Chapter 11

350 16 7
                                    

     ALAS KWATRO PA LANG NANG UMAGA AY GISING NA SI MITCHELLE. Maaga siyang nakatulog kagabi dahil sa kaiiyak. Naibuhos niya ata lahat ng luha kagabi. Ang mga kaibigan niya naman ay nakaalalay lang sa kanya. Hindi sila umalis sa tabi niya. Kahit si Brianne na may asawa ay doon natulog sa bahay ni Violet. And just that morning she felt just a little light. Kaunti lang. Dahil alam niyang kakailanganin ng mahabang panahon bago pa siya tuluyang maging okay.

Naisipan niyang mag-jog nalang muna para maehersisyo at makondisyon ang katawan. Nag iwan lang siya ng note sa sidetable at maingat na nagbihis upang hindi magising ang mga kasama.



Nasa may hagdanan na siya nang marinig ang isang tahol saka niya nakita si Lucky na tumatakbo sa direksyon niya. Kaagad niya itong niyuko at nilambing. She was giggling as he was trying to lick her face. "Down, boy. Down.. Baka marinig ka nila. Shhh.."

"Good morning." Napatigil siya sa paglalambing sa aso nang marinig ang boses ni Violet sa may sala. Saka lang niya ito nilingon na nakatayo sa may bukana nang kitchen entrance at sumisimsim ng kape. "Out for a jog? Isasama mo ba si Lucky?"

She smiled lightly at her and nodded. "Good morning, Vi. Gusto mo din bang sumama?"

Ngumiti ito at umiling saka itinaas ang hawak na mga papel. "I have to finish this."

Napapailing nalang siya sa kaibigan. "Ang aga-aga pa para magtrabaho."

She chuckled, "Actually wala pa akong tulog."

"Violet!"

Natawa ito. "Just five more minutes and I'll be finished. Aakyat na din ako para makapagpahinga."

"You work too much, Vi." Reklamo niya dito. Baka magkasakit na ito sa sobrang subsob sa trabaho.

"I am fine. Sanay naman na ako. Sige na, tumakbo ka na. Aakyat na rin ako. Mag-iingat ka." Anitong ibinaba ang mug sa sink saka umakyat sa ikalawang palapag. "Mitch?"





Napatigil siya sa paglabas nang tawagin nito. Nakatayo lang ito sa may hagdan at nakamasid sa kanya. "Hmmm?"

"Don't forget about the game at four PM." Paalala nito sa laro nila nang araw na iyon.

"I know."

She eyed her cautiously. Then nodded with a smile. "You'll be fine, Mitchelle." makahulugang saad nang kaibigan.

She smiled gratefully at her. "Thank you, Vi." Tuluyan na siyang lumabas nang bahay kasama si Lucky at inayos ang suot na hoodie saka siya nagsimulang mag stretching at tumakbo. Sumasabay lang sa pagtakbo niya ang alaga na halatang nag-eenjoy sa paglabas nila. Wala pa masyadong tao dahil maaga pa din naman. Kakaunti lang ang nakikita niyang tumatakbo.








May laro sila nang araw na iyon. She already had her hair dyed. At katulad nila Brianne at Reggie, panahon naman para siya ang maglaro. She smiled sadly as they passed by the court. She knew, deep inside her that they're going to lose because of her in the last quarter of the game.

Ang totoo ay hindi naman talaga siya ganoon kagaling sa basketball pwera sa bilis niya at ang madaling pagpasa ng bola. Mababa lang din ang stamina niya. Kapag ibinigay niya ang buong lakas para makakuha ng puntos ay hindi siya magtatagal sa laro. She could only run, dribble and hold the ball for a few seconds before she would pass it to the others. Ang maipagmamalaki niya lang ay ang kakayahang iyon at ang makawala sa mga nagbabantay. Nagmimintis pa siya sa mga tira niya. She's only useful because of her team.

Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon