Chapter Eight - Cold Sweats

3 0 0
                                    

Nasa veranda si Cyanide ng mansion nila Klyed at nagpapahangin dito siya dinala ng nag-iinarte niyang damdamin. Tinanggal niya ang kanyang top at tanging sports bra na lang ang sinuot para mapreskuhan. Grabe pawis na pawis pala siya. Pinunasan niya kanyang leeg at braso gamit ang hinubad niyang top, sinampay niya ito pagkatapos.

"What the?!?" Asik niya ng may humawak sa kaliwang braso niya at pinihit siya paharap. Nanlaki ang mga mata niya sa lapit ni Ygie sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

Bumaba ang mata nito sa dibdid niya. Her cleavage is showing. May nakita siyang pagkislap sa mga mata nito na agad din napalitan ng galit. May nakita ba siya o guni-guni lang yun?

"Mainit ee." Pabalang niyang sagot. "Bakit mo ba ako sinusundan?" Tinulak niya ito gamit ang dalawang kamay. Sumunod naman ito at naglagay ng distansya sa pagitan nila.

"Iwas ka kasi ng iwas!" Bahagyang tumaas ang boses nito na ikinagulat niya. Tinawid nito ang distansya nilang dalawa kaya napahakabang siya paurong halos hindi na siya makahinga sa kaba. "Your avoiding me again, Cyanide. Akala ko," Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya kaya halos mapapikit na siya, iniwasan niya ang titig nito. "Akala ko sa wakas napasok ko na ang teritoryo mo pero wala trespassing pa rin pala ako."

Ikinulong siya nito gamit ang dalawang braso na nakatukod sa pader na hanggang bewang lang ang taas. Ramdam niya ang malamig na semento sa likod niya. Hinuli nito ang mata niya at mataman siyang tinitigan ni Ygie na parang inaarok kung anu ba ang nasa isipan niya.

Hindi pa rin siya makasagot dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Being this close to him is so toxic, and power draining. His eyes, the way he gaze at her makes her knees feels like jellies.

"I let you avoid me before because your young."

Patay, alam pala niya. Obvious naman kasi ung ibang pag iwas niya sa lalaki."So, alam mo na iniiwasan kita this past years?"

"Oo." Pagod nitong sagot. "Lage kasi kitang pinagmamasdan."

"Lage?" Bakit kinikilig ako? Di ba galit ako? Bakit ba ako galit?

"Lage." Inipit nito ang tumakas na buhok niya sa kaliwang tenga bago ngumiti ng bahagya at masuyo siyang tinitigan. "Kinasanayan mo na yata akong iwasan, kaya ang dali dali para sayo na isantabi ako." Dama niya ang pait sa boses nito. Hindi niya magawang tingnan si Ygie, hindi niya alam ang dapat isipin sa mga sandaling ito. Natameme na naman siya.

"Matagal kitang hindi nakita tapos madadatnan kitang ganyan ang suot sa harap ng mga lalaking yun." Muli nitong hinagod ng tingin ang katawan niya.

Napalunok siya sa bolta boltaheng kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya sa titig ni Ygie sa kanya. Kanina pa ito nagsasalita pero hindi niya ito maintindihan. Ang tanging nasa isip niya ay ang mainit nitong katawan na halos ga ruler na lang ang layo sa kanya at ang labi nito na pulang pula. Hindi na siya makahinga sa kaba.

"Cyanide, nakikinig ka ba?" Pukaw nito sa kanya.

Inalis niya ang tingin sa labi nito at tumingin sa mukha nitong napa ka gwapo. F*ck this! "Oo ."

"Your not listening."

"Ang lapit mo kasi masyado." Oh Gosh! She can't really control her mouth. Parang inamin na rin niya ang epekto nito sa kanya.

Sumilay ang pilyo nitong ngiti ng maintindihan ang sinabi niya. Inilapit nito ang sarili sa kanya. Nararamdaman niya ang lamig ng semento sa likod niya pero napapawi iyon dahil sa init ng katawan nito. Gumagapang ang kuryente sa bawat parte ng katawan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lips of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon