Chapter One: Dew Morning

81 4 10
                                    

"Ugh.. " Angil niya ng tumalsik iyong putik sa uniform niya maliit lang naman pero kahit na talsik pa rin iyon! Pinaghirapan niyang plantsahin tapos putik lang ang makikinabang?

Napatingala siya sa langit, madilim iyon at parang ayaw magpapasok ng sikat ng araw. Napa buntong hininga na lang siya.

Tumingin siya sa paligid, kaliwa't kanan, kanina pa siya nag aabang ng sasakyan paalis pero heto at nakatayo pa rin siya sa gilid ng kalsada.

Ganito talaga sa village nila hindi ganun karami ang masasakyan, meron naman van sa may kanto kaso ang tagal mapuno o kaya minsan ang tagal umalis kahit may mga sakay na. Nahiling niya na sana pagpalain na siya, gusto na niyang makasakay bago pa man bumuhos ung ulan, kung uulan man.

Medyo kakaiba naman kasi talaga ang panahon eh, di mo na malaman kung anu na ba talaga ang lagay nito sa mga susunod na araw. Kaya nga nag join siya sa environmental org to raise awareness to the public, help the world to be a better place.

Yumuko siya. Nag sisimula ng uminit ang ulo niya sa inip. Mainipin pa naman siya.

Beep. Beep.

Napatingala siya sa busina, tricycle pala. Natulala siya sa gulat kung sino ung driver. Kaklase ng kaibigan niya sa Engineering at..

Oh my gas. Totoo ba 'to? Mother Earth pinaglalaruan mo na naman ako, kahit ayoko, I have no choice kailangan kong makasakay na. Usal niya sa sarili.

Nahiling niya na sana sa may kanto na lang siya pumunta. Lumakad siya para sumakay sa backride, may sakay na kasi sa loob buti na lang naka pants siya ngayon at ndi skirt. Umandar agad ung trike pag sakay niya, sa gulat niya ay napayakap siya sa lalaki. Parang bolta boltaheng kuryente ang gumapang sa katawan niya sa pagkakasubsob niya sa likod nito, mukhang naramdaman din yata nito iyon dahil dinig niyang napasinghap ito. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap sabay hampas sa likod nito.

"Kainis aa, bigla kang naandar" angil niya rito ng makabawi.

Nararamdaman pa rin niya ang tigas at pag-flex ng muscles nito sa likod ng mapasubsob siya roon. Nag i-init ang pisngi niya sa iniisip at pinapawisan ng malamig kahit ang hangin hangin naman dahil sa pag andar nila. Tiningnan siya nito sa rear view mirror ng tricycle nito saka ngumiti ng bahagya. Lalung nag init ang pisngi niya, umiwas siya ng tingin, sa pakiwari niya ay nahihiya rin siguro ito sa nangyari.

Siomai. Those lips, perfectly curved wet lips.

Napa iling siya sa naisip alas syete pa lang ng umaga kung anu anu ng kamunduhan ang naiisip niya, una ung likod nito, ngayon naman ung labi. Seriously? Me and my brain. Ugh.

Alam niyang working student ito pero nagulat talaga siya na sideline na din nito ang pumasada at take note sa TODA pa ng lugar niya. Plus pogi points na naman ito sa mga diehard fans nito, baka dito pa lumipat sa lugar nila ang mga iyon para lang makasakay. Diyos ko mahaba habang byahe ata 'to aa. Usal niya sa sarili. Napapikit siya.

"Di ba ikaw si Cyanide?"

Napatingin siya sa reflection nito sa salamin gamit ang gulat niyang mukha. Panu niya nalaman pangalan ko? Siomai naman oh. Natatandaan pa niya ung moment naming dalawa nuon?

"Hindi." Sarcasm flowed in my mouth.

Tumawa ito ng bahagya sa kanya, iyong klase na naaaliw. Hayy. Ang sarap marinig ng tawa nito. Napansin yata nito ang gulat niya. Siniringan niya ito as her defense mechanism. Naiinis pa rin siya dahil sa awkward moment nila kanina.

"Sungit mo talaga." Ngumiti ito pag katapos niyang taliman ang tingin dito. "Kaibigan ako ni Axl. Remember? Pinakilala niya na ako sayo ng minsan magkasulubong tayo sa hallway." Dagdag pa nito.

Lips of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon