Chapter 1

693 20 0
                                    

     UMAGA NA PALA. Bagong araw na naman ngayon. Inayos ni Mitchelle ang pagkakabukas ng bintana sa kanyang kwarto bago bumaba para magluto ng agahan. Napadaan siya sa may settee at inayos ang ilang picture frame na nakalagay doon. Kimi siyang napangiti saka nagtuloytuloy sa kusina para magluto.

Mag-isa lang siya sa bahay niya dito sa Calle Maganda. Sanay na naman din siya na mamuhay ng mag-isa.


Inabot niya ang fresh milk, bacon at itlog saka isinara ang ref. Maaga siyang magbubukas ng shop ngayon dahil hanggang tanghali lang siya ngayong araw. Kasal kasi ng kaibigan niyang si Brianne at Matt bukas. Hindi pwedeng hindi sila dadalo at baka magwala iyon. Sa isang island resort na pag-aari di umano ng kaibigan ni Matt ang venue.
The wedding is a secret at tanging malalapit lang sa dalawa ang imbitado. Pati nga ang pagpunta nila sa isla ay planado para hindi maisip ng mga paparazzi ang tungkol doon. Nauna na ang pamilya ni Brianne doon the other day pa. Kahapon naman ay mga kaibigan at katrabaho nang dalawa. Today it will be their turn as well as Matt's family.






She is happy for Brianne. They all are. Deserve ng mga kaibigan niya na sumaya. Reggie with Almir and Brianne with Matt. Her? She just smiled. Hindi niya alam. Sa dami nang pinagdaanan niya, she doubts she'll be like her friends. Pero hindi ibig sabihin na hindi siya masaya. She is happy.

Naipilig niya ang ulo nang may maalala. She shouldn't be remembering those. Tinapos niya na ang pagluluto at may trabaho pa siyang pupuntahan.




Medyo may kalayuan ang bookshop niya sa bahay kaya kailangan niyang magkotse. Minsan naman kapag wala siyang dala na kagamitan ay nagbibisekleta lang siya. Nasa may front part kasi nang village ang bookshop niya, pati narin ang sweet haven, talyer, mini grocery, clinic at ilan pang tindahan.

Ayon kasi kay Violet para daw matangkilik nang iba na hindi taga Calle Maganda. Pagkapasok kasi sa Calle Maganda ay ang mga tindahan ang bubungad at medyo light din ang security. Pero hindi naman makakapasok ang kung sinu-sino papunta sa mga kabahayan. Violet had made an inner gate with high security para doon.



Tumunog ang bell sa may pintuan ng shop ibig sabihin may pumasok. Kaagad na nginitian niya sina Fei at Vina na pawang kasamahan niya dito sa bookshop. She had to hire some help para sa lumalakimg negosyo. At mukhang kailangan niya nang magdagdag sa katatapos lang na expansion niya.

"Good morning!" bati nang dalawa sa kanya. Halos kasing edad niya lang ang mga ito.

"Good morning! May mga bagong libro akong dala. Nasa kotse pa. Kakarating ko lang din kasi." saad ko habang binubuksan ang blinds sa mga glass windows.

"Kami na ang bahalang mag-ayos non, Mitch. Tara, Fei?" saad ni Vina saka lumabas ang mga ito.

Hinayaan niya nalang ang dalawa at nagpatuloy sa ginagawa. Inayos niya din ang mga mat na sa may reading section ng shop. Mas gusto kasi niyang komportable kapag nagbabasa. Libre lang ang magbasa sa area na yon. Pili pang din ang mga librong pwedeng basahin. Medyo malaki ang parte na yon dahil marami ang gustong magbasa. Okay na okay naman sa kanya yon. Mas mabuti na nga ang ganon na marami ang nagbabasa kesa naman puro laro lang at para iwas bisyo narin.

May mga stands at shelves naman para sa mga libro, magazines at ilang kagamitang pang skwela na ibinibenta nila. Sa kabilang side naman nang expansion nila nandoon ang eating area. It's a different room at may separate glass door. Para iyon sa mga taong gustong kumain habang nagbabasa. It's actually a partnership between her and Jenicka. Ang menu kasi nila ay mula sa cafe ni Jenicka na katabi lang ng shop niya.

Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon