Chapter 14: Game and Gossip

93 2 0
                                    

CHAPTER 14

(Kendall's POV)

It's the "GET THE CLASSROOM BACK OPERATION DAY" ngayon. Katatapos lang ng morning ceremony namin at bago pa man kami pumunta sa may manggahan para sa aming klase, bulung-bulongan na ng whole campus ang balita. Ito ay ang volleyball competition na hinahanda ko para maibalik sa amin ang classroom  namin.  

*chatter, chatter, chatter, chatter, chatter, chatter, .................

"Guys, may laban daw mamaya ang volleyball team ng school natin"

"Oo, during lunchtime break. Kakalabanin nila ni K yung bagong transferees sa classroom nila."

"O ano, gusto niyo ng pustahan?"

"Sige, game ako diyan. Magkano ang taya?"

"Pupusta ako sa team ni K. 20 pesos lang pwede?"

"Haha...sige2x. Akin na yung mga pusta niyo dali!"

Hayy, ano to? Sabong? Hirap na nga sa buhay, may lakas loob pang magpustahan..tsk2x. 

Nagkakagulo na ang mga studyante, lalong-lalo na ang mga lalaki dahil sa balita. Ang bilis din ng action sa grupo ni Mari. Syempre naman kasi halos lahat ng nasa grupo niya eh yung mga chismoso at chismosa. 

Alam na kaya ng mga transferees ang tungkol dito?

Hindi ko naman kasi nakikitang umaattend ang mga iyon tuwing flag ceremony. Kakailangan pa talaga ni Mari na puntahan ang mga iyon para makasiguro na iyon nga ang iisipin nila.

.....

(Mari's POV)

Galing ako sa teacher's office para isauli ang mga novena na ginamit namin during the morning prayer kanina ng nakita ko siyang nakatayo along the hallway with his headset on. Nagpapamusic toh for sure. Iba na talaga pagmayaman, sa mga magazine ko lang nakikita ang mga gadgets na ganyan eh. 

"Hi!" bati ko kanya. 

Hindi niya ako narinig. Nakatingin pa rin siya sa kanyang ipod. Paano ba toh?

Nagwave ako ng aking kamay sa harap ng mukha niya para mapansin niya ang presence ko. And thank God, pansin na rin niya.

"Hey! Good morning! How are you?" bati niya sa akin. Iba rin ang energy ng taong toh. Nabigla nga ako sandali ng humarap siya sa akin.

"I'm okay."

"It's Max!"

"Ha?!"

"You should call my name."

"Aahh, right..I'm okay, Max!' 

"So, do you need something from me?" tanong niya.

"Ha? Ah eh..No, I just happened to see you here. I was at the teacher's office to return some novenas we used during the morning prayer at the quadrangle. Then I saw you so I thought I could say hi." sabi ko sa kanya.

Kakatense naman to. Second encounter ko pa lang sa taong ito pero kinakabahan na ako. Ganito pala ang feeling ng may ulterior motive. Akala ko pa naman swerto ako ngayong araw dahil si Max ang una kong nakita.

Actually kagabi pa lang, pinlano ko na kung sa paanong paraan ko maipaparating ang balita tungkol sa game na gagawin kunyari. Kung sino man sa kanila ang una kong makaharap ay siya ang pagsasabihan ko. 

"I like you."

"Ha?!"

Ano iyon? Bigla akong nakaramdam ng init sa buong katawan. For sure, pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Hindi ako magiging sikat na "kamatis girl" ng walang dahilan. Kapag napapahiya ako bigla, namumula na aking mukha. Kaya nga ingat-ingat sa akin ang mga kaklase ko eh. Hindi ako sanay na maging center of attention at wala pang lalaking nagsabi ng ganito sa akin ng harap-harapan.

You're In My Territory, So Back Off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon