CHAPTER THREE: Si Sailor Moon, Si Voltes V at ang Hunchback of Notre Damme!

47 4 0
                                    

Napaka bilis ng mga pangyayari sa buhay ko.. Isa itong malaking fast forward! Nung isang araw lang, ako si Liann, si Liann na walang malay then all of a sudden, eto ako ngayon, humaharap sa mga problemang mala-armageddon ang impact pag tumama sa akin. Mawawala talaga lahat. Trabaho, sweldo pati na apartment na tinitirahan ko! Haaaaayyy, buhay....

Nandito ako ngayon sa Manila Hotel kung saan gaganapin ang Photo Expo. Nagmislutang isang art gallery ang grand ball nila nang dekorasyunan ito ng mga naglalakihang kwadro sa pader. Ibinagay ko naman ang aking sarili para sa gabing ito. Tulad ng mga nagso-sosyalang mga guests, syempre dressed to impress ako ngayon. Nakakuha pa kami ng time ni Mariell kanina para makabili ng susuotin ko. Napili namin ang isang black sleveless dress na hanggang tuhod ko lang ang haba at peep toe na silver pumps. Simple and elegant ang peg ko ngayong gabi. Sinong makakapagsabi na pasan ko ang daigdig? hahaha! 

Nakatayo lang ako dito sa may harap ng mga frames na entry ko para sa exhibit. Bukod sa mataas na takong, hirap pa din kasi ako sa paglalakad dahil sa pagkakadulas ko kahapon. Kumikirot pa din ang balakang ko. Kasama ko sa gabing ito si Madam Helena na kanina pa busy sa pakikipag bolahan sa mga bisitang investors. Magaling talaga sa PR ang matandang ito. Di mo aakalain na sa likod ng friendly nyang itsura ngayong gabi ay isang evil witch kapag nasa opisina! Di ko din maiwasan na hindi humanga sa mga entry ng ibang participants ngayong gabi. May mga tourist spots sa Malaysia, Cherry blossom season ng Japan, Great Wall sa China.. Sa likod ko nakasabit ang sampung frames na enrty ko. Mga larawan na magdedesisyon ng kapalaran ko ngayong gabi. Ilan dito yung mga personal favorites ko.. Luneta park, Binondo arch at yung Manila Bay sunset.. Lahat ng mga larawan ay punong puno ng buhay. Bawat isa ay may kalakip na kwentong nabigyan ng buhay gamit ang camera.

Ngunit kapansin pansin mula sa isang sulok ng art gallery na ito yung kumpulan ng mga tao. May kaingayan din sila na akala mo may kung sinong artista na dinudumog. Sa dami ng tao, naharangan na nila yung mga kwadro sa pader. Tanging nakikita ko lang ay yung signage na entries ang mga ito mula sa South Korea. Kakaiba dahil kung ikukumpara mo sa ibang mga bisita, mukhang mga tenagers ang viewers doon. di ko na natiis, lumapit ako sa kumpulan nila and when I got to penetrate, sumambulat sa akin kung ano ang dahilan ng kaguluhang iyon... Si Sailor Moon! Isang Koreana na naka costplay as sailor moon ang nilalapitan nila para magpa picture sa tabi nito. Habang sa likod nila, yung mga entry sa exhibit. Mga costplays ang mga ito.  All star yung mga anime sa mga frames. Present ag Voltes Team, si Ichigo at mga shinigami maging ang mga sailor warriors!

"Joh-eun jeonyeog modu! Daedanhi gamsahabnida!"

"Joh-eun jeonyeog modu! Daedanhi gamsahabnida!"

Pulit ulit nyang sinasabi yung phrase na yun na ewan ko ba kung ano ang meaning habangnaka-bow sa mga tao. Tuwang tuwa naman yung mga teenagers sa kanya.

"Waaahhh, seriously! Ano ba itong nangyayari?" I told myself..

"Miss fan ka din ba ni Kim-Yee?'

Tanong sa aking nung katabi kong lalaki na tantya ko ay nasa mga 18 years old ang edad.

"Ha? Ah eh hindi.. Nakikichismis lang ako. Sino ba yang si Sailor Moon?" curious kong tanong dito sa katabi ko.

"Sya si Li Kim-Yee isang sikat na photographer at costplayer sa Korea! Matagal na namin inabangan ang pagkakataon na makita sya ng personal. 

Ahhh, ang ganda ganda talaga nya! Di ba mga 'tol?"

At agad naman nagsi-tanguan yung mga kasama nyang mga binatilyo din. Mga mukha silang anak mayaman pero halata din na mukhang mga Geek. Yung mga tipong dumadayo ng laban ng Dota sa rival na computer shop. Confused talaga ako sa mga oras na ito. Ang isang sosyal and intimate na photo expo ay nagmistulang isang anime convention! Anung nangyari? Teka, hindi kaya daydream lang ito? pero hindi eh, andito ako sa exhibit. Ramdam ko ang pagsagi sa sakin ng mga taong nagpipilit din makaapit kay Sailor Moon at sa mga pictures sa likod nya.

PICTURE PERFECT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon