Naghihintay si Cyanide sa usual tambayan nilang magbabarkada, sa likod iyon ng school, mapuno at mahangin kaya swak talagang paglagian ng mga estudyanteng nagpapalipas oras. Medyo nasa dulong bahagi siya kaya kaunti lang ang tao. Mas trip niya iyon para di siya gaanung napapansin.
Ang tagal nila aa.
Sinipat niya ang relo, 5:30pm na pala kaya medyo madilim na, 10 mins na siyang nag aantay, naiinis talaga siya kapag naghihintay. Kanina pa nagtext si Klyed na papunta na hanggang ngayon ay wala pa. Si Kia at Aika naman ay maya-maya ang tapos ng klase kaya ligtas sa pag ka aburido niya. Si Klyed lang talaga ang lagot.
"Aaah." Narinig niyang may dumaing mula sa likod ng makapal na linya ng maliliit na halaman.
Sinukbit niya kaagad ang kanyang body bag at tinungo ang lugar na pinanggalingan ng boses. Nagdahan dahan siya ng lakad dahil baka matisod siya ma ugat pa naman ang malaking puno na lumilimlim sa tambayan nila.
"May tao ba dyan?" Lakas loob niyang tanung. "Kung hindi ka tao 'wag ka mantrip aa." Dagdag niya pa. Naniniwala siya na bukod sa mga tao at hayop may iba pang nilalang sa mundo.
Walang sumagot kaya medyo kinabahan siya. Nyaay. Baka hindi tao yun.
Muling sinipat niya ang paligid. Saan kaya galing ang ungol na yun? Napakamot ulo siya. Ito na naman siya tinatakot ang sarili."Tulong.." Napalingon siya at nakita niya kung saan nanggaling ang pagsaklolo kahit medyo lukot ang mukha nito, malakas pa rin ang hatak nito sa kanya kaya agad siyang lumapit. Sapo nito ang kanang braso habang nakaupo at nakasandig ang likod sa katawan ng puno. Naka school uniform pants ito na black at white t-shirt na pantaas.
I really can't helpt it, lahat napapansin ko sa kanya.
Lumuhod siya sa tabi nito. "Anung nangyari sayo? Nagpapakamatay ka ba?" Tanung niya kay Ygie habang sinisipat niya ang braso nito. Iniwasan niyang tumingin sa mukha nito lalu na sa mga mata nito. "Well, hindi effective kasi buhay ka pa."
"Nahulog ako mula doon." Bahagya nitong inangat ang kaliwang hintuturo para imwestra ang sanga sa taas nilang dalawa. Tumingala siya, mababa lang iyon pero kung nagkataon na hindi ito maliksi, panigurado hindi lang sugat sa kanang braso ang inabot nito. "Grabe naman sa nagpapakamatay." Narinig niyang tumawa ito ng bahagya kaya di niya napigilan ang sarili at tiningnan na ang gwapo nitong mukha.
May naramdaman siyang pagkayamot, nagagawa pa nitong tumawa, panu kung namali ang bagsak nito? Tss.. "Bakit ka kasi umakyat, di ka pala magaling." Angil niya rito sabay irap. "Sa susunod kapag mahuhulog ka yung walang ibang tao na makakakita kundi ikaw lang."
"Masungit ka talaga," nagrereklamo ba ito? Bakit parang ang baba naman ng intonasyon ng boses nito, parang, parang naglalambing.. Nainis siya isiping ganun nga kaya tinulak niya ito. Bigla naman itong dumaing sa sakit dahil ang disgrasyadong braso pala nito 'ung nadali niya. Agad naman siyang nagsisi sa nagawa.
"Sorry." Tumitig siya sa mga mata nito tapos sa wet lips nito. Siomai talaga ohh. Stop disturbing me!
"Simula pa noon, hanggang ngayon walang pinagbago, nakaka-distract ka parin." Agad uminit ang pisngi niya sa sinabi nito. Parang naghihimutok ito na bata habang naka nguso.
Noon daw! Noon! Natatandaan nga niya ang library moment naming dalawa! Sh*t! Kumpirmado. Wala sa loob na napangiti siya at least 'di naman pala siya nakalimutan nito. Pinalis kaagad niya iyon bago pa man ito muling lumingon sa kanya.
Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita ng 'di siya umimik. "Patayo na ako sa sanga ng makita kitang nakaupo, I lost my balance kaya nahulog ako, pero sa tingin ko hindi lang yata balance ko ang nawala.." binitin nito sa ere ang sinasabi at tinitigan lang siya na parang nasa mga mata nito ang gusto nitong sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel
RomanceGod. Family. Friends. & him? Cyanide Montes met Ygie Ilustre for the first time. Napatunga-nga siya ng makita ito, he was so damn good looking, has great physique, and have a very yummy wet lips, nakadag-dag pa sa pagkabangag niya rito ay ng malama...