PICTURE PERFECT!: PROLOGUE

126 2 3
                                    

PROLOGUE

Lumabas muna ako ng dressing room few minutes bago magsimula ang concert. Gusto kong makasanghap ng sariwang hangin. Ganito na yung usual na routine ko everytime na may gig kami. Pampatanggal nerbyos at kaba. Narito ako ngayon sa rooftop where I can see the whole of London. Lumalakas na ang simoy ng hangin. November na kasi malapit na ang winter kaya ramdam na yung lamig ng pasko.

I took a deep breath.. Long and deep.. I chilled...

Pero ngayon bukod sa pagtanggal ng nerbyos at kaba sa katawan, isa sa mga dahilan kung bakit nandito ako sa rooftop ay para kalmahin ang sarili ko. Itong nakaraang Linggo was the craziest week of my life! All because of that damn photo scandal! That night was supposed to be a celebration. Matapos namin pirmahan ang matagal na naming pinapangarap na recording contract, my band went out to a local night club to do the usual. Drink and have a good time. Then she showed up. Looking as gorgeous as ever. Bettina never fails to wow us everytime na darating sya. 

Sabi nya may gift daw sya sa akin so I followed her sa parking lot pero bigla syang humarap at hinalikan ako at huli na nung mapansin ko yung paparazzi sa may likod ng puno! We are caught red handed! Kaya heto ako ngayon. Bukod sa mga kanta namin, kilala ngayon ang banda sa buong mundo dahil sa photo scandal ko with Bettina Parker.

And then I met her. The girl next door. Sya ang dahilan kung paano ko natatagalan ang lahat ng ito. Liann made me believe again. That woman is one of a kind. Napaka carefree kaya laging napapahamak. Napaka impulsive. Ginagawa ang mga bagay ng di ginagamit ang utak! Kapag magkasama kami pakiramdam ko kailangan ko sya laging alalayan at protektahan. May pagka-slow din kasi sya pag minsan. Sa loob ng isang linggo na pinagsamahan namin, masasabi ko na naging masaya talaga ako. Parang naging tao ako muli. Yung walang pagpapanggap. Walang itinatago, walang takot at walang image na kailangang protektahan. 

Napansin ko na lang na nakangiti na pala ako. Ano ba naman yan? Nakakahawa na pala ang kabaliwan ngayon. But if being crazy means being with her all the time, I won't mind na tawagin akong baliw. Bukas aalis na sya pabalik ng Pilipinas kaya mamaya sa victory party ng banda kailangan ko na talaga syang makausap. I can't afford to let her leave na di man lang nasasabi ang nararamdaman ko. I am certain pagtatawanan nya ako. Pero susubukan ko na din. "Follow your instincts!" sabi nga nya. Saka walang masama kung susubukan kong muli na buksan ang puso ko para sa iba.

"What are you talking about? You just told me you..."

"Stop! Don't say another word Dylan! I like you!"

Nabasag ang pagmumuni-muni ko ng may marinig akong mga boses mula sa exit ng rooftop. Pamilyar ang  boses na yun. Di ako pwedeng magkamali. Si Liann yun kausap si Dylan. I got curious kaya lumapit ako sa bahagyang nakaawang na pinto..

"Are you sure about this? I really thought you like him."

"No, you're not getting it right.. How can I like him? That drunkhead! Andrei is a loser and will remain a loser for the rest of his life! Well yes, we hang out but that doesn't mean anything to me. I see him only as a friend. Dylan, it's you I like.."

Her voice is loud and clear. Para akong napako sa kinatatyuan ko. Hindi ako makagalaw. Lalapit ba ako at hihingi ng paliwanag? Pero ano pa bang paliwanag ang kailangan ko kung malinaw na nyang sinabi ang katotohanan? Ang gusto ni Liann ay isang prinsipe tulad ng mga bida sa daydreams nya. Hindi isang loser na lasenggero na wala naman maipagmamalaki sa buhay. I should have known, tanga lang talaga ako para umasa na may naramdaman din sya. Na yung mga araw na pinagsamahan namin ay espesyal din sa kanya.. 

Mula sa kinatatyuan ko, malinaw ko silang nakikita. Nakatalikod sa akin si Dylan at kita ko kung paanong nagsisimulang mamuo ang mga luha sa mga mata ni Liann. Is it just me or parang napasulyap sya sa direksyon ko? Umiwas ako sa may awang ng pinto ngunit bago pa man ako nakakilos, yung kasunod nyang ginawa ang mas ikinabigla ko. She grabbed him from his collar and pressed her lips againts his.

Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko then I took a deep breath. Tumalikod na ako sa kanila, inilagay ang dalawa kong kamay sa mga bulsa ng pantalon ko habang patuloy sa paglalakad pabalik sa dressing room. 

LIANN'S POV

It's like my heart stopped beating when you walked away

And all that I believed in is going to waste

You'll never know that I loved

You'll never know that I trusted you in every way

You'll never know that I miss

You'll never know that I think about you every day

Narito ako sa upper box, nakahalo sa mga nanonood ng concert ng Garage. Andoon sya, sa itaas ng stage habang tinutupad ang kanyang mga pangarap. Alam ko ang kantang yan. Malinaw pa sa isip ko ang ala-ala nang una nyang iparinig sa akin yan habang tinitipa nya sa gitara. Hanggang ngayon, panaginip pa din para sa akin ang lahat ng nangyari. Nagsimula sa isang napaka gandang panaginip na nagtapos sa isang bangungot. Sabi na nga ba, wag maliitin ang sumpa ng mga batang hamog! Ha-huntingin ko talaga yung mga batang yon pagbalik ko ng Maynila!

Ang saya ng pakiramdam ko habang pinapanood syang kumakanta. Sana kaya kong patigilin ang oras at manatili na lang ng ganito. Ano ba naman kasing klaseng gulo itong pinasukan ko? Andito ako sa London para ayusin ang buhay ko pero bakit nagka-ganito. Kung major offense lang ang krimen ng pagsisinungaling, malamang nasa death row na ako. Isa akong manloloko at di mapagkakatiwalaang tao. Gustuhin ko man syang lapitan at aminin ang lahat lahat, wala akong sapat na lakas ng loob. Alam ko kung paano sya naapektuhan ng eskadalong ako ang may gawa. Alam ko kung gaano kalaki ang galit nya sa kung sino mang paparazzi daw na yun na nagkalat ng pictures sa social media. Natatakot akong harapin sya.  

Sa photoshoot nung hapon, nang i-abot nya sa akin ang VIP pass para sa victory party mamaya, gusto ko na talagang umamin Pero naunahan nya ako. Oo, siguro nga espesyal ako sa kanya. Pero paano pag nalaman na nya ang katotohanan? Ayoko syang saktan. Nakita ko kung paano nya pinilit bumangon mula sa pagkakalugmok ng iwan sya ni Bettina noon. Ayaw kong maranasan nya yun muli kaya dapat ko nang linisin ang kalat na ginawa ko. Kailangan ko nang lumayo. Tapos na ang lahat. 

Kanina sa rooftop malinaw nyang narinig at nakita ang lahat as planned. Mas mabuti na yung ganun. Mabilis lang naman yung one week namin. Makakalimutan din nya ako. Isa pa, bumalik na si Bettina. Kaya para saan pa? Yung nararamdaman ko, e sakin na lang 'to. Magandang ala-ala na babaunin ko bukas pagbalik sa tamang lugar ko.

"So this is it. Tapos na ang adventures ko sa London. Madami akong natutunan sa maiksing panahon. Salamat sa mga ala-ala. Ipinakita mo sa akin ang kabilang bahagi ng buhay na di ko pa nararanasan. Thank you talaga. Sorry kung wala akong mukhang maihaharap sayo. Di ko kayang humarap sayo. Natagpuan na ni Alice yung white rabbit. Ihahatid na sya sa lagusan patungo sa tunay nyang mundo. Kung saan sya nararapat. I will miss you. Goobdye, Andrei..." 

You'll never know these tears I've cried

That I'm sleeping on your side

And are you thinking of me?

I don't

I don't know

You'll never know I'm up all night

You're still the best thing in my life

And if you ever come back

I'll never

I'll never know

Patuloy pa rin ang kanta ng sinimulan ko nang tahakin yung daan papunta sa audience exit. Kinailangan ko pang humawak sa side rails nang tuluyan nang bulagin ng nag uunahang patak ng luha ang mata ko..

PICTURE PERFECT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon