Chapter 1: Fame and Fortune

432 5 1
                                    

CHAPTER 1

Kendall is an epitome of a highschool student that everyone in Pablo Garcia National Highschool looks up to. She's the number 1  top student in class, the reigning Miss PCNH 2012 and captain of the school's volleyball team. To put it simply, PCNH is her territory. Ever since she started studying in this school, her era began. Until...

 (see Kendall's photo on the side)

"Ma, alis na ako ha. Ayokong malate sa school. First day pa naman" say ko sa mother ko.

"Sige K, ingat ka lageh ha."

"Yes, Ma. Bye!"

Umalis na ako ng bahay namin papuntang eskinita ng namataan ko si Manong Karding. Siya lang naman ang aking suking tricycle driver na laging humahatid sa akin papuntang school. Medyo malayo-layo rin naman ang eskwelahan mula sa aming bahay. 

It's already 7:30 am na. Mga sampung minuto rin lang naman ang biyahe kaya okay lang. Marami pa akong oras kung tutuusin. Syempre naman, model student ako. Part na yun ng record ko ang pagiging most punctual kahit na ba wala ng nagbibigay ng award na iyan. Sayang, pandagdag sana mga ribbons ko.HAHAHA.

"Manong Karding! Pasakay!" tawag ko kay Manong.

"Oh K, halika.

Sinimulan na naming babayin ni Manong Karding ang daan papuntang eskwelahan. Para ko na ring tatay-tatayan itong taong to. Kaya walang umagang pinalalampas na walang masabi o masumbat sa akin. Pero okay lang. Lumaki naman akong walang tatay sa buhay. Isa lang din si Manong Karding sa mga taong tinuturing kong ama.

"Naku na bata ka, ang aga aga mo pa rin. Kakasimula pa lang ng eskwela ah. Diba di naman talaga magsisimula yung klase sa unang araw. Ano naman ang gagawin mo dun sa eskwelahan sa ganitong kaaga? say ni Manong Karding.

"Manong naman, syempre mabuti na yung maaga kaysa late diba? At tsaka excited na akong makita yung mga kaklase ko. O di naman kaya makatulong sa mga teachers namin sa pag-oorganize. Yung mga ganong bagay" 

"Palusot ka pa. Eh ikaw itong nangunguna sa eskwelahang iyan. Ayaw mo lang na merong makakuha sa korona mo! Wala ka talagang pinalalampas! Ikaw na!

"Hay naku Manong Karding, kahit kelan pakialamero ka talaga sa buhay ko! 

"Asus! Eh ako lang tong nag-aalala sa iyo. Hindi mo na naeenjoy ang pagiging bata sa kakaisip tungkol sa mga rankings na iyan! Wala ka talagang nalalaman sa buhay. Matatapos ka na lamang ng highschool, hindi ka pa rin nagkakanobyo!

"Eh sa wala ngang nanliligaw eh. At tsaka babae ako noh. Alangan naman akong manguna para lamang magkanobyo. Hindi ko na kasalanan yung magaling ako kaysa sa mga lalaki sa eskwelahan namin!

"Yun nga nga. Walang lumalapit sa iyo kasi ang hirap mong maabot!

"Haler! Manong! As if naman ang yaman-yaman natin sa buhay!

"Ikaw talaga kahit kelan pilosopa!

You're In My Territory, So Back Off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon