Chapter 7

287 18 2
                                    

  MITCHELLE GROANED AND TURNED TO THE OTHER SIDE OF THE BED. "Lucky, mamaya na." medyo groggy na pigil niya sa aso na iniistorbo ang pagtulog niya. Kinuha niya ang unan at itinakip sa mukha. Pero makulit ang alaga at ngayon ay tumatahol na sa tabi niya. Ugh. Inaantok pa siya. "Luckyyy." Mas sumiksik siya sa kumot.

"Come here, boy. Hayaan mo na muna ang mommy mo. Come here, Lucky." She heard Nathaniel's familiar voice with a chuckle.

Doon palang siya tuluyang nagising at napabalikwas nang bangon. Her eyes settled on him who was patting Lucky on the head. "T-Teka, ba't ka nandito?" takang tanong niya.

Natawa pa ito saka tumayo. "Ang mabuti pa ay sumunod ka nalang sakin sa baba para mag-agahan. Sa kitchen ka nalang namin hihintayin. And, good morning by the way." He said with a smile before heading out.

"Baba?" Tanong niya sa sarili. And then her eyes widened at the realization. Lalo na nang inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. "I've slept in his room? Again?" Nagmamadaling inayos niya ang kama at tinungo ang banyo para maghilamos.








Nakayuko si Mitchelle nang maupo sa may hapag kainan habang naghahain si Nathaniel ng pagkain. Nahihiya siya sa inasal kanina. Ngayong gising na gising na siya ay saka lang niya naalala ang nangyari kagabi.Dahil sa sobrang pagod nila sa pagpipinta nang mga kwarto ay hindi niya namalayang nakatulog na siya sa sofa habang hinihintay si Athan.

Ihahatid kasi sana siya nito pauwi matapos maghapunan pero nakatulog na siya. "G-good morning! P-pasensya ka na kagabi. Nakatulog pala ako."

Inilapag nito ang kanin at ulam saka naupo sa tapat niya. "I don't mind. Pagpasensyahan mo narin at hindi na kita ginising. Mukha kasing pagod na pagod ka at kailangan mo ng pahinga." He said thoughtfully.
"Saan ka pala natulog?" Tanong niya habang nilalagyan nito nang pagkain ang kanyang pinggan.

"Sa sofa."

Kaagad naman siyang nakonsensya sa sagot nito. Matangkad si Nathaniel at paniguradong hindi naging komportable ang pagtulog nito. "Hinayaan mo nalang sana akong matulog sa sofa. Kasya naman ako doon. Para hindi ka na nahirapan."

He stared at her frowning. "No. I can't do that. Lalo na sa isang babae. No more buts, Chelle. Kumain ka nalang." Iniabot nito sa kanya ang isang baso ng orange juice. "Game ka pa ba para mamaya?" Masigla na nitong tanong.

She smiled and nodded. Mabuti nalang at may dala siyang extra na damit at underwear kaya hindi niya na kailangan umuwi para magpalit. Nakasanayan na kasi niyang magdala palagi ng extra kasi baka kakailanganin."Ako na ang maghuhugas pagkatapos ah?"


"Bisita ka--"
Umiling siya dito. "Ikaw ang nagluto. Dapat ako naman ang maghugas. Wag ka ng makulit, A."
He chuckled, "Alright. Ikaw ang bahala." Nginitian niya ito at pinagpatuloy ang pagkain.
















Hinalo halo ni Mitchelle ang pintura saka binuhos sa lalagyan. Natapos na nila kahapon ang isang kwarto kaya heto naman sila sa pangalawa. They decided for the room to be beige or peach shades. Para daw maiba naman ayon kay Nathaniel. Halos three fourths na ng kwarto ang napipinturahan nila ngayon. Pero may ilang kulay pa silang i dadagdag para ma improve ang kwarto. Kapag natapos naman ay mamimili na sila nang mga gamit sa bahay.

"Chelle." Napatigil siya sa ginagawa nang tawagin ni Athan. "Pahinga muna tayo sandali. Kumain ka narin muna." anitong inilapag sa sahig ang dalang tray ng sandwiches at juice.

Napatingin siya sa kamay na may mantsa na pala ng pintura. Napansin naman iyon ni Athan at nagpresintang subuan nalang siya nito. "Salamat." aniya nang isubo nito ang ginawang chicken sandwich. Nagthumbs up pa siya dito dahil sa sarap ng pagkain.

Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon