CHAPTER 15
(Kendall's POV)
Ang init.
Eksaktong alas dose na ng tanghali. Lunch time na. Hindi pa ako kumakain. Wala rin naman ako sa mood kumain ngayon sapagkat kaninang umaga pa lang na bad trip na ako.
Kung sabagay, hindi rin naman ito magtatagal. Kaya kong tiisin ang gutom matapos lamang ang larong ito.
Nasa quadrangle na kami ngayon at nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw. Kasama ko na rin ang grupo kong lalaban sa grupo ni Morris.
Nakaset-up na lahat. Kung akalain mo nga naman, parang maglalaro talaga kami ng volleyball.
Hindi lamang ang grupo ko ang nandito ngayon. Halos lahat ng student body ay present. Hindi rin naman kalakihan ang paraalang ito kaya madaling naisabalita sa lahat ang kaganapang magyayari ngayon.
Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga ibang studyante. Pagkadarating pa lamang namin, nagcheer na ang mga ito with all the posters pa. Pati music meron din. Nagmukha tuloy variety show dito. (see video for music)
Nang mas lumakas ang hiyawan, doon ko napansin na paparating na ang mga kalaban namin sa aming kinaroroonan.
Hindi na rin ako nagtaka pa sa mga expressions ng mga ito ng makita nila kami.
"Hey! Are you guys going to play volleyball in that get up?" tanong ng isa sa mga kasama ni Morris.
Oo, balot na balot kami ngayon. Naka limang layers ako sa suot kung damit. Kung mapapansin nga, parang tumaba ako. Longest line nga ang competition diba? But anyway, walang kaalam-alam ang mga ito.
Iyon naman talaga ang plan all along. And it seems everything is working accordingly.
Kitakita ko ang reaksyon ni Morris. Iyan ang mukha ng naisahan. Hindi rin naman siya bobo para hindi magets ang mga nangyayari...
"So what are we playing?" tanong niya.
"Ang usapan natin ay dito ko sasabihin kung anong lalaruin at kung ano ang mga rules and mechanics." pagsasabi ko sa kanya.
"So what is it?" tanong niya ulit.
"Ang game ay Longest Line Contest. Kailangan may limang members bawat group. Simple lang naman ang mechanics. Pataasan lang naman ng linya gamit ang mga damit na suot sa ating mga katawan. Kung sino ang may mataas na linya sa loob ng isang minuto, siya ang panalo. Hindi pwedeng kumuha o manghiram sa ibang tao. Kung anong meron kayo, iyon lang ang pwedeng gamitin."
Bakas na bakas sa mukha ni Morris ang lalong pagkadismaya.
Anong akala niya?Volleyball talaga? Dream on.
Pansin kong apat sa kanila ay naka sports attire pero may isang nakadamit pa rin. Pero gayunpaman, siguradong-sigurado na ang panalo namin. Baka nga hindi pa kami magsisimula, susuko na ang mga ito.
"Maliwanag ba ang mga sinabi ko?" tanong ko sa kanya.
"Yeah."
Aba lalaban talaga. Kahit sino pa ang tatanungin, kami na talaga ang panalo. Taas rin ng pride nito. Tingnan lang natin kung sino ang mapapahiya this time.
Lumapit na sa amin si Alex. Siya kasi ang itinalaga kong maging referee at timer sa game na to.
"May isang minuto lang kayo para buuin ang linya gamit ang inyong mga damit o kung ano mang gamit meron kayo sa inyong katawan. Are you ready?" tanong ni Alex.
"Yes!!!"
"Okay, in one, two three, go!"
Nagsimula na kaming magtanggal ng aming mga damit.
Mas lalo rin namang lumakas ang hiyaw ng mga estudyanteng nanonood pati na rin ang music na pinatugtog ng mga ito. May nagdala pa talaga ng karaoke para lamang sa event na to..tsk
Ang ingay talaga. Basang - basa pa naman ang buo kong katawan dahil na rin sa pawis..
"K, panalo na tayo!" sabi ng isa kong kasama.
"Huh?!"
"Eh wala namang line sa kabila eh."
Napatagil ako sa paghubad ng isa pang layer ng aking damit. Mataas-taas na rin ang linyang nagawa namin. Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ng isa kong kasama na walang linya sa kaibila.
Nang tumingin ako sa kanilang side, wala nga. Wala naman kasi silang ginawa eh.
Para tuloy akong nawalan ng ulirat sa mga pangyayari.
Tiningnan ko si Morris. Nakatingin rin siya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga sandaling iyon, pero parang tutulo ang aking mga luha ng wala sa oras. Ganito ba iyon? Na parang walang silbi ang pinaghirapan namin para lamang manalo dito?
Pero bago pa man tumulo ang aking mga luha, napansin ko nalang na naghuhubad na si Morris ng kanyang mga damit. Naka jersey top and shorts lang siya with matching rubber shoes. Kaya naman ng hubarin niya ang kanyang top, kitang-kita ang hubad niyang katawan. Ito lang ang masasabi ko. Firm and flawless.
"Hey, what the hell are you doing man?!" sabi ng isa niyang kasama.
"Just shut up! If you want to participate, take that damn clothes off!" galit na sagot nito.
Wala namang nagawa ang mga kasama nito kundi sumunod sa kanya. Hindi rin nagtagal, natapos na ang isang minuto. Nakaboxer shorts na lang silang lima ngayon. Nakabuo nga sila ng linya pero hindi pa abot sa kalahati ang taas ng kanilang linya sa aming linya.
"K's group wins!" pag-aanunsiyo ni Alex.
Ang lakas ng hiyawan. Masaya ako at nanalo kami. Hindi lang ako, lahat ng mga kaklase ko at ang mga ibang studyante sa paaralang ito masaya. At last, naging successful rin ang plano namin. Kaming lahat nagtulong-tulong dito. Joint effort talaga.
"Congratulations!" hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Morris.
.................Wala akong masabi.
"That was well-planned."
Hindi ako makapagsalita.
Then he smiled at me..............beautifully.
Walang bitterness.
.
.
.
.
.
At ang kaninang nagbabadyang luha ay tumulo na rin ngayon.
Ano ba to?!
And then all of a sudden..
.
.
.
.
out of nowhere..
.
.
.
.
.
..........he gave me a hug.
Pero teka lang..bakit parang umiikot ang paligid...........................................................fainting.
"K!!!"
to be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/859789-288-k623996.jpg)
BINABASA MO ANG
You're In My Territory, So Back Off!
Teen FictionKendall is an epitome of a highschool student that everyone in Pablo Garcia National Highschool looks up to. She's the number 1 top student in class, the reigning Miss PCNH 2012 and captain of the school's volleyball team. To put it simply, PCNH is...