Chapter 19: Up and Close

82 3 2
                                    

CHAPTER 19

Kadarating ko lang ng school. Medyo natagalan ang pagdating ko dahil may inihatid pang ibang pasahero si Mang Karding bago niya ako inihatid dito. Buti nalang hindi pa nagsisimula ang morning ceremony. 

*chatter, chatter, chatter, chatter, chatter.........................*

"Tingnan niyo yung linya ng 4rth year. Dali!"

"Ano bang meron?"

"Yung mga bagong students andun?"

"Nasaan?"

"Ayun oh. Naka-uniform pa sila. Ang gwapo talaga!"

"Ay oo nga. Kyaaaah!"

Rinig na rinig ko ang chismisan ng mga lower year students habang papunta ako sa linya namin. Ako din naman nagulat dahil nandun ang grupo ni Morris. Hindi naman kasi sila sumasali sa morning ceremony magmula ng pumasok sila dito.

Ng malapit na ako sa linya namin, dumeritso na ako sa pwesto ko. By height syempre ang arrangement kaya nasa likurang bahagi ako ng linya.Magkatabi rin lang naman ang linya ng boys at girls kaya ng lumingon ako sa katabi, nagulat naman ako at eksaktong katabi ko naman si Morris. Seryoso siyang nakatingin ko harapan kung saan naghahanda ang mga guro para sa morning ceremony kaya hindi niya ako napansin.

Ang gwapo talaga ng taong toh at smart looking pah with his glasses on. Pero sayang, ang bata pa naman eh sira na ang mata. Pero kahit na ang flawless ng skin at parang napakakinis. Kahit isang pimple wala...ang cute din ng lips niya..at....-

"Are you staring at me?" hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Nagulat din ako bigla sa sinabi niya.

"Eh?!"

"I just caught you red handed staring at me!"

Patay...ang lakas pa man din ng pagkasabi niya. Nagtinginan na tuloy ang iba naming kaklase..

"Of course not! Hindi ako nakatingin sa iyo!' pagdedeny ko.

Hindi ah...As if naman aaminin  ko iyon ever. In front of so many people?Managinip siya ng gising!

"Why do you insist on denying when I already caught you doing it?'

"Bakit mo ba pinipilit yung hindi totoo?Hindi talaga!"

Tinawanan niya lang niya ang sinabi ko. Nakakabwisit talaga itong taong toh. Inisin ba naman ako ng pagka-agaaga. Tsk!...

Hindi na ako tumingin ulit sa kanyang direksyon. Mabuti nalang at hindi rin nagtagal ay nagsimula na kami sa aming moring ceremony...

"You may go to your respective classrooms now!" pag-aanunsiyo ng guro ng matapos na ang program.

Oo nga naman. Babalik na kami today sa classroom namin. Sa wakas, hindi na kami makakaranas ng hirap kahit papano. Ano ba naman yung experience namin sa ilalim ng manggahan. Kung hindi naman sa masyadong mahangin doon, minsan naman inuulan kami ng mga dahon o kaya naman nahuhulugan ng mga uod mula sa mga sanga nito. 

Nasa tapat na kami ng classroom namin ngayon. Ni  isa wala pang nagtangkang pumasok sa loob. Ang awkward din naman kasi ng feeling after all that has happened...

Hindi naman nagtagal ay dumating naman si Teacher Ben, ang adviser namin.

"Class, welcome back dito sa classroom niyo!" sabi niya.

"Teacher, nang-iinis ka ba? Alam mo, kanina mo pa kami tinutukso!' sabi naman ng isa naming kaklase.

"Asus, alam ko naman na maligaya kayo at nakabalik kayo dito. Gusto ko lang kayong i-welcome."

"Hay naku Teacher Ben, ang dami niyo pang drama."

"Naku naman, itong mga magaganda at ke gagwapo kong estudyante, hindi na mabiro!"

"Boo! Boo!...."

Hayy, nag-iingay na naman tong mga ito...

"Okay class, bago kayo pumasok gusto ko lang sabihin na meron tayong changes sa seating arrangements. Kasama natin ang mga bagong transferrees this time." anya pa ni teacher Ben.

"Okay teacher Ben!"

"Ganito ang gagawin natin. Line up yourselves by height tapos alternate ha..boys and girls." instruction ni Teacher Ben sa amin.

Nagsimula na kaming pumwesto sa aming mga sarili. Nasa unahang linya iyong mga hindi gifted sa height at kami namang matataas ay as usual sa likuran pa rin. Pumunta ako sa likuran ni Zach dahil medyo kaheight ko lang siya. Nakita ko namang nasa unahan naman niya nakapwesto si Alex. 

Nasa unahang bahagi naman ng linya si Xav samantalang nasa gitnang bahagi naman sina Mari at Max. At sa likuran ko naman, sino pa ba?wala ng iba..

Hindi na ako lumingon sa likuran ko dahil baka sabihan pa akong tumititig sa kanya..

Hayy, nakakabwisit mang isipin na magiging katabi ko ang isang ito pero kahit papano may 1% kilig factor naman. Feel na feel ko ang presence niya sa aking likuran. 

Hmmm, ang bango...

Omg..palihim kong inamoy ang aking katawan..buti nalang at hindi ako mabaho...baka naman kasi mag-aamoy ako ng hindi kanais-nais..ang init pa naman ng panahon.

Mabili nga ng cologne mamaya pag-uwi...lol

"Alright class, now we are settled. Alam ko na medyo huli na para dito pero let's introduce ourselves once again. Para naman makilala rin natin ang mga bago niyong classmates at kayo naman ay makilala rin nila. Let's start with the person seating from the right and so on."

"Come in front, tell us your name and share something about yourself."

Una ng tumayo ang isa kong kaklase na nasa unahan. Sumunod naman ang iba kong kaklase na katabi nito. Walang humpay na hiyawan at tuksohan naman ang naganap dahil na rin sa mga sinabi ng mga ito.

Hanggang sa si Xav na ang pumunta sa harapan. Hindi ito nagsalita. Lumapit lang ito sa board at doon sinulat ang mga gusto niyang sabihin.

-board

Hello! I'm Xav Christian Lopez

You can call me Xav.

I can't speak, but I'm a good listener.

Yun lang ang sinulat ni Xav. Naging tahimik naman ang buong klase matapos masaksihan ang ginawa nito. Hindi rin marahil alam ng halos lahat na pipi ang isang ito. 

HIndi naman kasi halata. Akala ko rin naman na tahimik lang talaga siya pero ng sabihin ng mga kaibigan niya sa amin na pipi ito, nagulat rin ako.

"O-okay, next!" tawag ni Teacher Ben.

Nagpatuloy ang getting to know portion ng classroom namin. 

Pero halatang may awkwardness na namumuo kapag ang mga bagong transferrees na ang nasa harap para magpakilala..ang tense tuloy ng paligid.

Hindi ko rin naman masisi ang mga kaklase ko. Ito rin naman kasi ang unang pagkakataon na makita at makilala nila sa malapitan ang mga bagong estudyante. Iba rin ang level nila. Halatang galing sa mayamang pamilya. Kahit na nagmumukha na silang estudyante dito sa school namin dahil sa suot na uniform nila, iba pa rin ang aura.

to be continued...

FROM THE AUTHOR

Hello!

How's your day?

Ang ganda ng weather ngayon here in Milwaukee.

Buti wala ng snow at papalapit na ang spring season.

Pero medyo maginaw pa rin. 

Kaya nakacoat pa rin ako kapag lumalabas.

Anyways, please don't hesitate to share your thoughts by commenting...

I'd love to hear it.

Love,

Coco Mademoiselle

You're In My Territory, So Back Off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon