"What?!?"
Duet ng tatlo pagkatapos ikwento ni Cyanide ang nangyari sa tambayan bago dumating si Klyed kanina.
"I mean, anu bang ginawa mo para gawin niya yun sayo?" Paliwanag ni Klyed sa reaksyon nito tapos inayos ang salamin nito sa mata. Kitang kita niya ang curiosidad na kumikinang sa mga mata nito.
"Wala. Nag-exist lang ako." Sarcasm flowed in her mouth. Hindi nga niya alam kung bakit ee kailangan pa niyang mag-isip ng dahilan. Arggh. I hate this feeling.
Nasa coffee shop sila malapit sa school kung saan paborito nilang tumambay bago umuwi. At least once a week ay nandito sila para mag unwind at magtsismisan hindi naman kasi pare-pareho ang mga kurso nila kaya bihira talaga silang magkita sa school. Nakapaikot sila sa pang apatang mesa sa labas ng coffee shop. Katapat niya si Kia, sa kanan niya si Aika at sa kaliwa naman ay si Klyed. Maya't-maya niyang napapansin na panay ang tingin ng mga tao sa kanila, apat na magagandang babae nga naman ang nakikita ng mga ito, bakit 'di mapapatingin? At isa pa ubod sila ng ingay!
"Ganda mo 'te!" Pang asar ni Kia sa kanya sabay tawa. "Wala ka pang ginagawa naakit na sayo panu pa kung--- aray aa!" Di nito natuloy ang sinasabi dahil hinampas na ito ni Klyed sa braso.
"Panay ka ganyan." Ani ni Klyed kay Kia. Tumawa lang ang huli sa pagsita sa kanya.
"Tss. Ikaw talaga. Alam kung 'yan talaga ang iisipin mo." Ani nya kay Kia.
Kia is a wild beast in a manner, ayaw nito ng mabagal na buhay, record breaking ang dami ng mga naka date nito. Pang beauty queen kasi ang dating nito, 5'8" ang height, morena ang kulay ng balat, bilog na bilog ang natural brown color nitong mga mata na pinaresan ng malantik na pilik matang nakapalibot roon, naka- korteng arko ang kilay, matangos ang ilong at may maliit pero makapal na labi. Bumagay pa sa kurba ng katawan nito ang mahabang brownish black na buhok nito.
"Ang laki kasi ng misc. fees namin this semester, kaya siguro kahit pag pasada ay pinasok na ni Ygie." Bigla sabi ni Aika, may pagkumbinsi pa siyang nakita sa pagtango nito. Nasabi kasi niya sa mga kaibigan na nasakyan niya ang tricycle nito noong nakaraang araw.
Oo nga pala, senior ni Aika si Ygie. Naisip niyang bigla.
Parehas kasing Civil Engineering ang course nitong si Aika at nung kumag na yun.
Aika is such a sweet girl. May pag ka boyish lang dahil bunso ito, may tatlong kuya ito na puro gwapo, gwapo din naman ang kuya Xenon niya, kaso iba siguro yung feeling kapag tatlo silang kuya mo na puro gwapo. As in. Halos mamatay yata sila sa kilig nila Klyed at Kia ng ipakilala sila ni Aika sa mga kuya nito. Tili sila ng tili. Napailing siya sa biglang naalala, lumabas ang pagiging fan girl nila ng araw na iyon. Laging nakapusod ang buhok nitong kulot pero bumagay naman iyon dito, kung ganun nga lang ang buhok niya lagi yung nakalugay, pang salon kasi ang kulot nito, Sexy curls ang term na ginamit ni Kia.
"Masarap ba siya humalik Cy? Dapat gumanti ka." Tuwang tuwa pa si Kia, sabay hampas sa mesa. Nakakatakot talaga to kiligin.
"It was okay." Actually. It was a mind blowing kiss. Pero hindi niya iyon sasabihin dahil ayaw na niyang ma-hot seat ng mga ito.
Sa kanilang apat, si Kia lang ang may boyfriend. Di nga lang nila alam kung iyong pinakilala nito nung nakaraang linggo ay iyon pa rin ang dini date nito. Such a play girl.
"Dapat sinuntok mo siya imbes na sampal lang." Naasar na wika ni Aika, umandar na naman ang pagiging lalaki nito.
"Guys, patay na patay si Cy doon nu, " She glared at Klyed dahil sa sinabi nito. Napataas ito ng kamay habang tumatawa. "Woah.. may gusto ka naman talaga doon di ba?" Tukoy nito kay Ygie.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel
RomanceGod. Family. Friends. & him? Cyanide Montes met Ygie Ilustre for the first time. Napatunga-nga siya ng makita ito, he was so damn good looking, has great physique, and have a very yummy wet lips, nakadag-dag pa sa pagkabangag niya rito ay ng malama...