Chapter 12

340 18 3
                                    

MITCHELLE TOOK HER TIME IN VISITING HER LOVED ONES IN THE CEMETERY. Alas onse na nang maisipan niyang umuwi. May kailangan pa kasi siyang puntahan. "Aalis na po ako. Matatagalan pa bago ako makabalik dito. Pero wag po kayong mag-alala, magbibilin po ako sa mga kaibigan ko na bisitahin kayo palagi." Hinaplos niya ang mga pangalan ng magulang at anak saka pumikit.



I'm sorry for everything. Aalis po muna ako, I need to forgive myself first so I can start all over again.




Isang huling ngiti at sulyap ang ginawad niya sa mga puntod bago tumayo at tumalikod.

At ganoon nalang ang gulat niya nang makitang nakatayo doon ang nanay ni Nathaniel. "A-ano po ang ginagawa niyo dito?"

Tuluyan na itong pumasok sa mausoleum ng pamilya nila. Her eyes landed on the tombs behind her and stopped. Mukhang gulat na gulat ito sa nakita.





"Y-Your parents.." pabulong na saad nito. "H-How?"

Mukhang hindi pala nito alam ang pagkamatay ng mga magulang niya. She smiled sadly at her. "Hindi lang po kayo ang nagdusa, Mrs. Lim. Pati buhay ko nasira din. Siguro nga ay tama kayo. Kamalasan lang ang dala ko. Kaya nga siguro pati sarili kong buhay at pamilya ay minalas din." Hinayaan niya lang na tumulo ang mga luha sa mata at nagpatuloy sa pagsasalita. "What you lost were your son's memories. Maswerte kayo at alaala lang ang nawala sa inyo. What I lost were the life of the three most important people in my life. Sana naman po ay sapat nang kabarayan iyon sa kung ano mang nagawa kong kasalanan sa inyo."




"T-three?" Saka ito lumapit at napasinghap. "A-Anong ibig s-sabihin nito? M-May anak kayo ni Nathaniel? Bakit hindi mo sinabi?"

"K-Kung alam ko lang din ho.. kung alam ko lang." She breathe in deeply nang maramdaman ang paninikip ng dibdib.

"I am sorry kung ngayon niyo lang po nalaman. Kung narito po kayo para sumbatan ako ay magmamakaawa po ako na wag na. Kung hindi niyo po ako mapapatawad sa nangyari sa anak niyo at sa anak ko, huwag po kayong mag-aalala. Hindi ko pa din po napapatawad ang sarili ko sa lahat ng nangyari.. Kaya aalis na po ako. Lalayuan ko na rin po ang a-anak niyo. Pangako. You have my word. Hindi ko na kayo guguluhin. Sana.. sana po ay ingatan niyo si Nathaniel. M-Mahal na m-mahal ko po ang anak niyo. K-kung mali man ang pagmamahal na iyon ay humihingi na po ako ng tawad. Minahal ko lang po talaga ang anak niyo. Wala akong intensyong sirain ang buhay niya. At kung ang paglayo ko ang makakabuti sa kanya ay gagawin ko.

Tutuparin ko na po ang hiling niyo. Aalis ako. Sana po ay alagaan niyo si Athan. Give him the life that he deserves." Pinunasan niya ang mga luha at ngumiti dito. "I have to go, ma'am. Paalam po." Iyon lang at nagmamadali niyang nilisan ang mausoleum. Kipkip niya ang dibdib at sumakay ng taxi pauwi ng village.







Fresh tears started streaming down her face. She smiled as she leaned on the window pane. Masakit. Pero kakayanin niya. Funny, but she felt a little bit lighter. At pinapangako niyang she'd fix herself whole again. Free from all the guilt, pain, blame and heartache.

Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon