CHAPTER 5
(Kendall's POV)
"AaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhH"
Gulong-gulo na talaga ang isip ko ngayon. Gusto kong umiyak na tumawa na ewan....over the bakod na ang mga nangyayari today. Tapos malalaman ko pang hindi basta-bastang tao ang kinalaban ko. End of the world ko na ba toh? Para naman kasing maimpluwensiya ang apat na matang taong iyon. Asar!!!
Ah, bahala na si batman.............hihingi nalang ako ng tawad bukas.
.....................
"K!" tawag sa akin ni Mama.
"Alis na ako Ma."
"Okay ka na?"
"Oo naman."
"Ingat ka"
"Opo, bye"
Second day of school...
Kaya ko toh, bahala na kung anong sasabihin nila about me. Wala naman masyadong mawawala sa akin. Ah, baka bababa lang ng konti ang aking popularity poll rate?!AHAHAHAKidding!!!
"Oh K, andito ka na pala. Good morning!" bati sa akin ni sporty friend no.1
"Oo nga eh. Good morning din." wala na, wala na akong maibubugang confidence....
"Ah, dun tayo sa may manggahan mamaya. Dun ang klase natin. Andun na rin yung ibang kaklase natin"
"Talaga? Sige sabay na tayo."
Wala na nga yung classroom namin. Sa may manggahan pa kami ngayon. Ganito na ba talaga ang feeling ng powelessness....
Pero I'm still wondering pa rin kung anong dulot meron ang mga bagong saltang iyon at naging ganito ang kinalabasan....Unforgettable talaga iyong kahapon. Kakahiya talaga. Kahit papano naman ay walang masyadong nag-usisa sa akin tungkol sa nangyari kahapon. Hindi ko pa rin nakakausap si Teacher Ben.
"Hoy, Miss Rated K!"
Hayy, pinkakikilala ko nga pala tong isang kaklase ko. Si Alessandra Di Magiba! WAHAHAHA...Eh sa carpenter ang tatay niya kaya iyan ang tawag namin sa kanya. Pero kidding aside ang true name niya ay Alessandra Rivera. Alex for short. Ano naman kaya ang kailangan nito sa akin? Hindi po siya kasali sa mga brainy, sporty or sa beauty friends ko mga pipz!...
"Alex, bakit?"
"Sisingilin ko lang sana ang bayad doon sa giniba mong upuan kahapon. Si Tatay ang gumawa."
"Ano?!.................naman oh. Tsk, nakalibre na sana ako kay Manong Karding...
"Oo, si Tatay ko ang umayos noon. Kaya bigay mo na ang bayad sa akin."
"Magkano bah?!'
"Two hundred pesos!"
"Ano? Ganun ka mahal?Hindi naman ganun ka sira iyon ah tsaka hindi rin ganun ka mahal ang presyo ng pako ngayon."
"Hindi mo alam kung magkano na ang labor ngayon? Tsaka urgent nga ang pagkaayos non! Kung sa iba mo pa iyon pinaayos, mas malaki pa ang sisingilin nila para doon!"
Kahit kelan babaeng amazona talaga. Bwisit naman toh, kokonti na nga tong pera sa buhay. Ha! Makasagot nga ng konti!!
"Bakit naman ang tatay mo ang gumawa? Kukunin ko nga sana iyong sirang upuan ngayon para ipaayos sa iba."
"Eh nagawa na nga ni Tatay. Kaya akin na ang bayad. Bilis!"
"Fishy naman ata toh, Alex. Bilis mo ring kumuha ng chance na magkapera. Wala akong maibabayad sa iyo. Alam mo naman na salat rin kami. Kaya nga hindi nga ako kumuha ng karpentero para ipaayos yun."
BINABASA MO ANG
You're In My Territory, So Back Off!
Teen FictionKendall is an epitome of a highschool student that everyone in Pablo Garcia National Highschool looks up to. She's the number 1 top student in class, the reigning Miss PCNH 2012 and captain of the school's volleyball team. To put it simply, PCNH is...