"It's really good to hear your voice saying my name it's sound so sweet coming from the lips of an angel----"
Napabalikwas si Cyanide ng bangon sa kama ng marinig ang ringtone niya, hinagilap niya ang phone ngunit bago pa man niya masagot ang tawag ay naputol na.
Kainis aa abala sa pagtulog.
Nilagay niya muna ang phone sa ilalim ng unan bago sinipat ang relo sa bed side table habang naniningkit ang mga mata sa antok, namumula ang mga numero nun sa dilim
"1 am pa lang?" Himutok niya sa sarili. Mamaya pang 9am ang pasok niya. Napabalik siya sa paghiga, kinuha niyang muli ang phone at tiningnan kung sino ang tumawag, bahagya pa siyang nasilaw ng lumiwanag ung screen. Half open ung mga mata niya habang ina-unlock ung phone, number lang ang nakaregister doon, napakunot-noo siya, "Sino kaya to?" Pinagkibit balikat niya iyon, kung importante naman tatawag ulit kung sino man 'yun.
Inipit niya ulit sa ilalim ng unan ang phone niya.
Umayos siya ng paghiga bago nangunyapit sa comforter dahil sa lamig, ng makaramdam na ng init ay mapayapa na siya napapikit kapag kwan ay nakatulog ng muli.
Nasa loob si Cyanide ng library, maghahanap ng babasahing libro, first time niyang makapunta dito at excited siyang makahanap ng magandang babasahin. Panay ang sipat niya sa mga libro sa bookshelves. Kung may makakakita lang sa kanya malamang iisipin ng mga ito na baliw siya, panay kasi ang ngiti niya habang pinapasadahan ng tingin ang mga libro. She love books, para kasing napupunta siya sa ibang dimensyon kapag nagbabasa siya, nakakalimutan niya ang oras, lugar at panahon kapag sobrang naho-hook siya sa librong binabasa.
Napalingon siya sa kanan ng mahagip ng mata niya ang isang tao, matangkad ito kahit nakaupo ay pansin niya iyon dahil sa mahabang mga binti nito, moreno ang balat, napadako ang tingin niya sa mukha nito. Kahit naka side view ito mula sa direksyon niya ay kapansin pansin ang malamlam nitong mga mata na may mahahabang pilikmata samahan pa ng kilay nitong kahit makapal ay bumagay rito. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon, kapag tinitigan siya nito baka mahigop nito ang katinuan niya. Baka pag tinanong siya nito kung nais niyang mag ka-anak sila pumayag siya kaagad. Nakakatakot ang epekto nito sa kanya.
Siomai naman oh, nasaan ang hustisya bakit ang gwapo niya? At bakit ko ba siya tinititigan ng ganito? Palatak niya sa sarili habang pinagmamasdan pa rin niya ito, napadako ang tingin niya sa labi nito. Mamula mula iyon at parang basa. Aba, aba si pogi ay may wet lips. Napakagat labi siya sa naisip. Kahinaan niya ang ganuong klase ng labi ng lakaki. Napapikit na lang siya sa kamunduhang iniisip kailangan niyang huminahon, kumalma, dahil baka rape-in niya ito, pero parang di naman siya natutuwa sa iniisip niya, grabe talaga ang epekto ng testosterone nito sa estrogen niya, pinagkakanulo siya!
Pagdilat niya ay nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatingin ito sa direksyon niya. Dali-dali siyang bumalik sa ginagawang paghahanap ng libro at basta na lang kumuha ng kahit anu doon buti hindi niya nabitawan ang libro kahit nanginginig na ang buong kalamnan niya. Hindi niya inakala na mayroong lalaki na magbibigay sa kanya ng ganitong epekto at hindi niya kinakaya iyon.
Pasimpleng sumilip siya. Sinasaway niya ang kanyang sarili habang ginagawa iyon but she can't help it, anung laban niya sa sariling katawan kung ipinagkakanulo siya ng mga voluntary muscles niya? Wala na si pogi sa kinauupuan nito kanina, tanging buklat na lamang na mga libro ang naroon. Nagpalinga-linga siya, silip doon, silip dito.
"Ako ba hinahanap mo, Miss?"
Napaiktad siya ng may biglang magsalita sa tabi niya, bumaling siya sa pakaliwa, dahan-dahan lang baka pag binigla niya ang sarili mamatay siya sa kilig. What kind of cause of death is that baka walang pumunta sa lamay at libing niya. Nagtama ang mga mata nila. Her heart started to race fast, loud and clear, nararamdaman niyang buhay na buhay ang mga veins at arteries niya sa bilis ng blood circulation doon. Oh my! Si pogi! Ang tangkad pala talaga nito, hanggang balikat lang siya. Cyanide umayos ka, 'wag kang papahalata na naapektuhan ka sa presensya ng poging yan. Ani sa sarili.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel
RomanceGod. Family. Friends. & him? Cyanide Montes met Ygie Ilustre for the first time. Napatunga-nga siya ng makita ito, he was so damn good looking, has great physique, and have a very yummy wet lips, nakadag-dag pa sa pagkabangag niya rito ay ng malama...