CHAPTER ONE: SLUMBOOK NI LIANN

45 2 0
                                    

Naglalakad ako ng mabilis. Mabilis talaga dahil pag di ko binilisan, maiiwan talaga ako ng bus. 8pm na at last trip na ang kaisa-isang bus na nakaparada sa bus stop sa lugar namin. Nang makarating ako, swerteng nakaabot pa sa pila sa ticket booth. Ibig sabihin, makakarating pa ako sa event on time.

" Ate penge lima."

Nakatayo pa din ako sa pila ng walang anu ano, may humihila sa laylayan ng palda ko. Agad ko naman itong nilingon. Nasa likod ko ang iang batang lalaki. Tantya ko nasa lima hanggang pitong taon sya. maliit, maitim at mudungis.

" Ate penge lima pambili ng tinapay." ulit ng batang nanlilimos. 

Agad akong dumukot sa wallet ko at iniabot sa bata ang fifty peosos.

"O heto.. Bumili ka na ng pagakain mo." nakangiti kong sagot na may awa pa sa mga mata.

"Salamat po ate!"

Hinatid ko sya ng tanaw. Haist, ewan ko ba. May soft spot talaga ako sa mga bata. 

Dali-daling tumakbo yung bata patungo sa malapit na sari-sari store malapit sa bus stop kung saan naghihintay sa kanya ang tatlo pang batang pulubi. Napangiti ako sa idea na kahit sa maliit na paraan, nakatulong ako sa mga batang naguguom. 

Ngunit agad na napawi ang ngiti nang makita ko kung ano ang iniabot sa kanila ng tindera. Isang bote ng rugby!!!! Agad nagdilim ang paningin ko. Iniwan ko ang pwesto ko para habulin ang mga bata kahit na nasa kalahati na ako ng pila.

"Hoy mga bata! ano yan!?"

Sigaw ko habang humahangos papalapit sa kanila. Napatingin sila lahat sa akin at nanlalaki ang mga matang nagsipulasan ng takbo.

Hinabol ko sila. Hinubad ko ang suot kong stiletto habang patuloy sa pagtakbo. Pero mabilis yung mga bata. Agad silang nakaliko sa isang madilim na eskenita. Di naman ako sumuko at patuloy silang hinabol.

Papalapit ng papalapit ang distansya ko sa kanila. Advantage na din na mas matanda ako at malaki ang mga hakbang. 

Takbo..

Takbo...

Takbo....

Hanggang sa nahagip ko ang isa sa kanila..

"Gotcha! hahaha!"

"Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko!" 

Naghuhulagpos sya pero mas malakas ako. Nagawa ko syang hawakan ng mahigpit sa balikat habang nakatutok sa mukha nya ang bote ng pepper spray.

"Ano bang problema nyo ale? Bitiwan mo yang kasama namin!" sigaw ng batang binigyan ko ng fifty.

Anu daw?! "ALE?" daqfuq! kanina lang eh ate daw ngayon ale na ko! Aba talagang sinusubukan ako ng mga batang ito!

"Hoy, mga BATANG HAMOG! Pag di nyo binigay sakin yang bote ng rugby tatamaan kayo saken!"

"Huh? sino tinakot mo? sayo na yan si Juan! Pa-epal pa yan sa hatian ng rugby! hahaha!"

At sabay sabay na nagtawanan ang mga batang hamog. Grabe! Ilalaglag nila ang kasamahan nila sa ngalan ng isang boteng rugby! Lakas ng amats ng mga kutong ito! Akmang tatakbo na palayo ang ibang bata nang muling magsisigaw ang batang si Juan. 

"Tonyo! Tonyo wag nyo ko iwan! Tulungan nyo ko!" 

Patuloy sya sa pagpalag mula sa pagkakahawak ko. Kaduderz lang! Sabog na ang luha nya tapos may number eleven na sa ilong!

"Aba't anak ka ng goldfish! Makasigaw kala mo naman kung anung gagawin ko! Pektusan kita dyan eh!" 

"Aha!"

PICTURE PERFECT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon