BINASA ULIT NI MITCHELLE ANG ADDRESS NA NAKASULAT SA PAPEL saka tumingala para tingnan ang signage. Mukhang nasa village na nga siya. Pinaandar niya ang kotse at pumasok. Pinayagan naman siya nang guard matapos ang ilang tanong at verifications. Nasa may block B daw ng village ang bahay ni Nathaniel. Naisend naman na nito ang picture ng bahay para alam niya na.
Pansin niyang magagara ang mga bahay sa loob. Paniguradong mayayaman ang mga nakatira doon. Mayaman naman din si Athan. Dati pa man ay kilalang negosyante na ang pamilya nito.
Ano nga ba ang ginagawa niya sa village? Gusto kasi ni Nathaniel na tulungan niya ito sa pag-aayos ng bahay nito. Naikwento niya kasi minsan dito ang pagkahilig sa interior designing. Nakita din nito ang ilan sa sketches niya. At naitanong din nito minsan kung sino ang nag-ayos ng bahay niya. He was impressed. Kaya heto siya't papunta sa bahay nito para tulungan itong mag-ayos. Isang kwarto palang daw kasi ang naayos nito. At iyon ang masters bedroom kung saan siya minsang nakatulog.
Napangiti siya nang matanaw ang bahay nito. Kaagad niyang itinabi ang sasakyan at bumaba. Ngayon niya lang nabigyang pansin ang bahay ni Nathaniel. Dalawang palapag iyon at halos moderno ang disenyo. Sakto lang ang laki pero malawak ang lugar. Iyong tipong pwedeng takbuhan ng mga bata at alagang aso.
Dala ang backpack at si Lucky ay pinindot niya ang doorbell. It didn't take long for Nathaniel to come out. Pakiramdam niya ay natulos siya sa kinatatayuan nang ngumiti ito. He was wearing sweatpants and a muscle tee kaya kitang kita niya ang mga muscles at biceps nito.
She faked a cough nang makalapit ito. "Good morning."He smiled and greeted her in return. Nilaro din nito ang alagang si Lucky. "Pasok na tayo. Nag-agahan na ba kayo?"
Tumango siya dito. Hindi niya na magawang sumagot dahil mas pinagtutuunan niya nang pansin ang loob ng bahay nito. May wall paints naman na sa loob at kulang lang ay mga furnitures. Isang sofa at tv lang kasi ang meron ito sa sala.
Ang kusina naman ay kumpleto na sa kagamitan. From chairs and tables, down to its utensils. "Ngayon ka lang ba kakain?" aniya nang mapansing may niluluto ito. "Wait, where's Lucky?" Tanong niya nang hindi mapansin ang aso.Nathaniel chuckled. Itinuro nito ang dingding kung saan nakasabit ang tali ni Lucky. "You were too occupied at hindi mo namalayang inalis ko muna ang leash niya so he can go around. Sarado naman ang gate kaya hindi siya makakalabas. Kain ka ulit?" Anitong inilapag ang mga nilutong pagkain.
Nagulat pa siya nang hawakan siya nito sa balikat at inalis ang backpack na dala saka siya pinaupo. "B-busog ako." tanggi niya pero napatigil nang makita ang hitsura nito.
"Please? Please? Malungkot kumain mag-isa."
Parang may kung anong kumurot sa puso niya sa sinabi nito kaya inabot niya ang plato. "Opo, kakain na. Wag ka ng magtampo." Alam niya ang pakiramdam nang mag-isa.
Nakangisi ito nang malaki habang pinaglalagyan siya nang pagkain sa plato. Nathaniel was serving her. Ang hirap talagang humindi dito. Dati pa man ay hindi na siya makatanggi sa mga pabor at hiling nito.
At walang ipinagbago iyon hanggang ngayon.
"The master's bedroom is almost fully furnished. May idadagdag lang akong ilang gamit tapos okay na iyon." Pahayag nito habang naglalakad sila sa hallway ng second floor nang bahay kung saan naroon ang mga kwarto.
BINABASA MO ANG
Calle Maganda Series: Mitchelle Laguarda
Romance"I found you, at last..." Third installment of Calle Maganda Series! ☺