Chapter 10: Tears and Joy

116 2 0
                                    

CHAPTER 10

(Kendall's POV)

"K, okay ka lang?"

"Okay lang ako Mari. Huwag kang mag-alala sa akin."

"Ano ba naman kasi ang nangyari? Huwag kang mahiyang magconfide sa akin. Handa naman akong makinig eh."

"Naku wala lang iyon."

"Anong wala? Eh kitang-kita kitang umiyak. Tsaka sinampal mo pa si Morris."

"Morris? Friends mo na ba iyong mga iyon?"

"Medyo."

"Anong medyo?"

"Nakilala ko lang naman iyong tatlong iyon nung pumunta ako sa classroom para kumuha ng basahan na pampunas sa kotse. Tapos sinabihan lang nila ako sa mga pangalan ng iba pa nilang kasama. Shock nga kami sa nadatnan naming eksena eh. Ano ba iyon? Pang primetime ha!"

"Luka-luka!"

"Hayyy, alam mo ba na nakakagaan ng loob iyong ishare mo iyong problema mo sa ibang tao?"

"Mari, wala nga iyon sabi."

"Okay fine. Anyways, tapos na akong kumain. Ikaw diyan? Baka abutin pa tayo ng pagring ng bell dito. Tsaka kailangan mo pang linisin iyong kotse."

"Tapos na rin ako. Saan na iyong mga basahan na kinuha mo? Salamat ha."

"Heto, tulungan na kita."

"Naku Mari, huwag na. Ako na. Tutal ako naman ang may kagagawan nito eh."

"Yan ka na naman. Hate ko talaga iyang ugali mo na iyan. Bakit ba ayaw mong magpatulong? Pati mga problema mo ayaw mong ishare!"

I'm not really in a mood to talk. Super mega badtrip ako sa mga nangyayari kanina. I felt so stupid talaga. At some point I thought I had the chance to battle it out till the end. Pero para naman akong binuhusan ng tubig para maparealize sa akin na nanaginip lang ako ng gising.

This has been getting harder than I thought. Ni minsan wala akong inatrasan o nagpadala man sa sinasabi ng iba. I always follow myself....

"K, anong nangyayari sa iyo? Bakit ka na naman umiiyak? Pati ako naiiyak na rin sa iyo eh!"

I found myself in tears. Kelan ba akong huling umiyak? Ah, ang tagal na rin...years ago ng magkasakit ang Mama. Akala ko talaga mawawala na sya sa akin. Doon ko narealize kung gaano kahirap ang buhay. Ang magagawa nga naman ng pera...

"Pasensya ka na Mari."

"Okay lang iyon. Ikaw kasi eh. Alam mo lumalabas tuloy na feeler ako."

"Bakit ka naman feeler?"

"Feeling ko naman kasi close tayo. Na ako lang iyong close friend mo. Pero ganun ka pa rin. Sinasarili mo pa rin ang mga problema mo. Ni minsan din hindi ka humingi ng tulong sa akin. Hindi naman rival ang turing ko sa iyo ah. Alam ko na iyon mas matalino ka sa akin. Tsaka mabait naman ako diba?"

"Ano ba iyang pinagsasabi mo?"

"Hindi pa ba ako qualified na maging close friend mo? Hindi naman ako panget. Hindi rin ako bobo. Pero may pagkajologs lang ng konti...."

"Ano ba Mari, super qualified ka nga eh...Pasensya na talaga."

Mari gave me a hug. I've known that she's always been there. But I chose not to accept her since I have always been confident in everything. Maybe it is indeed time to open up. To be honest, it is quite hard. I don't feel comfortable at all.  

In the end, I told Mari everything about what happened...

"So anong balak mo K?"

"Hindi ko pa alam."

"Salamat din K."

"Hmmm?"

"Kasi wala namang maglalakas loob na gumawa ng ganun eh maliban sa iyo."

"Oo nga noh. Bida kaya ang drama ko!AHAHAHA"

"K!"

"Ano?"

"Sana maging ganyan ka lang palagi. Magaling ka rin namang humirit eh."

"Ayoko nga. Sabihan pa akong malaki ang ulo."

"Sus, maganda ka naman tsaka matalino. Walang laban iyong aaway sa iyo."

"O tama na. Wala na tayong oras. Simula na nating linisin tong kotse."

Kahit papano naman gumaan din ang loob ko. Malaking tulong talaga ang nagawa ni Mari sa akin. Panibagong chapter na naman toh ng life ko. Ang laking challenge din tong kinakaharap ko. Never ko talagang inisip na magkaroon ng ganitong problema.

It doesnt hurt to be vulnerable in front of others sometimes. It even hurts more to put up a face when it pains deep inside. That's what I learn today.

Sinimulan na naming punasan ni Mari ang kotse ng dumating na naman ang Morris na iyon.

"Thanks but don't bother. We'll have this car be washed instead." he said.

Hindi ko na siya pinansin. Mapapagulo na naman ako kapag pinatulan ko pa ang mga patutsada ng taong ito. Carwash? Sige mayaman naman kayo eh. Baka sabihan pa akong nagpapapansin kung magpipilit pa ako.

"Mari, tayo na. Huwag mo ng ituloy iyan." sabi ko kay Mari. 

Kinuha ko na ang lunchbox ko at sinimulan ko ng lisanin ang lugar. Sumunod na rin sa akin si Mari. Hindi ko na nilingon ang Morris na iyon. Bahala siya...

to be continued......

FROM THE AUTHOR

I'm really having a great time updating this story. I'm very thankful as well to my precious readers for constantly following. I don't advertise this story as I am not that confident if it's a good one. So I'm really glad that there are a few who find this interesting. You always make my day.

I dedicate this chapter to janinemarasigan for always liking my updates.

LOVE,

Coco Mademoiselle

You're In My Territory, So Back Off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon