"You look beautiful tonight."
"So are you, my love."
Maliwanag ang paligid. Napupuno ito ng daan-daang bumbilya na nakapaligid sa buong gazebo. Humahalimuyak ang paligid sa bango ng mga bumubukang rosas sa hardin na ito. Kasabay ng paglalim ng gabi, patuloy din ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko.
Leandra, you are as beautiful as the roses . As gorgeous as these diamonds...---" hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa tenga ko para masilayan ang mga dyamanteng hikaw. Bumaba ang kamay nya sa pisngi ko.. papunta sa aking mga labi.. "I am crazy over you... Can I kiss you?"
Lab-dab.. lab-dab.. lab-dab-dab-dab-dab...
Sa sobrang lakas ng kabog pakiramdam ko tatalon na mula sa loob ng rib cage ang puso ko..
"Dylan...."
"Leandra...."
Ipinikit ko ang aking mga mata at naramdaman ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Para akong idinuduyan ng mga ulap. Tila nahawi sila at bumaba ang mga anghel.. Patuloy si Dylan sa paghalik sa aking mga labi at dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang makita ang kanyang napaka-gwapong mukha..
Dahan-dahan... Bukas mata... Half open muna... Full open... Super full open!
Nanlaki ng todo ang aking mga mata nang maaninag ang nasa harap ko. Agad ko itong naitulak.
"Sino ka?"
"Bwahahaha! Bwahahahaha! Bwahahahaha!!"
Napakalakas at sunod sunod na tawa ang sagot nya sa akin. Sino ang taong ito? Nanlalabo man ang aking paningin pero isang bagay lang ang sigurado ko. Hindi sya si Dylan! Blonde si Dylan samantalang ang lalaki sa harap nya ngayon, bukod sa higit itong matangkad, kulot at itim ang buhok nya.. Nagsimula syang lumakad dahan-dahan palapit sa akin na may nakakakilabot na ngisi sa mga labi.
"Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!
Pero patuloy lang ito sa paglakad...
"Wag ka sabing lalapeeetttt!!! Waaaahhhhhhh!!!!!"
TRALALALA! TRALALALA! TRALALALALA!
"Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakatulog. Panaginip. Isang napakasamang panaginip naman nun. Pupungas-pungas na binuksan ko ang ilaw sa lampshade at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Sino naman kaya ito?
"Hello?"
"Liann!! Ano nang nangyari sayo? Di mo na ako tinawagan mula nung makaalis ka."
"Pasensya na Mariell. Masyadong madaming nangyari eh. Nawala sa isip ko. haha! Pasensya na friend!"
"Haaayyy, asa pa sayo! Anyway, kamusta ka naman? Excited na ko sa mga chika mo! Oh ano, naka-da moves ka na ba kay Dylan? Kwento na, game!"
"Sya, sya.. Mag online ka sa skype.. Chika tayo..
Sinilip ko ang wall clock, Alas sais na pala ng umaga. Natatamad pa talaga akong bumangon pero excited na din kasi akong makipagkwentuhan kay Mariell. Hinila ko yung laptop mula sa side table at ipinatong ito sa may paanan ng kama. Dumapa ako ng higa at sinimulan makipag-chismisan kay Mariell.
"Wow ang galing naman! Libre pabahay na kayo may bago ka pang gadgets!"
"Oo nga eh. Pag talaga se-swertehin.. Ahihihi! Kaso sumpa lang 'tong kasama ko dito. Grabe! Makulit pa sa pinagsamang Joey at Justin!. Tanda mo si Sailor Moon sa Photo Expo?"
"Yup!"
"Kasama ko sya dito sa apartment! Ang ingaaayyyy! At may balak pa yata akong salisihan kay Dylan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/9503184-288-k580365.jpg)
BINABASA MO ANG
PICTURE PERFECT!
Romance"I am cursed! I am so dead!" Aspiring photographer Leandra Alcantara’s life was going from a nightmare to a real life horror! One, she is on the brink of loosing her job. Two, she is getting crazy broke! Then suddenly luck came on her side... When...