IT HAS BEEN TWO WEEKS SINCE BRIANNE'S WEDDING. Masayang masaya sila para sa kaibigan. Kita naman kung gaano nila kamahal ni Matt at Brianne ang isa't-isa. Nasa honeymoon parin ang dalawa na iniwan nila sa resort. Saka na daw ang mga ito magha-honeymoon sa ibang bansa kapag alam na nang iba na kasal na ang dalawa.
Paalis na siya ng bahay para pumuntang shop nang malingunan si Reggie pagkalock niya nang pinto. Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa gulat.
"Good morning!" energetic na bati nito. Nakakunot noo lang siya dito at nagtataka dahil sa maaga nitong pambubulabog. Nameywang ito. "Come on! Don't I get a greeting too?" pangungulit nito.
She rolled her eyes at naglakad papuntang garahe para kunin ang bisekleta. Magbibisekleta lang siya ngayon dahil mahal na ang gasolina. Lol.
"Ang aga mo naman atang mangulit." aniya."Para maaga ka din ng good vibes. Oh,wait! Pahiram ng isa." anito at hinila ang isa pang bike niya bago pa man siya pumayag.
Sumunod pa talaga ito sa kanya palabas at sumabay sa pagbibisekleta. "May LQ kayo ni Almir ano?" pang-aasar niya.
Nakita niyang umingos ito na ikintawa niya. Sinasabi niya na nga ba eh. Kaya nanggugulo ito sa kanya ngayon.Ngumiti ito sa kanya. "Hindi kaya! We're perfectly fine!" High pitched pa na saad nito.
"Hindi ka ba papasok sa talyer?" Lunes ngayon at paniguradong bukas ang talyer nito.
"Naaah. Kaya na nila yon."
"Seryoso?" di makapaniwalang tanong niya. Nakapagtataka nga naman kasi at iiwan nito ang talyer. Eh dati halos sa talyer na ito natutulog dahil siyang siya ito doon.
She grinned. "Oo nga sabi! Sa bookshop ako tatambay ngayon. I'll be your bodyguard."
Bodyguard. Ahh, yes. It's that time of the year. Napapailing nalang siya. It has been almost three years pero ganon parin ang mga ito sa kanya. She really can't blame them. Mas mapapanatag ang loob ng mga ito kung babantayan siya kaya hinahayaan niya nalang din.
Three years huh? It's been that long.
~~~•~~~
Lakad takbo ang ginawa ni Mitchelle habang papasok ng hospital. Alas onse na nang gabi at heto siya napasugod doon.Nakatanggap siya nang tawag mula sa kaniyang Tita at sinabi nito ang kalagayan ng mga magulang. Hindi niya mapigilang maluha habang tumatakbo. Her parents! Good God iligtas niyo ang mga magulang niya!
Nagtuloy-tuloy siya sa emergency room at nakita niya ang kapatid ng Mama niya sa labas at humahagulhol. "T-Tita!" Tawag niya dito. "A-Anong nangyari? Asan sila Mama't Papa?"
BINABASA MO ANG
Calle Maganda Series: Mitchelle Laguarda
Romance"I found you, at last..." Third installment of Calle Maganda Series! ☺