Epilogue

545 24 3
                                    

        "ATE MITCH! ATE MITCH!"
Nakangiting nilingon ni Mitch ang mga batang nag-uunahang tumakbo papunta sa kanya. “Oh, dahan-dahan lang.” awat niya nang makalapit ang mga ito. “Good morning!”

“Good morning po!” sabay-sabay pa na sagot nang mga ito na mas ikinatuwa niya.

“Ate, ano pong kwento ang babasahin mo ngayong araw?” tanong ni Rey, pitong taong gulang.

She’s been here in the island for almost a year now. Dito na siya naglagi matapos ang ginawa niyang soul searching. And yes, she has finally forgiven herself from everything that has happened. Her heart is so light now.




















“Ate Mitch okay lang po kayo?” nag-aalalang tanong ni Dereidi.
Nginitian niya ang mga bata at tumango. Napalapit na siya sa mga ito. Sa halos isang taon ba naman niyang pamamalagi doon. “Okay lang ako. Pasensya na kayo. May iniisip lang. Hmmmm. Halos naubos na ang lahat ng kwentong alam ko eh. Wala pa akong maisip na bago.”
Nagtaas ng kamay si Bianca na waring nasa klase ba ito. Ito ang pinakamatanda sa edad na sampung taong gulang sa grupo ng kabataang kinukwentuhan niya. Sabado nang araw na iyon at gaya ng dati ay maaga ang mga itong puntahan siya sa may dalampasigan. “Oh, Bianca, bakit?”

“Eh diba sabi mo po Ate wala kang maisip na kwento, may suggestion po ako. Hihih.” Hagikhik nito.

“Ano iyon?”






“Yung kwento niyo po. Diba mas maganda iyon?” tanong nito sa mga kasamahan na kaagad sumang-ayon.

“Oo nga Ate Mitch! Sige na po!” Rey.

“Please po, Ate!” Kenneth.

“Gusto po namin malaman kung sino ang prinsipe niyo. Kase diba dapat may prince ang princess? Eh princess ka po diba?” Dereidi.









Napakamot tuloy siya sa ulo ng wala sa oras. “Eh, kasi, hindi naman princess si Ate eh.”

“Eh bakit po kayo tinatawag na princess ni Tito Gabriel? Ibig po bang sabihin ay si Tito Gabriel ang prince mo?” inosente at puno ng kyoryusidad na tanong ni Rey.

Paano ba ‘to? Ang hirap namang sagutin ng mga batang ito.






















“I think I just heard my name.” nakangising bungad ni Gabriel na may kislap ng kalokohan sa mga mata. “Good morning, kids!” bati nito sa mga bata bago bumaling sa kanya. “Good morning, princess!” anitong inakbayan pa siya.

“See? Si Tito nga ang prince ni Ate!” hiyaw ng mga bata.

Inis na siniko niya ang hudyo sa tagiliran kaya napabitaw. “Lagot ka talaga sakin. Kung anong ikina-anghel ng pangalan mo iyon naman ang baliktad ng ugali mo.” Pabulong niyang saad dito. Gabriel Arkanghel just laughed at her remark. Pero kahit na ganoon ang ugali ng lalaki ay malaki ang pasasalamat niya’t nakilala niya ito. He was her savior. He stood up to his name. Talaga ngang Arkanghel ito.









“But I know you love me. Aminin mo!” pang-aasar pa nito.

She just rolled her eyes at him. “Oo na. Doon ka na nga.”

He laughed heartily. Pinanggigilan pa nito ang pisngi niya saka siya matamang tinitigan.

“Bakit ganyan ka makatingin?”

He shook his head with a smile saka mabilis na pinisil ang kanyang pisngi at lumayo. “I’m sure today will be a very great day, especially for you, princess.” Iyon lang at kumaway na ito saka naglakad palayo. For sure para simulant ang trabaho nito sa araw-araw.






Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon