Chapter Seven - Prod

4 0 0
                                    

"Anu guys? Sali na tayo sa sa production number?" Tanung ni Kia kina Klyed at Aika, ignoring Cyanide dahil hindi naman siya sumasali sa kahit anung may kinalaman sa crowd and people.

Nasa oval field sila at nakapaikot habang nakasalampak sa damuhan na may latag na manipis na tela. Pareho-pareho silang wala ng klase kaya ito nakatambay na lang. Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw dahil hapon na iyon.

"Anu naman ang gagawin natin?" Ani ni Aika.

"Sexy Bunny and Friends." Nagniningning sa pagkislap ng kalokohan ang mga mata ni Kia.

"What?!?" Bayolenteng reaksyon ni Aika. "Di ba one piece lang ang isusuot kapag ganuon? Ayoko." Eksahereda pang iling nito pagkatapos umalma.

"Come on, Aiks." Suyo ni Kia sa nakangusong si Aika. Binalingan nito si Klyed na kanina pa walang imik habang nakatunganga sa pagtetext. "Klyed? Hello?"

"Huh?" Gulat na napaangat si Klyed ng tingin sa kanila ni Kia. "Yeah, sure, sure. Any concept or costume in ako." Walang atubiling sabi nito bago nagbalik sa pag kuting ting ng cellphone.

"Anu? Grabe. Akala ko pa naman may karamay ako sa pag-ayaw." Himutok ni Aika na ikinatawa ni Kia. May sarili ng mundo si Klyed kaya hindi niya pinapansin ang pagtatalo ng dalawa.

Napakunot-noo siya. Sino kaya ang katext ni Klyed? Saka na lang niya ito tatanungin may kailangan muna siyang sabihin kay Kia.

"I want to join."

Lumingon si Kia sa kanya, tumigil naman sa pakikipag talo si Aika at napabaling ang pansin ni Klyed sa kanya mula sa cellphone nito.

"Totoo, sasali ka na?" Muli kuminang ang mga mata ni Kia.

"What? Bakit? Anu papayag ka sa costume natin kung sakali?" Paghihimutok pa rin ni Aika.

"May problema ka ba, Cyanide?" Ani ni Klyed.

Sa sunod sunod nilang tanung mukhang si Klyed lang ang nakasapul ng totoo niyang nararamdaman pero ayaw niyang makadagdag isipin pa sa mga kaibigan kaya sasaralinin na lang niya ang dahilan ng biglaan niyang pagsali sa kalokohan ng mga ito. She want to change some feelings and in order to do that she have to start anew.

Tumawa siya para itago ang tunay na iniisip niya. "Wala akong problema, Klyed. I just want to experience new things at syempre para kumpleto tayo magperform di ba."

Namilog ang mga mata ni Kia. "Yes! Oh my Gosh. May naiisip na akong Choreo para sa sayaw natin at syempre may kanta na yun kasi kasali na si Cyanide. OMG! I can't wait sa magiging kalalabasan ng prod natin." Bawat sentence yata ni Kia ay may pagtili. Natatawa na lang silang lahat sa reaksyon nito. May kinuha itong ballpen at notebook sa bag. "I have to take down some notes, baka mawalang bigla sayang ang gaganda pa naman." Paliwanag ni Kia bago ito nag sarili ng mundo sa kakasulat sa notebook nito.

"Hayy naku. Basta ung costume aa hindi masagwa." Hinaing pa rin ni Aika.

Tinawanan niya si Aika samantalang si Klyed ay nanatiling nakatingin sa kanya. Wala na ba itong katext? Tinaasan niya ito ng kilay. "What?"

"Nothing." Ani ni Klyed.

"Stop over thinking, Klyed." Tumango ito bilang pag sang-ayon. Mukhang nakuntento na sa sagot niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon may pagka pulis pa naman mag-isip si Klyed.

Pauwi na silang apat at tinatahak ang daan ng corridor palabas ng gate ng namataan ni Kia si Ms. Ramora. Tinawag nito ang pansin ng guro ng magkalapit ang distansya ng mga ito.

"Yes, Ms. Espinosa?" Pormal na bati Ms. Ramora kay Kia habang nililibot nito ng tingin ang grupo nila.

"Ah Miss, may nabago sa prod namin para sa halloween party ng SLA. Kasama na si Cyanide." Ani ni Kia sabay turo sa direksyon niya. Si Ms. Ramora kasi ang OIC ng party ng school.

Lips of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon