------------------------------------------

Third Person's POV

     "Maven-sama, I've already called Jun to send the information to Arthur-sama." sabi ni Aoi sa kabilang linya.

"Good." Pagkatapos ay binaba na  niya kaagad ang tawag. Lumapit siya sa isa sa mga bangkay na napatay niya kanina. At nakita niya na may tatto ang mga lalaki na nagtatangkang  papatay sa kaniya kanina habang siya ay nakasakay sa kotse niya. 

'Zelf... Tsk.. Hindi pa ba siya titigil sa pagsunod saakin?' sabi niya sa kaniyang isipan. Kinapa niya ang mga bulsa ng mga bangkay at may nakuha siyang isang cellphone na kanina lang nag ring mula sa isa sa mga bangkay. Binasa niya ang caller sa cellphone nito at bigla siyang parang natapunan ng langit at lupa sa kaniyang narinig.

"Wag kayong babalik dito hangga't hindi niyo napatay ang mag-inang yan!"sigaw nito sa kabilang linya. Hindi siya nagsalita at nakinig lang sa mga sinasabi ng tumatawag. 

The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon