CHAPTER SEVEN: Getting Even!
PART ONE
The following day, I rushed to the unit sa tapat namin. 9am na. Tinanghali ako ng gising! May misyon pa ako ngayong araw! Buong gabi ko din kasi inisp ang plan of attack ko kay kulot next door.
Nang makarating kami kagabi sa unit kasama ng mga security officers wala na yung intruder! Nakatakas na ito! Muli na lang nila akong isinama sa office nila para kumpirmahin daw sa mga CCTV footages kung sino yung taong sinasabi ko. Kitang-kita sa video ung paanong pasuray-suray na lumabas sa unit namin ni Kim Yee ang isang matangkad na lalaki at nagtuloy sa katapat na pinto. Sya din pala yung parehong lalaki na kumakatok sa amin the other night.
Tinanong ko sa mga security guards kung sino ang umuukopa ng unit sa tapat namin ngunit ang tanging impormasyon daw nila ay nakapangalan ito sa pamilya ng may ari ng building. Madalas daw kasi ng mga cliente at matataas na tao ang bisita ng pamilya ni Dylan kaya confidential ang mga information tungkol sa mga ito. Magpo-protesta pa sana ako ngunit nangako naman sila na gagawan daw nila ito ng incident report at dahil malalim na daw ang gabi mas makakabuti na ipagpabukas na namin ang kaso. Matapos nila akong ihatid pabalik sa unit namin, niligpit ko na din ang mga nasira kong gamit at ginugol ang buong magdamag sa kung paano ako makakabawi sa ginawa nung lasenggong lalaki sa tapat. "I have to get even!" Di ko ito mapapalagpas! Ilalagay ko na ang batas sa aking mga kamay!
Binayo ko ng sunod sunod na malalakas na katok ang unit sa tapat namin.
"Open this door! Open this stupid door! Lumabas ka dyan Kulot! Uunatin ko talaga sa sabunot yang buhok mo!' Open this door motherf*cker!"
Dama ko na yung sakit ng kamao ko at hapdi ng lalamunan sa lakas ng boses at sunod sunod kong katok sa pinto hanggang sa bigla itoong bumukas.
Isang lalaki ang bumulaga sa akin. Matangkad ito pero hindi kulot. Hindi sya yung lalaki kagabi. Nakatitig lang sya sa akin na mukhang asar yung expression ng mukha nya habang nakahawak pa din ang isang kamay sa door knob.
"Where is he?!"
Tapang tapangan pa ako na binasag ang tension sa pagitan naming dalawa. Hinga ng malalim! Binunggo ko sya at nagtuloy sa loob ng unit. Ngunit isa pala yung napakalaking pagkakamali!
"Hey, Where do you think you're going? Get back here!"
Sinubukan pa akong pigilan nung lalaki na nagbukas ng pinto pero di ko sya pinansin at sumugod pa din ako. Sa loob ng unit, mayroon pang dalawang lalaki. Isang nakaupo sa couch naka tank top at boxer shorts. Nagsasalita mag-isa at seryosong naglalaro ng Xbox samantalang yung isa naman nasa dining area walang suot pang itaas, may mga malalaking tattoo sa katawan naninigarilyo ito habang tumitipa ng gitara.
Wahhhhh! Solved na ang breakfast! Nag-pyesta na naman sa pandesal ang mga makasalanan kong mata!
"Dude, there's a chick in the house! An Asian chick in he house!!" bumalikwas sa pagkakaupo yung lalaki sa couch at lumapit pa sa akin.
Napalunok ako ng mapansin kong nakatingin na pala silang tatlo sa akin! Tiningnan ko silang mabuti, wala sa kanilang tatlo si kulot! Anak ng! Pero imposible yun! Sigurado ako na dito nagtuloy yung lasing na lalaki kagabi. Pshhhh... Ano na ang next step ko? Ano na naman ba kasing sumapi sa akin at nakasugod-sugod ako dito? Di ko na naman malaman kung ano ang gagawin.
"Who the heck are you? We don't entertain fans here! I'm calling the security!"
Sabi nung lalaki na nagbukas ng pinto. Hindi man lang natinag yung suplado at arogante nyang aura!
"Chill man! You're scaring the hell out of her!"
Aiyeee.... eh mas creepy pa nga etong si boy xbox! Kung makatitig sakin, humahalimuyak ang kamanyakan!
![](https://img.wattpad.com/cover/9503184-288-k580365.jpg)
BINABASA MO ANG
PICTURE PERFECT!
Romance"I am cursed! I am so dead!" Aspiring photographer Leandra Alcantara’s life was going from a nightmare to a real life horror! One, she is on the brink of loosing her job. Two, she is getting crazy broke! Then suddenly luck came on her side... When...