CHAPTER FOUR: STATE OF DENIAL

27 5 5
                                    

PART ONE

On my way pauwi sa apartment, lutang pa din ang isip ko. Tuluyan nang nalusaw ng mga eksena kanina ang lahat ng impluwensya ng alak sa sistema ko. Pero yung pakiramdam ko iba pa din sa normal. Totoo ba kasi talaga lahat yun? Tinatantya ko ang mga naganap kanina lang dun sa exhibit, baka naman kasi talaga nangangarap lang ako. Minsan di ko na din maiwasan mag-doubt sa sarili ko. Sa dalas ko kasi mangarap ng gising di ko na maipagkaiba ang panaginip sa katotohanan. Sa fantasies ko kasi, lahat masaya, walang imposible, walang limitations. Malaya akong nakakahabi ng mga pangyayari kung saan puro happy endings..  

Bumaba ako sa taxi dito sa harap ng building. Tanaw ko mula dito sa baba na nakapatay ang ilaw sa balkonahe ng unit namin. Ibig sabihin, wala pa si Mariell. Malamang gumi-gimik yun! Dumating pala kasi si Joey so dalawa lang yan, either nasa condo sila ni Justin at nag-iinom or nasa Karaoke bar at nagwawala sa mga kanta ni Alanis Morisette! Pero come to think of it, mabuti na din yun. Gusto ko din kasi munang mapag-isa sa mga oras na ito. Sumasakit talaga ang ulo ko. Nahihilo ako. Yung literal na pagkahilo na gusto mo na lang itapon yung katawan mo sa kama at kalimutan ang mundong ibabaw. 

Kanina nung nasa taxi ako pauwi, I realized kung gaano pa din ako ka-blessed. Di pa din naman ako nakakalimutan ng panginoon kahit na kung anu-anong kapalpakan na din ang pinag-gagagawa ko sa buhay. binigyan nya ako ng panibagong pagkakataon kaya naman napag isip-isip ko na kailangan ko nang gawin ang tama! Hindi ko sasayangin ang opportunity na ito. Sa internship ko sa London, ipapakita ko sa lahat na may mararting ako. Na hindi ako habangbuhay na junior photographer lang. I will do it right this time! Gagalingan ko talaga! Hindi ko bibiguin si Dylan..

Agad kong binuksan ang pinto ng apartment at kinapa mula da pader ang switch ng ilaw nang biglang...

"Tada!"

Andito sa sala silang tatlo. Si Mariell, Joey at Justin.. Lahat nakangiti na nakasimangot na ewan ko ba. Nakahain sa center table ang sangkatutak na beer in can at isang malaking ice bucket. May naka-set din na videoke machine at mga patung patong na pizza boxes sa sahig katabi ang nagkalat na DVD collections ko..

"Liann! Pinag alala mo naman kami. Ang tagal mong umuwi. Akala namin nag-suicide ka na! Cheer up! Andito lang naman kami at ang SMB. Iinom tayo magdamag at kakalimutan natin yang problema mo."

Nilapitan ako ni Mariel at hinila para maupo sa sofa sa tabi ni Joey.

"OO nga naman! Ang tagal mo Leandra! Kalam na kalam na ang sikmura ko dito sa mga pizza pero di daw pwede galawin pag wala ka pa! Long time no see! Na-miss kita!" si Joey na inakbayan ako.

BOINKS!

Isang flying throw pillow ang naglanding sa mukha ni Joey.

"Binili ko yang mga yan para kay Liann di para sayo! Saka tama na nga yang dramahan na yan!. Wala ka mapapala dyan, Di mo yan ikakayaman! May opening ako ngayon sa bar. Kailangan ko ng waitress. You're always open to apply!" 

Pang aasar sakin ni Justin na ang lakas ng tawa. Pinutol naman yun ng pag landing pabalik sa mukha nya ng throw pillow galing kay Joey.

"In your face! Wahahaha!"

sabay takbo papunta sa likod ni Mariell.

I burst out laughing. Di ko na kasi mapigilan. Mukang tungak yung tatlo na pasimple pa akong kino-comfort. Di man aminin ni Justin, alam ko naman na kaya sya nandito ay dahil nag-aalala din sya sa kalagayan ko. Tawa lang ako ng tawa na naluluha pa nang matigilan sa paghaharutan silang tatlo. Naka nganga silang lahat na nakatingin sa akin. Nagsimula silang magbulungan....

Joey: "Hala, ayan, nababaliw na si Leandra!

Mariel: "Naku yan na yung denial stage. Iwinawaksi nya ang katotohanan at nag-iimbento ng masasayang eksena para takasan yung problema!"

PICTURE PERFECT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon