Wala na ang imahe ng sasakyan nila Klyed pero nakapako pa rin ang mga mata ni Cyanide sa kalsada. She feels empty. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kung bakit ba binabagabag siya ng tingin ni Ygie sa kanya. Hindi naman ito ang unang tao na tumingin sa kanya ng galit, actually, marami ang may ayaw sa kanya, kalimitan mga babae na natatarayan at nasusungitan sa ugali niya at may iilang lalaki na nabasted niya bago pa man maka porma sa kanya pero hindi man lang siya kailanman nag isip ng ganito dahil lang may taong galit sa kanya! Ughh.
Napaupo siya gilid ng kalsada. Maliwanag ang daan dahil sa mga poste ng ilaw kaya hindi siya natatakot. May mangilan-ngilan ring sasakyang dumaraan na nagbibigay ilaw sa kalsada.
This was the same spot kung saan ako nasakay ni Ygie noong isang araw. Napabuntong hininga siya sa naisip. Dapat tigilan na niya ang pag-iisip sa lalaking 'yun hindi naman nakakabuti sa kanya.
Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap siya sa sarili niya, hindi sapat ang school blouse at pants niya para labanan ang lamig at masyadong abala ang isip niya para intindihin ang lamig.
"Ahem."
Gulat na napalingon siya sa kanyang tabi ng biglang may tumikhim. Napatingin siya sa tapat niya, hindi niya napansin na may tumigil na tricycle sa harapan niya. Hindi rin niya napansin na may umupo sa tabi niya. Anu ba ang nangyayari sa kanya?
"Gabi na. Bakit nandito ka pa?" Puno ng pag-aalala ang nahimigan niya sa boses nito.
Parang yelong natunaw ang pader sa puso niya dahil sa boses nito. Napatitig siya kay Ygie. His eyes met her.
I think I am falling for you. Fast & deep.
Na-realize niya iyon ng magtagpo ang mga mata nila. Wala na. Wala na siyang magagawa para pigilan pa. She can't control her feelings anymore. Gusto niyang maiyak. Wala siya sa comfort zone niya and its driving her crazy. Hindi niya alam ang gagawin. Paano ba ito nangyari? Umiwas naman siya, bakit nagkakaganito pa rin ang puso niya?
"Are you okay, Cyanide?"
Parang tinig ng anghel ang pagsambit nito sa pangalan niya. Parang napakaganda ng pangalan niya sa kanyang pandinig. Tumango siya at umiwas ng tingin. Mas magandang tingnan ang kawalan kaysa sa mga mata nito, mas kaya niyang mag-isip.
Posible ba talagang mahulog agad ng ganito sa isang tao? Iyon ang iniisip niya habang nakatulala sa kawalan.
Silence filled the empty air. Di na ito nagsalita, wala rin siyang balak na kausapin ito. Mahirap na baka mapaamin pa siya.
I really can't believe na nandito siya sa tabi ko!
"I'm sorry."
"Huh?" Tiningnan niya ito. Guni-guni niya lang ba na nagsalita si Ygie dahil nakatingin lang ito sa kalsada. "Para saan?" Nakuhang niyang itanung ng matauhan.
"Para sa pagiging bastos at sira ulo ko." Sabi nito sabay baling ng tingin sa kanya. Her heart skipped a beat. Those eyes. Kinakabahan siya. Hindi na yata siya masasanay sa epekto ng mga matang iyon sa kanya, nangungusap at tila ba napakalamlam. Shit. Parang lalu itong naging kaakit akit.
Ayos lang! Kung ganyan ba naman ka-gwapo ang sira ulo at bastos. Shit. Willing ako. Pinilig niya ang kanyang ulo. Anu ba ang pinag-iisip niya? Nag-angat siya ng tingin at ngumiti ng matamis. Gusto niyang pigilan ang ngiting iyon kaso ang katawan niyang traydor ay tinuruan maging involuntary muscle ang kanyang labi! "Apology accepted." Agad niyang sagot. Kung para iyon sa panghahalik nito sa kanya kanina, ayos lang talaga. Parang may kung anu ang kumurot sa puso niya sa isipin na wala lang dito ang halik na iyon. Shit. This is crazy. Kinalma niya ang sarili.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel
RomanceGod. Family. Friends. & him? Cyanide Montes met Ygie Ilustre for the first time. Napatunga-nga siya ng makita ito, he was so damn good looking, has great physique, and have a very yummy wet lips, nakadag-dag pa sa pagkabangag niya rito ay ng malama...