Chapter Six - Beyond

4 0 0
                                    

"Cyanide, ikaw na ang bahala sa charting ng percentage of investments ha? Ako na sa Assets, Debts and Credits topics."

Tumango siya bilang pag sang ayon sa sinabi ni Gail. Ang partner niya sa isang major subjects nila. Nakahinga siya ng maluwag dahil ito ang nabunot niyang partner, noong midterm kasi si Lanie ang nakasama niya, tamad at walang kusa, kaya ang ending siya lahat ang gumawa ng reporting nila. Terror pa naman ang prof nila sa subject na 'to kaya pinagbubutihan niya talaga para ngayong finals maganda pa rin ang standing ng grades niya.

Ngumiti siya habang inaayos ang laptop sa kanyang body bag habang nakaupo pa sa upuan, tiningala niya ito bago nagsalita. "Gail, send ko na lang sa email mo ha pag natapos ko na tapos mag practice reporting tayo through skype."

Tumango-tango si Gail tapos ay ngumiti. "Buti na lang tayo ang magkapartner ngayong finals, Cyanide."

Mukhang pareho pala sila ng iniisip ni Gail. Tumawa siya ng bahagya bago nagsalita. Wala siyang pakialam kung naririnig sila ng mga kaklase nila. The hell with them. "Oo nga. Ang hirap ng may kapartner na linta. They just sucked the blood and get away with it. Tss."

Nakita niyang tumalim ang mga mata ni Lanie ng mapatingin siya sa direksyon nito. Kasama nito sa isang sulok ng room ang mga minions nito. Tinaasan niya ito ng kilay. Kakatapos lang ng klase nila at heto nagchi-chismisan ang mga ito imbes na kumain ng tanghalian.

Tumawa lang si Gail sa sinabi niya. "Ikaw talaga ang tapang tapang mo." Pabulong nitong sinabi. Takot siguro itong may makarinig sa pag sang ayon nito sa kanya. "Pero tama ka." Dagdag nito ng tumayo siya at magkatabi sila.

Nagagandahan talaga siya kay Gail. Kinaiingitan niya ang ganda ng natural napagkakakulot ng buhok nito. Bagsak kasi ang buhok niya.

Ngiti lang ang sinagot niya sa sinabi nito pagkatapos ay naglakad na palabas ng classroom. Tanghali na at kailangan na niyang kumain. Nilingon niya si Gail akala niya sumunod ito sa kanya. "Lika na, kain tayo."

Nanlaki ang mga mata nito pero agad tumalima sa sinabi niya. Naiintindihan niya ang reaksyon nito, hindi kasi talaga niya kinakausap ang mga kaklase niya unless tungkol sa school stuff. Never siyang naki hang out sa mga ito kahit anung yaya sa kanya. Alam niyang napagod na ang mga ito na makipag kaibigan sa kanya. Masaya na kasi talaga siya kasama ang mga bestfriends niya pero napagdesisyunan niyang lumabas na sa kanyang comfort zone. She needs to be outrageous and adventurous. Make new friends and create new memories para hindi na siya nababaliw kakaisip lang sa isang tao. Kailangan may mabago sa kanya, baka sakaling mabago ang nararamdaman niya para sa taong 'yun.

"I can't imagine na aayain mo ako mag lunch." Kinikilig na sabi ni Gail habang naglalakad sila sa corridor papunta sa canteen.

"Sorry sa pagiging snob ko."

Umangkla ito sa braso niya. Mas matangkad siya rito hanggang tenga niya lang ito. Natatawa siya ang bilis gumaan ng loob nito sa kanya. Ganuon din naman siya rito. Mukha itong masarap kasama.

"Asus. Wala na iyon. Tatanggi pa ba ako eh isang Cyanide Montes na ang finally nakipagkaibigan na sa akin." Ani ni Gail.

"Tss." She hissed.

"Sikat na sikat kasi kayo ng mga bestfriends mo. Matatalino na, magaganda at talented pa." Kitang kita niya ang paghanga sa mga mata ni Gail habang nakangiti ito.

Tinawanan niya lang ang papuri nito. "Akala niyo lang yun, mga baliw talaga kami sa totoong buhay."

Naglakad sila papasok sa canteen. Maraming mata ang sumusunod sa kanila habang papunta sila sa counter. The hell. Ayaw niya talaga ng tinitingnan siya.

Lips of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon