CHAPTER 20
"Next!" tawag ni Teacher Ben
"Alex, ikaw na..."
"Ikaw na."
.
.
.
.
.
.flashback...
"Ikaw.."
"Ikaw!!!"
.
.
.
.
"Hey! Are you listening?!" sabi sa akin ng katabing ko.
Si Zach.
"Oo! Hindi ako bingi!"
Tumayo na ako sa aking silya at pumunta sa harapan ng klase upang ipakilala ang aking sarili. Konti lang ang mga sinabi ko kaya madali akong natapos. Wala rin naman kasi akong planong magtagal sa harapan. At maging sentro ng atensyon ng mga kaklase ko.
Hindi ako expressive. Anti-social. Loner. Whatever. Yun ang description nila sa akin.
Pabalik na ako sa aking silya ng mapansin kong nakatitig sa akin si Zach. Napahawak naman ako sa aking leeg. Nahagilap ko ang band-aid na nilagay ko dito para matakpan ang namumulang kiss mark.
Sariwa pa rin sa aking isipan ang buong pangyayari kagabi...
"So ikaw pala ang babaeng kasa-kasama ng uncle ko."
"Ano bang kailangan mo sa akin?"
"I'm just curious. Usap-usapan sa business society na may bagong babae ang uncle ko. I just want to know you personally. But I didn't expect this. This is really surprising."
"Tama ka. Nakakagulat nga. Ako rin naman, hindi ko inaasahan na kamag-anak mo pala ang cli-..este boyfriend ko."
"What?B-boyfriend?!"
"Oo, boyfriend ko ang tiyuhin mo. Alam mo naman siguro ang estado ko sa buhay. Pero gayunpaman, hindi iyon dahilan para basta mo nalang akong bastusin! Ano iyong ginawa mo kanina?Huh?!
"You're right. I had your background checked. You're a still a highschool student and just barely my age. Ano sa tingin mo ang iisipin ko? Of course, it's very understandable na pera lang ang habol mo sa uncle ko. Why would I give a damn respect to a person like you?!"
"Kung ganyan ka rin lang kung makahusga sa pagkatao ko, hindi ako mag-aaksaya ng oras para magpaliwanag sa iyo. Wala akong pakialam kung ano ang tingin mo sa akin. Kung sabagay, hindi ka rin naman ang taong pakikisamahan ko!"
"What?! Seriously?!"
"Kung wala ka ng kailangan sa akin, aalis na ako. Sinasayang mo lang ang oras ko!"
"Go ahead. I won't stop you. Pumunta ka sa party at tingnan lang natin kung hindi mo maipapahiya ang uncle ko diyan sa leeg mong namumula. What would he think about it?"
Hindi na ako tumuloy sa party kagabi. Nang makita ko ang sarili ko salamin, may malaking marka na sa aking leeg. Naka-tube gown ako kaya naman kitang-kita ang kiss mark.
Tumawag na lamang ako kay Mr. Z na hindi na ako makakarating pero hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na dahilan. Ayokong lumaki ang problema. Kabilin-bilinan rin sa akin ni Mr. Z na walang ibang makakaalam sa tunay naming relasyon. Kaya naman hindi ko rin magawang sabihin kay Zach ang totoo.
BINABASA MO ANG
You're In My Territory, So Back Off!
Teen FictionKendall is an epitome of a highschool student that everyone in Pablo Garcia National Highschool looks up to. She's the number 1 top student in class, the reigning Miss PCNH 2012 and captain of the school's volleyball team. To put it simply, PCNH is...